Chapter 25: Reveal it or die

2.5K 83 0

Reveal it or die

Amber' POV

Masyado na akong nakakaramdam ng frustration sa mga nangyayari, una si Chloe ngayon naman si Kenna. Sunod sunod na kaming napapahamak.

"Sino nang isusunod ni Ahriman sa laro niya? Si Chloe nasa hospital pa, si Kenna naman nawawala." Hindi ko na mapigilan hindi magsalita. Nawawalan na ako ng pag asa.

"Bakit Amber may mga secrets ka rin ba? Ang mabuti pa ay sabihin mo na." Nabigla ako sa tanong ni Ms. Laura siguro ay nagbibiro lang siya. Sa totoo lang wala naman akong sikreto kaya wala akong dapat ipangamba.

"Meron Ms. Laura sikreto siyang umiibig sa akin!" Nagtaas pa ng kamay si Clifford, feeling niya ata class recitation ngayon. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagbaba na siya ng kamay.

"Ay oo nga pala yung black letter hindi pa natin nababasa." Bigla kong naalala yung sulat maaari kaming makakuha ng clue.

Binasa ng malakas ni Ms. Laura ang nakasulat.

"Never reveal all of yourself to other people; hold back something in reserve so that people are never quite sure if they really know you."

"Reveal it or die?"

"Hindi lang para kay Kenna o kay Mr.Otis ang sulat, siguradong para rin ito sa lahat ng may lihim. Ngayon palang mag uumpisa ang totoong laro." Makahulugang sinabi ni Ms. Laura.

Tama siya ngayon na yata mag uumpisa ang tunay na laro ni Ahriman, iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako. Wala naman talaga akong sikreto pero natatakot ako na baka ako na ang susunod.

Wesley's POV

"Hindi lang para kay Kenna o kay Mr.Otis ang sulat na to, siguradong para to sa lahat ng may lihim. Ngayon palang mag uumpisa ang totoong laro."  Paulit ulit ang salitang to sa isip ko.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko, lahat sila mukhang nabahala sa sinabi ni Ms. Laura

Sino pa nga ba ang may mga lihim dito, ano pa kayang susunod na matutuklasan ng bawat isa sa amin.

Ano bang dahilan ng laro? Nag umpisang umikot sa iba hanggang napunta na sa grupo. Anong malalim na dahilan o meron nga ba talaga?

Biglang tumayo si Craig para magpaalam. "Hahanapin ko si Kenna." Hindi talaga siya magpapapigil.

"Hindi pwede Craig pinag bawalan ka nila, lalong mapapasama si Kenna kung makita nilang pagala gala ka dito sa academy." Pigil ni Sir Blair na kararating palang.

"Pero hindi natin alam kung buhay pa si Kenna, kung nasaan na siya, kung maayos ba ang kalagayan niya. Siya nalang ang natitirang mahalaga sakin walang saysay kung nakaupo lang ako dito habang naghihintay ng balita." Nanlulumo niyang sinabi, gaano ba kalalim ang pinagsamahan nila para magkaganyan siya.

"Craig kumalma ka muna ginawan ko na ng paraan yan, sa totoo lang ay nagdududa ang lahat kay Otis pero hindi natin siya pwede paratangan nalang basta lalo na't si Kenna ang tinuturo ng mga ebidensya." Paalala niya kay Craig.

Inilahad ni Sir Blair ang pag uusap nila ng Inspector. "Nakausap ko si Insp. Donovan pinayagan niya tayong mag imbestiga sa silid ni Otis, tiwala siyang mas may kakayahan tayong makahanap ng ebidensya sa tulong na rin ng mga kagamitan ko. Hindi rin siya kumbinsido na may kinalaman si Kenna, maaaring ginamit siyang kasangkapan sa krimen na to. At malaki ang naitulong ng sinabi mo Craig, hindi muna maaaring bumalik si Otis sa silid niya at lumapit sa bangkay ng misis niya dahil may posibilidad na may kinalaman naman talaga siya dito."

Nagbago ang expression ni Craig sa mga sinabi ni Sir Blair. Nagkaroon ng pag-asa.

"Mabuti pa dahil anim lang tayo sama sama na tayong magpunta sa dorm ng mga professor, at sama sama na rin tayo maglibot para hanapin si Kenna ng wala ng maghinala kay Craig. Hindi rin tayo dapat mag hiwahiwalay dahil masyado ng malalim ang gabi at delikado." Tama si Ms. Laura dahil kulang na kami ngayon at maaaring hindi lang ang kasong to ang kinakaharap ng grupo ngayong gabi. Maraming pwedeng mangyari.

"Ay oo nga pala, mabuti pang tawagan niyo si Dwayne na wag iwanan si Chloe. Alam ko na hindi niya iiwanan pero mabuti nang alam niya ang nangyayari satin ngayong gabi." Habilin ni Ms. Laura.

Clifford's POV

"Hindi lang para kay Kenna o kay Mr.Otis ang sulat na to, siguradong para to sa lahat ng may lihim. Ngayon palang mag uumpisa ang totoong laro."

Napaisip ako sa sinabi ni Ms. Laura, sino pa nga ba sa grupo ang may lihim bukod kay Kenna at Chloe.

"Clifford tara na nakatulala ka dyan iniisip mo ba kung anong sikreto mo hahaha." Biro ni Sir Blair na nagpabalik sa diwa ko.


"Hoy Clifford baka gusto mong tumulong dalhin to!" Turo ni Amber sa mga maaari namin gamitin sa paghanap ng ebidesnya.

Ibang klase talaga si Sir Blair at ang mga kagamitan niya.

"Oo na! Nagsusungit ka na naman palibhasa ang secrets mo ay tatlo lang naman." Mukhang naguguluhan si Amber sa sinabi ko.

"Anong tatlo?" Nakapamaywang siya ng lumapit.

"YOU LOVE ME." Sabi ko habang binibilang sa daliri ko ang mga salita.

"Ambisyoso ka talaga umalis ka sa harap ko at baka maipukpok ko sayo tong gamit ni Sir. Blair." Nag sungit siya pero hindi siya tumanggi.

"Kayong dalawa tigilan niyo ang mga gamit ko at malalagot kayo sa akin." Pagbabanta si Sir Blair.

"Tara na baka may mauna pa doon at mangialam sa kwarto." Kawawa naman si Craig, kahit na walang pag asa ang pagmamahal niya kay Kenna at hindi parin siya tumitigil.

Ang pag ibig nga naman.

Si Wesley naman nagpapanggap na cool pero sa kaloob looban niya baka pinapatay na siya sa pag aalala. Ayaw pa kasing umamin.

Lumabas na kami sa headquarters at tumungo sa dorm ng mga professor.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!