Chapter 69: Ending (Part 2)

2.7K 65 21

Ending (Part 2)

Dwayne's POV

Gusto kong murahin si Clifford dahil wala na siya sa hulog, hindi niya ba naisip na lalo niyang ginagalit si Ms. Laura sa mga pinagsasabi niya.

Bang..........

Nagulat nalang kami sa lakas nang putok na nagmula sa baril ni Ms. Laura. Binaril niya si Clifford sa hita. Kitang kita ko kung paano umagos ang dugo sa hita niya at kung paano siya mamilipit sa sakit ngayon.

"Shut up, o hindi lang kita dyan babarilin." Nagbabantang sinabi nang babaeng pinagkatiwalaan naming lahat.

Nawalan na ako nang pag asa. Mas mabuti pa nga yatang malaman na namin ang lahat bago pa niya kami tuluyang tapusin.

"So b*tch tell us what happened to you?" Wala na akong pakialam if I call names on her, she deserve it.

"Stop calling me names, o ikaw ang uunahin ko." Tinutok niya sa akin ang baril pero binawi niya rin at saka nag umpisang magkwento.

Ako nalang ba at si Chloe ang hindi nakakaalam nang katotohana?

"For your sake Dwayne, dapat lang na malaman mo. Hindi naman yata patas na nabigyan na nga nang hustisya ang pagkamatay nang kapatid mo, pati ba naman dito ay wala kang malalaman. Mamamatay ka nang walang bumabagabag sayo? No way. Hindi ako makakapayag." Pinapaligoy ligoy niya ang usapan. Ang dami niya pang sinasabi ayaw nalang niya magkwento.

"Ravana.... Ravana ang pangalan ng grupong pumatay sa pamilya mo fourteen years ago. Pinatay nila ang mga Montgomery, pamilya na pinang galingan mo Ms Laura." Bago pa mag umpisa si Laura, inunahan na siya ni Wesley.

Ravana? Anong ibig niyang sabihin? Anong klaseng grupo sila?

Natahimik lang sila at patuloy na nakinig sa mga sinasabi ni Wesley.

"Hindi pa nakaka isang taon matapos nang nangyari sa pamilya mo ay nainvolved na naman sa isang eskandalo ang Ravana, this time ay sa mga Mackenzie naman. Pero kagaya nang naunang kaso, walang nakulong sa kanila. Natalo kayo sa kaso. Hindi nabigyan hustisya ang pagkamatay ng mga kaanak mo.  Walang sapat na ebidensya, walang makapag turo. Walang makapag sabi at walang makapag patunay na sila ang pumatay sa pamilya mo. Tanging ikaw lang ang nakasaksi sa lahat, pero hindi naging sapat yon para maipakulong mo sila." Pagtutuloy ni Wesley sa mga nagyari. Hindi pala nabigyan nang hustisya ang pagkamatay ng pamilya ni Ms. Laura at ang pamilya nila Craig.

Anong kinalaman ko? Bakit sinasabi niyang hindi patas sa kanya na maligaya ko?

"Na dismiss ang kaso ng pamilya niyo, naging isang malaking katanungan ang pagkamatay nila, kahit na pinilit mo nang patunayan sa lahat na Ravana ang may kagagawan nito, na sila ang maysala. Sunod nilang naging target ang mga Mackenzie, kagaya nang nangyari sayo ang nangyari kay Craig, naulila siya sa lahat, pero hindi lang yon ang pagkakatulad ng istorya niyo dahil kagaya ng naunang kaso, hindi rin nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga Mackenzie." Parehas pala sila nang istorya.

Paano naitatag ang Ravana? At anong koneksyon nila? Bakit sa dinami dami ng mayayamang pamilya, bakit pamilya nila ang napiling patayin ng grupo?

"Sa pagkamatay nang mga Mackenzie, lumabas sa imbestigasyon na myembro din pala ng Ravana ang tatay ni Craig. Napag alaman na umalis ang tatay niya sa grupo, na maaaring kaya sila pinatay ay dahil sa pag tiwalag nito. Ngunit kahit malaki ang tyansa na ganun ang nangyari, sa huli ay nakalaya na naman ang buong grupo. Ang grupong pinangungunahan ni Henry Ravana, binansagan siyang crime lord kahit na nang mga panahon na yon ay wala ni isang kaso ang nakapag patunay na siya ang may kagagawan." Kung member nga ang Daddy ni Craig, there is a big chance na marami na siyang nalalaman sa grupo kaya pinatay siya, or dahil sa pera? Pero sa pagkakaalam mo mayaman naman sila Craig.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!