■Mythic Masters and The Art of Gaming

8 0 0
                                    

Author: ally_wantstoeat
Parts: 19
Reads: 1.55k
Status: On-going
Genre: Action

BLURB- Paano kung ang larong nilalaro mo lang sa cellphone at computer ay totoong malalaro at mararanasan mo?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Paano kung ang larong nilalaro mo lang sa cellphone at computer ay totoong malalaro at mararanasan mo?

"Welcome to the final battle of Mythic Masters. Where death is real, survival is real, and pain is unbearable."

Isang daan at dalawampu na mga kabataang manlalarong kasali sa final battle ng Mythic Masters na app ay inimbitahan sa isang party. Kinaumagahan, nagising sila sa isang salaming kwarto na may anim na tao sa loob at suot ang kakaibang kasuotan para sa mga manlalaro.

Lingid sa kanilang kaalaman, sa araw na iyon magsisimula ang final battle at hindi ito gaganapin sa harap ng kanilang mga cellphone kundi sa totoong buhay. Upang manalo, kailangan nilang patayin ang isa't isa at ipanalo ang bawat challenge upang makauwi sa kanilang mga tahanan bitbit ang limpak-limpak na mga papremyo.

"Ngunit ang pagkabigo, buhay ang kapalit."

120 players, 20 teams, only one team can live.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- Bakit anglamig? Summer ngayon ah?

At bakit angtigas ng kama ko?

Parang... parang tiles?

Wait!

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nagyari kagabi. Shoot!

Nasaan ako?

Nilibot ko ang aking paningin sa masikip at malamig na kwarto. Sa tabi ko ay may isang babae na tulog at apat pang lalaki na nakahiga at malalim ang tulog sa sahig.

Masikip ang kwarto na kinalalagyan namin. Apat na dipa lamang sa bawat sulok at gawa ito sa salamin kaya kita ko ang aking repleksyon sa bawat sulok.

_________

Welcome to THE LAND OF HAVOC! Please touch the screen...

Si Alexander ang nag-tap sa screen at may lumabas ulit dito.

Jason Priam Depalco
Height: 5'7
Age: 18
Gender: M
Enter Code Name:_

"Sino si Priam?" Iritang tanong nung lalaking matangkad.

"Me." Seryoso ang lalaki sa aking kaliwa at lumapit sa salamin na screen at nilagay ang pangalang 'Jace' at pinindot ang [enter]

_________

Dahil ako na ang nasa malapit sa screen, pinindot ko ang kahit anong parte ng screen at lumabas dito ang unang pagsubok na haharapin ng Hound Hunters.

Sana naman, magkasundo kami lahat dito.

Oo na, kakaibiganin ko na si Alto para dito. Kunyari hindi sya si Alexander na sobrang nakakairita.

Challenge no. 1:
Run! Don't die!
Last team to reach the finish line
will be eliminated.

"Tangina!"

☆-☆-☆-☆
Paano kung yong larong nilalaro mo lang sa phone mo ay malalaro mo sa totoong buhay? Alamin sa kwento ni ally_wantstoeat . Enjoy! 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now