Chapter 47: Walter Academy

Start from the beginning
                                    

Nilingon ko si Wesley, nadamay na naman siya sa asaran dahil sa akin, pero wala naman nagbago sa expression niya, parang wala paring pakialam kahit nadamay na siya sa asaran.

"Paano tayo maglalaro niyan kung kulang tayo." Reklamo ni Ms. Laura, walo nalang kami dito ngayon pero hindi pwede si Chloe dahil nga inoperahan siya.

"Miss gusto niyo sali niyo nalang kami." May biglang lumapit sa aming lalaki at inalok si Amber kung pwede silang sumali. May tatlo pa siyang kasama.

"Uhmmm...guys?" Tumingin si Amber sa aming lahat, parang nagtatanong kung payag ba kami dahil hindi naman namin sila kilala.

"Ui Wesley ikaw pala yan pre! Sabi na kaya parang pamilyar" Sabi nung kasama ng lalaki na lumapit kay Amber.

"Kamusta?" Nilapitan niya si Wesley at inakbayan.

"Ayos lang." Tinanggal ni Wesley ang pagkakaakbay nito sa kanya. Sa palagay ko hindi sila close dahil sa inasta ni Wesley.

"Tutal kilala mo naman sila Wesley mabuti pa ay isali na nga lang natin sila, mas marami mas masaya." Mungkahi ni Ms. Laura na excited na talagang maglaro.

Nagpakilala na kami sa isa't isa. Schoolmate daw sila ni Wesley sa Walter Academy at mga kaibigan na rin doon, bago pa siya lumipat sa Cuthbert. Lima daw silang lahat na nagbakasyon dito, dalawang lalaki at tatlong babae.

"Kung lima kayo asan yung isa?" Tanong ni Cliff. Hinanap ko rin yung sinasabi nilang isang babae, pero dalawang babae lang ang kasama nila ngayon dito.

"Nako laboy yun, baka naglibot na naman mag isa dito sa Isla. Mahilig magsusuot kung saan saan yon hehe." Sabi ng nagpakilalang si Arkin.

"Kenna baka siya na yung nawawala mong kapatid, laboy daw eh hahaha." Inasar na naman ako ni Dwayne dahil nalingat si Chloe.

Naging masaya naman ang laro. Sobrang energetic ni Ms. Laura at Sir Blair, namiss daw kasi niya ang beach dahil nga taga Florida siya, maraming beach doon. Naging tabla ang laban. Inabot na kami ng hapon, gusto sana nilang bukas ituloy ang game pero last day na pala nila dito sa Island.

"Oo pre sige salamat ang saya ng game, sayang hindi na kami pwedeng mag extend ng bakasyon may kailangan kaming tapusin sa school." Paalam ni Arkin kay Dwayne, nag fist bump sila kagaya ng ginagawa ni Dwayne kila Cliff kapag nag papaalam.

"Okay lang Dude, keep in touch nalang, gimik tayong lahat minsan." Sabi ni Dwayne kay Arkin. Mukha siyang mabait kumpara kay Vince, medyo nakakailang siya. Presko yung datingan.

Nagpaalam narin kaming mga girls sa isa't isa.

"Sayang di niyo nakilala yung isa naming kasama." Sabi ni Jayra samin nila Amber at Chloe.

"Di bale may next time pa naman diba? sana magkita kita tayo sa Manila." Masayang sinabi ni Amber sa kanila.

Hinanap ng paningin ko si Vince na lumapit na ngayon kay Wesley at umakbay, may sinabi siya rito. "Kala ko susunod siya dito, hindi pala siguradong naglibot yun mag isa dito sa Isla, di bale Wesley sasabihin ko nalang na nakita ka namin. Hahaha." Sinabi niya ng mahina pero sapat naman para marinig ng lahat. Humalakhak to ng parang nang aasar. Bakit ba may kakaiba sa personality niya.

Hinila na siya ni Arkin at mabilis na nagpaalam sa amin.

"Sige guys! see you around." Kumakaway to hanggang makalayo sa amin, habang yung isang kamay niya ay nakahawak parin kay Vince para hindi to makawala na tumatawa parin.

Nang makaalis na sila ay bumalik na kami sa bahay para kumain, nakalimutan na namin ang gutom kakalaro.

"Alam mo Wesley, okay yung mga schoolmate mo dati, lalo na si Arkin, pero si Vince medyo mayabang, sigurado kabang tropa mo dati yun?" Ani Dwayne sa kanya.

"Ano kaba Dwayne, kung sa Cuthbert nga naging kaibigan ka ni Wesley si Vince pa kaya, nakita mo lang kaya yung kakambal mo." Asar ni Amber sa kanya, hindi ko na napigilan yung tawa dahil sa sinabi ni Amber, nakaganti na ako. Mas lalo pa kaming natawa dahil hindi makaganti si Dwayne, nandito kasi si Chloe. Pagagalitan siya kapag pinatulan si Amber.

Narinig namin na may pumasok dito sa loob kaya natigil kami sa pagtawa, si Craig pala may dala dalang mga basket na may lamang mga pagkain, kasama si Manang.

"Gutom naba kayo? hindi pa ako nakapagluto, naisipan ko kasing pumunta sa bayan kaya lang naparami ang nabili ko, mabuti nalang nakita ako nitong kaibigan niyo kaya sinamahan ako." Sabi ni Manang na galak na galak dahil sa pagtulong ni Craig sa kanya.

"Manang sabi ko naman sayo kung mamimili ka sabihin mo sa akin para nasamahan kita." Nag aalalang sinabi ni Clifford sa matanda.

Napangiti nalang ako, bakit ba ang bait ng mga boys ng MCC.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now