■Love Vlog

151 5 0
                                    

Author: Maphmac
Parts: 7
Reads: 372
Status: On-going
Genre: Mystery-Romance

Author: MaphmacParts: 7Reads: 372Status: On-going Genre: Mystery-Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Bakit nga ba siya nag-vlog? Kung sa likod ng kamera ay may tinatagong mga lungkot at mga lihim.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "Hi love! Happy 1st Monthsary sa'tin!!!" - masayang bati ko sa kasintahan kong si Ken.

"Happy 1st month din sa'tin Love." - Tipid na bati niya sa'kin.

Ngayon ay 1st Monthsary namin at kami ay nasa restaurant. Kami ay masaya namang nakain pero napapansin ko sa kanya ay mga cold at tipid niyang salita. Di ko nga alam kung ano nagustuhan ko sa kanya. I find him attractive and mabait. Pero may mali at kaba akong nararamdaman ngayon. Bahala na nga. Sabi ko sa sarili ko.

"Love may sasabihin ako," - sabi ni Ken sa'kin.

"Ano yun love?" - sagot ko sa kanya.

Sasabihin na niya sana pero biglang may dumating na babae.

"ANG KAPAL NG MGA MUKHA NIYO!!!" - babae.

Napatingin ako sa babae at kay Ken na may gulat at nakakapagtakang tingin.

"Sino ka?" - tanong ko sa babae.

"AKO LANG NAMAN ANG ASAWA NI KEN AT MAY MGA ANAK NA KAMI!!!" - sabi niya.

Ako'y nagulat at napatayo. Ang dami kong gustong itanong pero yung babae ay nagwawala na at nagsisigaw at gumawa na ng eskandalo. Naghahalo ang galit at lungkot ko, di ko maintindihan ang emosyon ko ngayon. Di ko alam na tumulo na pala ang mga luha ko. Si Ken nakatingin lang sa'kin.

"I can explain Love." - sabi ni Ken.

Pero di ko na pinakinggan si Ken at ako ay umalis na lang. Pumara ako ng taxi at ako'y sumakay. Tumingin ako sa likod at nakita ko si Ken na tumakbo papunta sa'kin.

"Manong tara na po." - sabi ko kay manong at agad niya itong pinaandar.

Tumingin ulit ako sa likod at nakita ko silang dalawa. Si Ken ay nakatingin lang sa'kin at yung babae nakayapos kay Ken habang kumakaway sa'kin ng paalam na may dalang pang-aasar. Umiwas na ako ng tingin at umiyak sa taxi.

"Gusto ko lang naman magmahal at mahalin ako!" - sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

Andito na ako sa tapat ng pinto ng bahay namin. Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang nagsisigawan ang mga magulang ko.

"HOY! IKAW ANG TAMAD MO TALAGA!!!" - nanay.

"ANONG TAMAD? IKAW NGA YUNG NASA BAHAY LANG!" - tatay.

Pumasok nalang ako ng bahay at diretso sa kwarto. Kinuha ko cellphone ko at ang daming message and missed call ni Ken, hindi ko ito pinansin at binura ko nalang. Nag-chat nalang ako sa bestfriend kong si Cindy.

"CINDY WALA NA KAMI NILOKO NIYA AKO!!!" - sabi ko sa kanya.

"BAKIT? ANO NANGYARI?!" - sagot niya na may pag-aalala.

"MAY ASAWA NA SIYA! WALANG HIYA NALOKO AKO." - sagot ko ng may halong inis.

"ABA'Y TARANTADO SIYA NI SYOTA KA NIYA NA MAY ASAWA AT ANAK NA SIYA? LANG HIYA! HUWAG KA MAG-ALALA PUNTAHAN KITA BUKAS SA INYO. Kamusta ka ngayon?" - sagot niya sa'kin na may pag-aalala.

"Eto siyempre malungkot, galit at naiiyak. Nagtatalo pa magulang ko ngayon." - sagot ko.

"Sige na at matulog kana bukas puntahan kita sa inyo. Goodnight! Ay wala palang GOOD, nigt lang pala." - sagot niya na may pang-asar.

"Tse! Baliw ka talaga sige na night na see you bukas." - sagot ko.

"You know me HAHAHAHA! SEE YOU TOO!" - sagot niya.

Pinatay ko na yung phone ko at napa-isip. ETO NA NAMAN AKO BALIK SA UMPISA SINGLE ULIT AKO! WALA NA YUNG TAONG ANDIYAN AT SUMUSUPORTA SA'KIN. BAKIT NIYA AKO NILOKO??? BA-BAKIT!!! ANG TANGA KO! - sabi ko sa sarili ko habang umiiyak.

Panibagong araw na naman bukas...

Night myself...

☆-☆-☆-☆

Got interested? Follow Maphmac now then read, support and share the story. Enjoy. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now