■Leave or Stay

102 4 2
                                    

Author: noonabii
Parts: 48
Reads: 3.52k
Status: Completed
Genre: Romance - General Fiction

WARNING: R18 - READ AT YOUR OWN RISK

WARNING: R18 - READ AT YOUR OWN RISK

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Just to forget the sad memories she have suffered, Lura Abejero, decided to left the place that's keeping her agony. That was when she met this grumpy CEO-Gavin Crimson and became his assistant.

Lura's only wish is to heal the wound in her heart that was caused from the tragic fate of her life and being attached to someone didn't even crossed her mind.

However, she has no control with her own feelings.

She end up loving her boss.

It became her distraction and when she's about to fully recover, someone from her past came back to life which makes everything complicated.

Will she stay beside her present or will she leave together with her past?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- Mama, papa, lola, Trevor... paalam. Sana gabayan niyo ako sa desisyon kong ito. Babalik ako kapag naghilom na ang sugat sa puso ko. Mahal na mahal ko kayo.

Marahan kong pinunasan ang pumatak na luha sa aking pisnge at mapait na ngumiti sa harap ng lapida ng mga yumao kong mahal sa buhay. Nasa iisang sementeryo lang sila nakahimlay kaya sinabay ko na silang dalawin lahat bago ako umalis patungong manila.

Laking pasasalamat ko nang makilala ko ang tanging kamag-anak ni papa--ang kapatid niyang si Tita Beatriz. Nito ko lang siya nakilala nang maisipan niyang magbakasyon dito sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. Plano sana niyang dalawin at kamustahin si papa dahil matagal na panahon silang walang komunikasyon. Kaya sobra siyang nalungkot nang ako lang ang nakaharap niya.

Matapos ang isang buwan nilang pananatili, bumalik na rin sila sa manila pero bago pa man sila umalis ay inalok muna niya ako na sa kanila na lamang tumira. Siguro ay naawa siya sa naging sitwasyon ko. Hinindian ko ito nang mga oras na iyon dahil sariwa pa rin sa akin ang huling pinagdaanan ko. Pero tama na siguro iyong dalawang taon na pagluluksa. Panahon na para ayusin ang sarili ko. Matapos kong ipaalam kina Tita Beatriz ang naging desisyon ko ay agad kong inayos ang lahat at ngayon na nga ang alis ko.

Pumara ako ng taxi at nagtungong airport. Isang oras na lang bago ang flight ko kaya kailangan ko nang magmadali at baka maiwanan pa ako ng eroplano.

----------

"S-salamat..." nakagat ko na lamang ang labi nang manginig ito. Hindi ko alam kung bakit pero kumabog ng malakas ang puso ko.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Ni hindi ko man lang naramdaman na sinulyapan niya ako ng tingin.

Nagkibit-balikat na lamang ako saka umusog ng kaonti sa gawi niya malapit sa pindutan ng floor number saka ko pinindot ang number twenty-five. Nahagip naman ng mga mata ko ang isa pang numero na nakailaw. 59, iyon na ang huling numero kaya malamang sa top floor siya papunta.

Bumalik ako sa unang pwesto ko at tahimik na naghintay. Limang minuto kaming walang imikan at binalot ng katahimikan hanggang sa tumunog ang elevator at bumukas ito, tanda na nasa 25th floor na.

Dahan-dahan akong lumabas. Pasimple ko siyang nilingon at bago sumara ang pinto, nagtama ang mga mata naming dalawa kasabay ang pag-iingay ng dibdib ko na para bang may mga tumatakbong kabayo sa loon nito.

☆-☆-☆-☆

Seems interesting right? What are you waiting for? Follow noonabii now then read and support her story. Enjoy. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now