■Lunaire Academy: Wizards and Witchess Saga

23 0 0
                                    

Author: Shiani-chii
Parts: 35
Reads: 3.6k
Status: On-going
Genre/s: Fantasy - Romance

6kStatus: On-goingGenre/s: Fantasy - Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- MIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isang wizard-warlock, siya naman ay isang witch. She was dragged by Loki to a hidden academy in a city of another world called Lunaire city upang mahasa pa ang kapangyarihan na mayroon siya. But, the real journey will start there and the rest of the story is history.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "Ikaw ay ako, at Ako ay Ikaw", sambit ng babaeng ang kasuota'y nakabalot ng kulay itim na manto, halatang itinatago niya ang kanyang buong pagkatao, habang nakalutang siya sa lawa na nasisinagan ng liwanag ng buwan ang malinaw nitong tubig. Ngumiti siya ng mapanuksong ngiti habang nakalutang siya sa tubig.

"Sino? Hindi ko maintindihan. Sino ka ba?" tanong ko sa kabila ng aking pagkabalisa, ngunit binigyan niya ako ng mapanuring tingin.

"Malalaman mo ang sagot sa itinakdang araw. Sa araw na matatakpan ng buwan ang araw kasabay ang pagpapantay-pantay na paglilinya ng mga planeta, ang iyong kapalara'y magbabago. Pagka't Ikaw ay Ako, at Ako ay Ikaw, tayo'y iisa lamang."

"Saglit lang! H'wag ka munang umalis! Sino ka? Sabihin mo ang pangalan mo!" sigaw ko habang unti-unting nawawala ang kanyang imahe.

__________

Natigilan ako sa ginawang pagtitig sa akin ni Loki matapos ko sabihin ang mga katagang sinabi sa akin ng hell hound na nakaharap namin. Halata naman sa paraan ng pagtitig niya sa akin, ay napapaisip din siya dahil sa agresibong aksyon ng hell hound sa akin, na napansin din niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko. May parang kuryente na dumampi sa balat ko nang magdikit ang mga palad namin. Mas lalong naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa mukha ko at bigla itong nag-init ng inilapit pa ni Loki ang mukha niya sa akin. "H'wag kang lumapit ng masyado. Please," bulong ko sa aking sarili.

__________

Sa isang kumpas lamang ng wand ni Loki, hindi ko na namalayan na nasa kuwarto na pala ako— namin ni Chelsea sa dormitory ng Heather university, ang unibersidad na pinapasukan ko. Agad akong kumuha ng papel at ballpen mula sa aking mga gamit, at nagsimula ng magsulat. Matapos nito ay isinilid ko ang ginawang liham para kay Chelsea sa may study table niya. Nagsimula na rin akong mag-ayos ng mga gamit at inilagay ang mga ito sa aking purple backpack and luggage bag. Wala akong itinirang gamit sa silid namin ni Chelsea. Pakiramdam ko rin kasi, hindi na talaga nabibilang ang puso at katauhan ko sa mundong kinagagalawan ko sa ngayon. Siguro, dahil na rin ito sa mga nangyaring misteryo sa akin simula ng mapanaginipan ko ang misteryosang babae. Gayunpaman, wala rin akong nararamdaman na pagsisisi sa gagawin kong paglisan.

"Pinili ko ito, at ako ang gagawa ng kapalaran ko, simula ngayon." bulong ko sa aking sarili.

☆-☆-☆-☆
Mahahasa kaya ang kapangyarihang taglay ni Mira sa Academy na kanyang papasukan? Follow Shiani-chii and read her story. Enjoy! ♡

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now