■Ang Simula ng Kuwento Nating Dalawa

0 0 0
                                    

Author: francescadcn
Parts: 60
Reads: 5.39k
Status: Completed
Genre: Romance

BLURB- Kailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Kailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula?

Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula.

"I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight, the last teardrop shall be the last one that I will shed for you. Because, clearly, you're not worth it. Ayaw mo ng serious commitment? I didn't ask you to marry me," nanginginig ang boses na sabi ko sa kaniya.

"I'm just too immature to be committed at the moment. I'm sorry." Matapos noon ay tumayo siya at naglakad palayo.

Palayo nang palayo.

Palayo sa taong pinangakuan niya dati na hinding-hindi niya ito tatalikuran.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- June 12, 2012

Isang notification ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa kwarto. Agad akong pumunta sa study table na nasa tapat lamang ng aking kama para doon kunin ang nakapatong na cellphone.

Bago ako tuluyang bumalik sa aking higaan ay binuksan ko ang humidifier na nakalugar sa gilid ng lamesang pinagkuhaan ko ng cellphone ko. Naglabas ito ng matamis at nakahuhumaling na amoy ng Lavender na mabilisang bumalot sa apat na sulok ng silid.

________

Ann: Hahahaha.

Cristof: Wala ka ng pick-up line?

Ann: Teka. Mag-iisip pa ako.

Totoong nag-isip pa ako ng mga pick-up lines. Hindi ako magpapatalo pero parang ako ang nahihiya para sa kaniya. Ako kasi ay parang lulubog na sa aking kinahihigaan dahil sa sinabi ko kahit na iisa pa lang naman iyon.

_________

Huminga ako ng malalim saka tumayo at naglakad patungo sa salamin para tignan ang sarili at kausapin ito.

"Kaya mo 'to, Ann, kaya mo 'to," sabi ko habang nakatingin sa sariling repleksyon at inaayos ang buhok kong umaabot lamang sa aking may balikat. "Kaya mo 'to," sabi ko sa pangatlong pagkakataon upang mapaniwala ang sarili na totoong kaya ko 'yun.

At doon nagsimula ang lahat.

☆-☆-☆-☆
Craving for more? Follow francescadcn now and read the story. Enjoy!!! 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now