Chapter 41: Now or never

Start from the beginning
                                    

"Sa palagay ko alam ko na ang nangyayari? Parehas ba tayo ng iniisip Wesley." Kutob ni Dwayne sa mga naganap. Mas naunang maging malapit si Clifford at Dwayne kaya siguradong marami na siyang napapansin sa kanya.

"Okay boys hindi na kami nakakahabol sa pinag uusapan niyo? Ikaw ba Kenna may naintindihan pa?" Putol ni Ms. Laura sa usapan namin, saka tinanong si Kenna na tahimik lang.

Umiling iling lang to bilang sagot sa tanong ni Ms. Laura.

"Kahapon may pinahiram sa akin si Sir Blair na bagong gamit. Earpiece, para siyang wire tappping maririnig ko ang usapan niyo, pero hindi sa pamamagitan ng usapan sa magkabilang line ng telepono kundi usapan sa personal." Alam na alam kong sa amin niya yun ginamit. Gusto kong magalit dahil sa pag amin niya but this is not the right time.

"Kaya kahapon ay naisipan mong pakinggang ang interrogation?" Hula ko dahil sigurado naman na samin lang niya yon gagamitin.

Naiinis ako sa ginagawa niya dahil parang lumalabas na wala siyang tiwala sa amin pero ayoko munang bigyan pansin yung ginawa niya.

"Oo pero mas nagtataka ako kay Amber. Nilagyan ko din ang pwesto niya kung saan malapit sa computer, pero tahimik lang siya ang naririnig ko lang ay ang tunog ng keyboard at mouse. Parang seryoso siyang masyado kaya naisip ko na maaaring may nalaman siya. At hindi nga ako nagkamali." Kung ganoon ginamit niya din si Amber.

"Kagabi palang ay may kakaiba na sa kinikilos niya, kaya naisipan ko siyang sundan. Nang sinabi niyang babalik na rin siya ng dorm hindi ako naniniwala, kaya inalok ko siyang ihatid dahil di nga ako kumbinsido. Kinabitan ko siya nitong gamit ni Sir Blair at tama ang hinala ko. Nakipag kita siya kay Clifford at dun ko na natuklasan ang lahat." Pagdedetalye niya sa ginawa ni Amber. D*mn that woman. Hindi ba niya naisip na delikado yung ginawa niya?

"Anong ibig mong sabihin? Ano bang totoo kay Clifford? Siya ba ang kalaban?" Naguguluhan na si Ms. Laura, kagaya ko at ng iba pa na nandito sa loob ng headquarters sa dami ng alam ni Wesley, na hindi namin masundan.

"Anak siya ni Inspector Donovan."  Mabilis na napahugot ng hininga si Ms. Laura at Kenna sa ibinisto ni Wesley.

"Tama ka Wesley may posibilidad! Bakit nga ba hindi ko naisip yon? Kahapon palang nang magkaharap si Ms. Ebenezer at Insp. Donovan parang magkakilala sila pero not in a good way, so it means na may past pala sila?" Tanong ni Ms. Laura kay Wesley.

"Maaari, hindi pa natin sigurado anong dahilan nang hiwalayan nila." Sagot niya.

"Kung ganoon......sinasabi mo ba na sinadya ni Ahriman na magpakita sa atin at isipin natin na siya si Clifford? Para mapunta ang atensyon natin sa kanya, at alamin ang mga lihim niya?" Sinabi ko sa kanila ang kutob ko, ito marahil ang tunay na plano ni Ahriman.

"Pero bakit?" Si Dwayne naman ang nagtanong.

"Simple lang dahil ayaw niyang umalis si Cliff sa grupo. Gusto niyang paglaruan tayong lahat at sa tingin ko hindi matatapos ang larong to kung magkakawatak watak tayo." Simpleng dahilan ni Wesley.

Hindi ako makapaniwala, napakababaw nang dahilan. Ngunit kung iisipin mabuti, malaki ang tyansa na totoo dahil sa una palang wala naman koneksyon samin yung nagpakamatay. Wala rin kaming natanggap na sulat na nagsasabing may bago siyang paglalaruan.

Sinadya niya lang magpakita kung kailan naghihinala kami sa biglaang pagbabago ng ugali ni Clifford. Hindi nga siya nagkamali, sa huli ay pinag bintangan namin ito kaya napunta ang atensyon ng lahat kay Clifford, hanggang sa inalam namin ang sikreto niya.

Tahimik kaming lahat ngayon sa loob, walang gustong magsalita hanggang sa nag ring ang cellphone ni Ms. Laura


Ring....ring....ring


"Hello Sir Hugo napatawag ka?" Mabilis na nakuha ni Ms. Laura ang atensyon  ni Wesley dahil sa pag banggit ng pangalan ni Sir Hugo.


"What ngayong umaga na? Akala mo ay gabi pa? Oo...oo.....sige papunta na kami dyan." Nagpapanic na sinabi nito habang nakatingin sa relo niya.

"Anong sinabi ni Sir Hugo?" Sabi ni Wesley.


"Aalis na daw ngayong umaga si Cliff. Dapat gabi pa, pero nagbago daw ang isip ni Cliff, mamayang alas dyis na daw. Mag aalas nuebe na sa palagay ko dapat na natin siyang pigilan." Nagmamadaling sinabi ni Ms. Laura.

"Pero wala pa si Amber." Nag aalalang sinabi ni Kenna. Tilang natauhan si Kenna ng mabanggit ang pag alis ni Cliff.

"Tara na gisingin na natin siya." Yaya ni Dwayne sa amin.

"Kukunin na namin yung van para magamit natin." Mungkahi ni Sir Blair.

Mabilis kaming kumilos lahat at tumakbo na papunta sa dorm kung nasaan si Amber.


Amber's POV

"Amber! Amber!" Si Kenna ba yung maririnig ko? Nararamdaman ko na parang tinatapik niya ako pero imposible ang aga pa, tsaka paano siya makakapasok sa kwarto ko.

"Amber Orzora wala kabang balak gumising!!!!" Napabangon ako dahil sa lakas ng tili ni Kenna.

"Oh God! Ano bang problema mo? Ang aga aga nang gigising ka. Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Iritado kong sinabi sa kanya.

"Anong maaga?" Tumingin siya sa relo niya at sinabi ang oras. "Nine a.m na tsaka parang hindi mo naman alam kaya kong magbukas ng mga pinto." Nakapamaywang niyang sinabi.

Hindi ko maidilat ng mabuti yung mga mata ko. "So? Wala kaya akong klase." Sagot ko sa kanya, dahil pakalat kalat siya dito. Wala ba siyang pasok.

"C'mon! princess wake up." Napalingon ako sa nagsasalita. Si Dwayne na nakaupo sa study table ko and for pete's sake nandito rin si Wesley at Craig na parehas nakasandal sa may pader.

"OMG! What are you guys doing here?" Napatayo ako para sana tumakbo sa comfort room nang pigilan ako ni Kenna.

"Amber paalis na si Cliff ngayon." Nag aalalang sinabi niya sa akin.

Nawala na sa isip ko yung itsura ko sa harap nila dahil sa sinabi niya.

"Diba Wesley sabi mo kanina na mamayang gabi pa ang alis niya?" Naguhuluhan na ako.

"Yan ang sinabi ni Ms. Laura, pero dahil sa pag uusap niyo kagabi mukhang nagbago ang isip niya. Hindi na siya magpapapigil." Si Craig ang sumagot sa tanong ko kung ganoon sinabi na sa kanila ni Wesley ang lahat.

"Tumawag si Sir Hugo kay Ms. Laura para ipaalam na nagpa resched ng flight si Cliff. Nag sorry din siya dahil wala na daw siyang nagawa sa desisyon ng mag ina gaya nang pinangako niya sa atin." Napaupo nalang ako sa sinabi ni Wesley. Ang aga pa para sa mga nalaman ko. Mahirap iprocess sa utak, kaibigan ko si Cliff at malulungkot ako na aalis na siya.

"Tara na, kung uupo ka dyan hindi mo siya maaabutan." Hinila ako ni Dwayne patayo.

"Teka Dwayne, hindi pa ako nag aayos tsaka kung gusto niyang umalis wala tayong magagawa." Pagdadahilan ko.

"Amber, kaibigan niya tayo. Naniniwala kaba sa sinasabi mo na kagustuhan niya yon? Tsaka van yung dala ni Sir Blair dun kana mag ayos."  Napayuko ako, tama si Dwayne. Alam namin lahat dito kung gaano niya kamahal yung grupo.

"Tara na." Hinawakan ni Dwayne ang kamay ko at hinila na ako palabas. Nagpatangay nalang ako. "This is now or never Amber." Halo halo yung emosyon ko sa sinabi niya, pero isa lang ang nasa isip ko, ayokong umalis si Clifford dahil parte siya ng grupo at mahalaga siya sa akin.

***************

Eto yung van ng MCC. Recreational Vehicle po ang tawag dyan. >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now