■Wales Survived

61 4 4
                                    

Author: JLCjeje
Parts: 15
Reads: 889
Status: On-going
Genre: General Fiction

Author: JLCjejeParts: 15Reads: 889Status: On-goingGenre: General Fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLURB

- Ang lindol ay parang isang magnanakaw. Hindi mo alam kung kailan ito sasalakay. At kung ano ang idudulot nito sa'yo. Paano kung isang araw magising ka na lang sa lugar kung saan wala nang ibang tao maliban sa'yo. Ano ang gagawin mo?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "Manang Linda, pupunta po dito mamaya si Reign. Sabihan niyo po ako agad pagdumating na po siya." Sabi ko kay Manang Linda.

Ngumiti muna siya bago nagsalita. "Sige po ma'am. Ahm, ma'am pwede po ba akong umuwi sa amin? May sakit po kasi ang asawa ko ngayon."

"Okay, Manang. Balik na lang po kayo dito next month at mag-ingat po kayo. Pwede na po kayong umalis pagdating ni Reign." Sabi ko habang nakangiti.

Ngumiti naman siya at niyakap ako. "Salamat, ma'am Anna."

Ngumiti naman ako sa kanya bago bumalik na sa aking kuwarto.

Ako nga pala si Anna Ruth Wales, eighteen years old. Patay na ang Ina ko. Ang Ama ko naman ay iniwan na ako. Si Manang Linda na lang ang kasama ko dito mula noon.

Maya-maya pa ay biglang sumigaw si Manang Linda. "Ma'am Anna, nandito na po si Ma'am Reign."

"Sige Manang. Paki-hatid na lang po siya rito sa room ko po." Sigaw ko sa kanya pabalik.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang pintuan nang aking kuwarto. Pumasok si Manang Linda kasama ang kaibigan ko. "Ma'am Anna, a-alis na po ako." Ani Manang.

Ngumiti naman ako sa kanya bago nagsalita. "Sige Manang, mag-ingat po kayo."

-----------

"Waaaaahhhhhh!!! I hate you na, Anna!" Ani niya sabay hampas ulit sa'kin ng unan.

Nagkulitan at nagkwentuhan lang kami hanggang sa 'di naming namalayang nakatulog na pala kami.

"Reign, 'wag ka ngang gumalaw." Sabi ko.

"Anna, gising..."

Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa aking pisngi. "Anna, gumising ka. Anna..."

Bigla kong minulat ang aking mga mata nang marinig ko ang kanyang mahihinang hikbi. "Anna..."

Ramdam ko ang paggalaw ng paligid. Lahat nang nakasabit sa dingding ay nagsibagsakan. Rinig ko rin ang sigawan at iyak nang mga tao sa labas. Kitang-kita ko ang unti-unting pagkakaroon ng bitak sa buong kwarto ko.

"Anna... tulangan mo ako."

Bigla naman akong napatingin sa kaliwa ko nang marinig ko ang tinig ni Reign. Agad akong nanlumo nang makita ko siya. "Reign..."

"Help me, Anna. Help me."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa sobrang gulat. Bigla akong nataranta at hindi makapag-isip nang tama.

"Please Anna, help me... Help me please." Pagmamaka-awa niya sa'kin.

☆-☆-☆-☆

What a sad story with a spice of reality in it. It will be worth it reading this story. If you want more chapters. Follow JLCjeje then support the story. Enjoy! ^_^❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now