■Yesterday's Dream

83 4 2
                                    

Author: EniHm_06
Parts: 31
Reads: 5k
Status: Completed
Genre: Romance

Author: EniHm_06Parts: 31 Reads: 5kStatus: CompletedGenre: Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Love Strings Series 1

People's heart wish only some  simple things. To be happy and be the reason of someone's happiness. To fall and to be catched. To love and to be loved back. And to go back from the start to experience it again and again.

If you will be given a chance, will you start over again and experience the yesterday's dream?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "Okay, class dismiss." Pagkasabi na pagkasabi nun ni Miss Dimabali ay mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng classroom ng may malawak na ngiti sa aking labi. Lunch break na at balak kong mangkota ng libreng pagkain. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko ng maramdaman ang gutom pero napahinto ako ng may humatak sa backpack ko. Agad akong napasimangot.

"Hindi ko alam kung gutom ka lang ba talaga kaya mo ako nakalimutan o gutom ka nga at the same ay hindi makatiis na hindi makita si Sherson." Napasinghap ako ng malakas niyang hinila ang backpack ko at naglakad papunta sa harapan ko. Tinaasan niya ako ng nagmamaldita niyang kilay dahilan na mas lalo akong napasimangot.

"Lumalawak na naman yang imagination mo, Eiko. Alam mo, gutom lang yan kaya tara na sa canteen. Bili tayo ng pagkain." Inakbayan ko siya at kinaladkad na lamang papuntang canteen. Pero mabilis siyang kumalas sa pagkakaakbay ko at muli akong sinamaan ng tingin kaya napakamot na lamang ako ng ulo ko.

"Shet, Mari. Tao ka pa ba?!" Hindi mapakapaniwalang bulalas niya kaya kununutan ko siya ng noo.

"Bakit? May nakita ka bang buntot sa pwet ko? Pakpak sa likod ko?" Sarcastic kong tanong sa kanya. Napailing siya habang pinasadahan na naman ako ng tingin. Araw-araw naman niya itong ginagawa eh. Kesyo nakakaloka daw ang outfit ko at palala ng palala araw-araw. Eh kung tutuusin, pare-pareho namang uniform ang suot namin.

------------

5 minutes na lang at dismissal na nila.

"Huh! Umaasa ka na namang makakasabay ka sa kanya today? Eh diba nga, since last week ay banned ka na sa kotse niya kasi may lecheng Lessy na nandun?" Agad akong napasimangot dahil sa sinabi niya. Tama nga naman kasi siya. Simula nung magkamabutihan sila ni Sherson, ang lecheng Lessy na lang ang parati niyang kasabay pauwi. Hindi na ako. Ako na simula first year ay kaibigan na niya. Nakakainit ng ulo!

"Subukan lang niyang hindi ako pasakayin ngayon sa kotse niya. Lagot tong t-shirt niya sa'kin." Nanggigigil kong sabi kay Eiko habang mahigpit na hinahawakan ang dulo ng t-shirt niyang suot ko.

"Ikaw naman kasi, girl. Nagmumukha kang manang jan sa suot mo. Oo, nakakainggit ang makitang suot ng isang girl ang damit ng boylet nila. Pero pag ikaw, nagmumukha kang nakakatawa. Tingnan mo! Malaki na nga sayo tong damit ni Sherson, hindi mo pa nilagyan ng style ng magmukha ka namang normal at hindi yagit!" Sermon pa niya sa'kin at inayos ang pagkakasuot sa'kin ng t-shirt.

"Ayan! Oh diba! Nagmukha kang tao! Try naman natin itong buhok---" mabilis kong tinapal ang kamay niya bago pa mahawakan ang buhok ko.

"Ayos na yan. Off-limits tong buhok ko. Wag mo ng pakialaman. Nananahimik to eh."

"Off-limits ka jan! If I know, may namumuhay na jang insekto eh. Yuckie ka, Mari!" Pandidiri niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong kuto kungim iyan ang inaakala mong bruha ka!"

"Ge, mauuna na ako. Baka maloka pa ako sayo eh." Paalam niya. Umayos na lamang ako ng tayo habang hinihintay si Sherson na dumaan.

"Please Lord. Sana walang lecheng Lessy." Mahina kong dasal hanggang sa lumabas na ng parking lot ang kulay itim na kotse ni Sherson. Napangiti ako ng tumigil ito sa mismong harapan ko kaya mabilis akong lumapit. Akmang hahawakan ko na sana ang pinto ng passenger seat ng biglang bumaba ang window nito at bumulaga sa'kin ang pagmumukha ng isang pabebeng dugong.

Leche! Humanda ka sa'king lalaki ka!

☆-☆-☆-☆

If you love the story I hope you would support it. Follow EniHm_06 now and read the whole series of that story. Enjoy. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now