■Reverie

166 7 2
                                    

Author: bleaklyf
Parts: 17
Reads: 1.96k
Status: On-going
Genre: Mystery

96kStatus: On-goingGenre: Mystery

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Halina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan amg alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kaso ang lahat ng ito ay mayroong kapalit. Sa oras na lumabas ka ng gubat, hindi na babalik sa dati ang pag-iisip mo kailanman.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- Hindi ako mapakali. Tumatakbo ang oras at hindi ko ito magawang patigilin. Sa bawat oras na lumilipas ay nauubos ang pagkakataon kong maging mahusay.

Noong gabing iyon, natatandaan kong pilit panatilihing bukas ang mga mata ko habang nagmaneho sa highway patungong kabilang bayan. Malalim na ang gabit at bilang na lang ang mga sasakyang dumaan. Naghinayang sa noo'y maligamgam na styrofoam cup na kape, napagtanto kong kulang pa talaga ang caffeine na aking kinunsumo at dapat inubos ko na lang ito.

Binaba ko ang salamin ng bintana saka tumama ang maginaw na hangin sa mukha ko, papasok sa aking overcoat. Sa magkabilang gilid ng daan ay kumakaunti ang mga bahay at establishment na bukas ang mga ilaw. Walang oras kong nasaulo ang piyesang nai-save sa cellphone at pabalik-balik na tinugtog, ang mga daliri kong pinipindot ang imaginary keys ng piano.

Mayamaya'y naghanap muli ako ng ibang mapaglibangan para mawala ang aking antok. Ang minuto ay naging oras at tila gumapang ang pagtakbo ng orasan.

Nag-aksaya lamang ako ng panahon. Sa pitong taon kong pananatili sa Europe, pakiramdam ko naglakad ako sa isang daang nalakaran na ng iba. Wala akong nagawang progress.

Kaya't napagpasya kong umuwi sa aking hometown, Remedios, subali't sa hindi ko malamang dahilan ay meron pa ring bumabagabag sa'kin. Hanggang ngayon ay abala ako sa paghahanap ng isang bagay na hindi pa nailikha, na magmarka bilang kontribusyon ko.

----------------

Wala akong naisipang valid na dahilan kung bakit ang sympathy ni Madeline ay masama. "Ren, apo pa rin siya ni Lola. Siyempre gusto niya itong makita ng huling beses. Nakalimutan mo na ba, noong bata pa tayo malapit kaya ang loob ni Madeline sa kanya. Sa ating tatlo, masasabi kong si Madeline ang pinakapaborito.

Hindi pa rin siya kumbinsido. "Maraming nagbago sa loob ng pitong taon, Ate. Nang mabalitaan ang pag-alis mo, bigla na lamang nagbago ang pagtrato ni Madeline kila Lola."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinagsalitaan sila nito ng masama. Pinagbintang na pinalayas ka raw nila  Lola. Di 'yon totoo, diba?"

Tumango ako at napakunot ng noo. "No. Wala silang ginawang masama. Sarili kong desisyon ang umalis."

"Maging sina Tito Nicholas at Tita Marisa ay naniwala sa kanilang anak. Ito ang umpisa ng feud nila. Ate, ba't naman nila naisip na kaya itong gawin nila Lola? Sila ang pinakamabuting taong nakilala ko."

Sinikap kong panatilihin ang magandang imahe ni Madeline sa isip ko. Hindi pwedeng lilikha agad ako ng kongklusyon batay sa isang salaysay lamang. Kung maaari ay gusto kong magkita ulit kami para ako mismo ang kokonpirma kung totoo ang sinasabi ni Renata o hindi.

☆-☆-☆-☆

Curious about the story? Follow bleaklyf now, support and read the story. Enjoy. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now