■Grins and Giggles

1 0 0
                                    

Author: WawonaBonita
Parts: 1
Reads: 504
Status: On-going
Genre: Teen Fiction

Author: WawonaBonitaParts: 1Reads: 504Status: On-goingGenre: Teen Fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Nicholai lives his life according to his responsibilities. There's no space for fun and games, for him every second must have cost. Not until, Joanna came, and change everything.

SIMULA
- Pangatlong beses na ata namin ito na uulit para sa simulang steps ng cheerdance na binuo ng section namin, pero heto at uulit na naman kami.

Kung hindi ba naman kasi singlakas ng campaign speaker ang gamit ng kabilang section, siguro kanina pa kami tapos.

Pero ayoko silang sisihin. Tingin ko ay may kasalanan din ang section namin. Dahil imbes na lumipat ng ibang pwesto, mas gusto pa nilang pag-initin ang mga ulo nila.

"Pre, 'di pa tapos?" napatingin ako sa kararating lang na si Patrick.

Nakasuot pa ito ng jersey ng basketball team ng PNU. Tagaktak ang pawis, at amoy araw.

"Ewan ko, ang tatagal. Puro inarte." sabay tingin sa mga kaklase kong nakataas ang kilay habang mataray na nakatingin sa kabilang section.

Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinitignan ng mga ito. Doon, ay natagpuan ng mga mata ko ang isang babaeng mas malakas pa ang tawa sa speaker na dala-dala ng president ng section namin.

Mukhang hindi naman nito napapansin ang mga nakamamatay na tingin ng mga babaeng kaklase ko. Tanging ito lang ang tumatawa nang ganoon kalakas habang ang dalawang kasama nito ay parang nahihiya na sa kasama.

Binalik ko ang tingin sa mga babaeng kaklase ko. Tulad nang kanina, matalim pa rin ang tingin na binibigay ng mga ito sa babae.

Ano bang ginawa niya sa kanila?

Ang mga babae talaga kapag may mas maganda sa kanila, kinagagalit na agad nila.

Teka, sinabi ko bang mas maganda?

Palihim kong iniling ang ulo. Mali, kung ano ano lang ang nasasabi ko bunga ng pagod.

Maya maya pa ay narinig kong nagsalita ang presidente ng klase namin. Mukhang naisip na rin nito sa wakas ang lumipat ng pwesto, kahit sobrang laki naman ng gym.

Bago umalis ay muli kong napansin ang pag-irap ng mga kaklase kong babae sa section ng kaagaw namin sa pwesto.

Hindi ko rin alam kung bakit sinundan ko ito muli ng tingin sa pangalawang pagkakataon, at doon nakita ko ang pag-make face ng babae kanina.

Nanlaki ang mga mata nito nang makitang nahuli ko ang ginawa niya. Mabilis na hinila ng kaibigan nito ang braso ng babae.

Nang-aasar ba ito? Kaya ba iritang irita ang grupo nila Marielle dahil may ginagawa ang babae para kainisan nito?

Sayang, ang ganda pa naman.

Nabigla ako sa laman ng isip ko. Ano bang pinagsasabi ko?

Simula ng araw na iyon, wala na yatang lugar sa loob ng pamantasan ang hindi ko siya nakita. Mukhang hindi naman ako nito namumukhaan sa tuwing napapatingin din ito sa akin.

At sa tuwing makikita ko ito, kasunod nito ang pagkasira ng araw ko. Dahil sa totoo lang, hindi ko pa man nakikilala ang ugali ng babaeng iyon, ayoko na agad sa kaniya.

Halata sa ayos ng babae na may kaya ito sa buhay. Iyong mukha na hindi nakaranas ng kahit anong hirap habang lumalaki. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagiging carefree at walang pakialam sa mundo.

Bakit ba kasi may mga taong hindi namomoblema sa buhay nila? Bakit may mga taong tulad niya na carefree lamang at parang walang paghihirap na dinadanas?

Bakit may mga taong pinanganak na may privelege tulad niya?

At, ang nakakainis pa roon, mukhang hindi nito batid ang pribilehiyong mayroon ito.

☆-☆-☆-☆
Will Nicholai and Joanna end up together? Follow WawonaBonita now and read the story. Enjoy! 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now