Chapter 39: Clifford's secret

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang masiguro ko na walang nakakita sa akin mabilis akong tumakbo papunta sa gate ng school. Tinanguan lang ako ng guard, kilala na nila kami. Madalas kaming magtanong sa kanila tungkol saa mga kaso na may kinalaman sa mga lumalabas ng academy. Isa pa may karapatan ako na lumabas ng school dahil kasama yon sa napagkasunduan nila Mom at nang academy. Pwede akong lumabas ano mang oras basta wala akong klase. Ganito dito sa Cuthbert, madedetect din ng system na nakakabit sa gate kung may access ako na lumabas o wala.

Pumara ako ng taxi nang makalabas ako. Hindi ko pwedeng gamitin ang sasakyan ko papunta sa village, hindi ko alam ang daan papunta doon. Malapit lang naman siya sa academy, maraming estudyante sa Cuthbert na may bahay doon. Binili ng mga magulang nila kapag ayaw nilang magstay sa dorm. Gaya nga ng sabi ko depende sa pagkakasunduan ng school at ng magulang kung ano ang limit ng pwede mong gawin. Lahat yon ay alam ng system ng gate nang academy at ng ID namin. Basta ano man ang mangyari sa labas ay wala silang pananagutan.

Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako kakaisip sa mga weirdong rules ng Cuthbert.

"Miss ayan po yung park." Sabi ni manong taxi driver.

"Ay sorry po." Inabot ko sa kanya yung bayad at bumaba na. "Thank you po manong."

Nakita ko kaagad si Clifford na nakatayo sa may tabi ng puno, lumingon din siya sa kinakatayuan ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Anong itatanong mo?" Walang gana niyang sinabi sakin ng makarating ako sa kinatatayuan niya.

"I know the truth."

"What do you mean?" Nakuha ko na ang atensyon niya dahil sa sinabi ko pero wala parin akong makitang emotion sa kanya.

"Your family, your mom and dad."

Walang bakas ng pagkabigla sa sinabi ko, parang expected na niya yung sasabihin ko, na malalaman ko din ang secrets niya.

"As expected sa inyo, kaya gusto ko nang umalis kaagad. Ano Amber naaawa kaba sa akin kaya ka nandito ngayon? Ikocomfort mo ako?" Mabilis na napalitan yung emosyon niya, mula sa pagiging blangko, napalitan ng galit. Kahit tono ng pananalita, galit.

"No! I never judged you! Iba ang gusto kong malaman."

Natawa siya sa sinabi ko. "Tsk. Ano pabang gusto mong malaman? Hindi paba sapat yung nalaman mo sa pag iimbestiga sa akin at sa pamilya ko?"

"Wala akong pakialam kung ano man yung nakaraam mo dahil wala naman mababago malaman ko man o hindi, pero may namatay Cliff dahil kay Ahriman." Sinubukan ko pang habaan ang pasensya ko.

"Anong kinalaman ni Ahriman sa nakaraan ko?"

" At this moment ikaw ang pinaghihinalaan kong si Ahriman." I told him. I need to, kailangan niyang ipaliwanag ang side niya.

"Nagpapatawa kaba Amber?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nagiging sarcastic na siya ngayon.

"May nakuha kaming kopya ng cctv sa computer room kung nasaan si Ahriman. Nung mga oras na yun may pinag bantaan siyang babae. Inuudyukan niyang magpakamatay. Maaaring ikaw yun Cliff, ginawa mo yun para malipat ang atensyon ng lahat sa kaso at malimutan namin na aalis kana. Aalis kana dahil takot kang malaman ng lahat ang tungkol sa pamilya mo, ang tungkol sa nakaraan mo."


"You're accusing me dahil hindi ko kayo mabigyan ng magandang rason tama ba?"I shook my head, nakita ko ang galit sa mata niya.

"D*mn! I can't believe you Amber! Kaibigan ba talaga kita? Pinaghihinalaan niyo ako! Nandito ang mommy ko para sunduin ako, nalaman niyang dito ako nag aral sa Cuthbert. Wala siyang idea sa ginawa ko. May sakit ang mommy ko, she's depressed at lagi siyang paranoid na iiwan ko siya and she even tried to killed herself. Ano sa palagay mo Amber? Dapat ko pabang sabihin sa inyo ang pinagdadaanan ko? Ang sikreto ko? Pumunta ako dito para makilala ang tatay ko, gusto kong malaman ano yung dahilan niya bakit niya kami iniwan gaya ng sinasabi sakin ng nanay ko! Pero parang balewala lang naman sa kanya na nagpunta ako dito, hindi man lang siya gumawa ng paraan para magkalapit kami, kaya wala ng dahilan para manatili ako dito." In the end nasabi niya rin ang mga nilalaman ng isip niya. I didn't expect na ito ang reason siya.


THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon