■Witch Hunt

8 0 0
                                    

Author: AteJanz
Parts: 58
Reads: 17.5k
Status: Completed
Genre/s: Fantasy - Romance

5kStatus: CompletedGenre/s: Fantasy - Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Ilang dekada na rin ang nakalipas, nagsimula ang tensyon sa pagitan ng mga mortal- o ang tawag sa mga ordinaryong nilalang na walang kapangyarihan; at ng mga deities o mas kilala sa tawag na witches- o ang tawag naman sa mga nilalang na ipinanganak na may angking galing sa paggamit ng mahika.

Sa paglala ng tensyon na ito ay siyang pagsisimula ng sistema ng Witch Hunt sa bansang Derkarr na kung saan hinuhuli ang bawat witch sa bansa at pagkatapos ay ibebenta o 'di kaya ay pinapatay.

Sa pagdaan ng ilang taon... ipinanganak ang isang batang witch na nagngangalang Charm, na siyang itinakda sa isang propesiya na magsasalba sa sangkatuhan at siyang puputol sa sistemang ito.

Magawa niya kayang wakasan ang sistema ng witch hunt sa bansa?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- 5 years later...

Huminga muna ako ng malalim bago ko itinuon ang aking pansin sa isang walang-buhay na maliit na manika na nakapatong sa parihabang mesa sa'king harapan. Ito ay may korteng rabbit at may kulay na itim.

Sinusubukan ko siya ngayong buhayin gamit ang mga natutunan kong mahika mula sa silid-aklatan ng templong ito. Ang rason kung bakit ko ito ginagawa ay para may makausap naman ako dito sa'king tirahan.

Limang taon na ang lumipas mula no'ng napadpad ako dito sa templo ni Deity Morrel, naaalala ko pa na malapit na din akong mamatay no'ng mga araw na iyon, pero sinagip ako ng guardian animal ni Deity Morrel na si Baal- isang nagsasalitang tigre.

___________

Isang boses-lalaki iyong narinig kong nagsalita! Hindi ako pwedeng magkamali. Parang ang lapit lang sa akin ng boses na 'yon.

Saka ko lang napagtanto na kasalukuyan na pala akong nakapatong sa isang nilalang no'ng nagtagpo ang aming mga mata.

Ang kanyang kulay kahel na mga mata ay taimtim na nakatitig sa kulay rosas kong mga mata.

Naisip kong nangyari yata 'to no'ng natumba ako kanina nung tinangka kong talunan ang baboy ramo. Kaya pala hindi masakit 'yong pagkakabagsak ko!

___________

"Delikado magpunta dito. Kaya mag-iingat ka na lang. " sabi ko. Hinarap niya ulit ako.

"Salamat sa concern Charm. Pero kaya ko naman sarili ko eh." sabi niya

"O siya. Alis nako. Sana magkita ulit tayo." dagdag pa nito.

At umalis na nga ng tuluyan ang binatang may ginintuang buhok at kulay kahel na mga mata.

Hindi ko alam kung bakit, pero... nararamdaman kong magiging importanteng bahagi siya ng buhay ko.

☆-☆-☆-☆
Magagawa kayang wakasan ni Charm ang sistema ng witch hunt sa kanilang bansa? Follow AteJanz and read the story to find out. Enjoy!!! ♡♡♡

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now