Chapter 13: Cyanide

3.2K 105 3

Cyanide

Wesley's POV

"Time of death thirty minutes ago lang, medyo mainit init pa ang biktima." Sabi ni Andrew sa Inspector.

"Sa itsura ng biktima at pagsuka niya ng dugo sigurong poisoning ang naganap. Kailangan nang kunin ang biktima para maautopsy." Kumbinsidong sinabi ni Inspector Donovan sa sarili niya.

"Teka lang Donovan pwede bang bigyan mo kami hanggang mamayang madaling araw? Padating na sila Sir Blair." Pakiusap ni Clifford kay Inspector.

Tumingin si Inspector sa kanyang relo tsaka nagsalita. "Osha sige, eight thirty na nang gabi may siyam na oras pa kayo para dito. Five thirty kukunin na namin ang bangkay."

Ilang minuto ang lumipas dumating na sila Sir Blair at Ms. Laura.

"Wesley dala ko yung van ng MCC. Pasensya na natagalan kami ni Laura, nilipat pa kasi namin lahat ng forensic apparatus at gadgets ko sa van." Dispensa ni Sir na mukhang pagod dali sa madalian nilang pagsunod dito.

"Mrs. Fujiwara pasensya na po alam namin mahirap para sa inyo yung naganap, pero pwede ba namin kayong makausap at tanungin para makakuha ng ilang impormasyon." Ani Ms. Laura sa maybahay ng mga Fujiwara.

Tumango lang si Mrs. Fujiwara bilang pagpayag.

Bakit ganon, bakit wala akong nakikitang bahid ng lungkot sa kanya?

"Wesley may nakuha kami sa kwarto ni Mr. Robert Davis, nakakalat lang doon. Dapat mong makita." Bulong sa akin ni Chloe na inutusan ko kasama si Amber at Kenna.

"Maghugas kayo ng kamay niyo kung nahawakan niyo to." Bilin ko sa kanila dahil pwedeng lason tong nakuha nila.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko na nakatayo si Mr. Davis sa may gilid, parang masaya. Nalilito na ako sino sa kanila ang tunay na pumatay?

Nakita ko na sunod na nilapitan ni Ms. Laura ang humihikbing si Sophia. Ngayon ko lang siya napansin. Nawala din siya kanina. Malabo naman sigurong magkakasabwat sila.

Inimbitahan na din namin ang lahat ng tauhan ng Palace kasama si Mr. Robert Davis para sa interrogation.

"Lahat ng estudyante magsama sama sa isang lugar. Walang maghihiwalay kung maaari." Utos ni Sir Ives Damian sa lahat para narin sa seguridad ng bawat isa Siya at si Ms. Grace Harley kasi ang namumuno sa activity dahil sila ang prof namin sa History at Social Studies.

"Wesley walang internet sa buong lugar. Hindi ako makakakuha ng information dahil dito." Dismayadong sinabi ni Amber.

"Hayaan mo marami pang paraan para makakuha ng impormasyon." Pagpapalakas ko sa loob niya.

Tinawag ko ang lahat at nagdesisyon kaming pag usapan ang mangyayaring pag iimbestiga.

Mayroon nalang kaming walong oras, nangangamba ako na pag hindi namin minadali to ay mawawalan ng saysay ang lahat.

"Sir Ives, Ms. Grace pwede niyo ba kaming tulungan tungkol sa kaso?" Pakiusap ko sa dalawa.

"Oo naman Wesley, may obligasyon din kami dahil kami ang naka assign para sa masayang paglilibot sana natin sa mga iba't ibang lugar." Pinaunlakan nila ang pakiusap ko.

"Kung ganon kaya niyo po bang alamin ang lahat tungkol sa History ng mga Fujiwara at ang tungkol sa relasyon ng pamilya?" Sa tingin ko ay may kinalaman dito ang pagkamatay ni Mr. Fujiwara.

"Dwayne at Amber kayo naman ang sumama sa mga kaklase natin at magtanong ng nalalaman nila tungkol kay Sophia." Tumango sila at mabilis na umalis pero tumigil si Amber at pinakinggan ang susunod kong sasabihin.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!