■Estrella Cruzada

3 0 0
                                    

Author: Exrineance
Parts: 36
Reads: 135k
Status: On-going
Genre: Historical Fiction

Author: ExrineanceParts: 36Reads: 135kStatus: On-goingGenre: Historical Fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Ang alam mo ay hindi totoo. Ito ay gawa-gawa lamang. Ihanda mo ang iyong sarili pagkat napupuno ito ng kaalamang tataliwas sa inakala mong katotohanan.

Isang binibining isinilang noon ngunit nabubuhay ngayon ang magbabalik upang iwasto ang kasinungalingan ng kasaysayan. Siya ang tunay na bidang babae sa nobelang minsan mo nang napag-aralan sa kolehiyo at sa sekondarya.

Mamahalin niya si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Ngunit ang pagmamahalang ito ay magdudulot ng isa pang mas malaking pagkakamali. Mabubunyag ang sikreto ng kasaysayan. Ito ay isang pinakadakilang pagsasabwatan ng oras na hindi na dapat nabunyag sa sangkatauhan.

Hindi nagsimula sa Noli Me Tangere ang kanilang kuwento at hindi mo hahayaang magtapos ang kanilang pagmamahalan sa El Filibusterismo. Dahil bago magkaroon ng Noli Me Tangere, may isang Estrella Cruzada.

Itatatak at malilimbag sa isang talaarawan ang kanyang natatanging ngalan, Maria Sol Marqueza... Mali.

Ang pangalang ito ay isang kasinungalingan lamang at ikaw lamang ang makakaalam sa kanyang totoong ngalan. Ikaw na siyang nakatuklas ng kuwentong ito ang maglalantad sa kanyang tunay na pagkatao.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- Mataas na ang sinag ng araw at ang bughaw na langit ay nababalutan ng mapuputi at naglalakihang ulap.

22

3

2

9

2

Nakatingin ako sa mga gusaling nagtataasan at sa mga taong abalang naglalakad tungo sa kani-kanilang paroroonan habang binabagtas namin ang daan papuntang paliparan.

Kasama ko ngayon ang ilan sa mga taong naging malaki ang ambag sa aking buhay.

Si Kuya Levy ang nagda-drive, nasa passenger seat si Yuan samantalang nasa back seat kami ni Roanne.

________

Yes, I was captivated at him simula pa lang ng una ko siyang makilala.

Ngumiti uli siya at mukhang pinipigilan ulit niya ang kanyang pagtawa.

"Nag-sorry ka na naman. That's cute you know," sabi niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

This wasn't the first time someone called me cute pero tinamaan ako ng sobra noong siya ang nagsabi.

Nakakapitong hakbang na yata siya bago

niya ako lingunin.

"Yuan Karlo, by the way," nakangiti niyang pagpapakilala bago sandaling kumaway at tumuloy nang maglakad.

__________

Sa mga oras na iyon, naniwala ako na nalagpasan na namin ang pinakamasakit na hamon ng tadhana sa pagmamahalan namin ni Yuan. But I was too naive.

I didn't know that there is a bigger secret that I thought I certainly discovered already.

Dadaan muna ang ilang taon at mababalik ang ilang siglo bago ko ito malaman.

I am the lie after all.

☆-☆-☆-☆
Interested to know more? Follow Exrineance now and read the story. Enjoy!!! 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now