■Ika-labing Apat ng Pebrero

192 13 2
                                    

Author: yerriz
Parts: 31
Reads: 2.78k
Status: On-going
Genre: Romance-Mystery

78kStatus: On-going Genre: Romance-Mystery

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

-Kilalanin si Isabella, ang babaeng may bitbit na sumpa mula sa kanyang  lola sa tuhod.

Namuhay bilang ordinaryong babae. Natutong magmahal at minahal, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, magbabago ang lahat dahil ang sumpa ay nakatadhanang mangyari pagsapit nang ika-labing apat ng Pebrero kasabay sa paglubog ng araw.

Halina't tuklasin ang pagmamahalang binalot ng dilim at kung paano nila bibigyang liwanag ang mga matutuklasang lihim.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

-Marahil ay iniisip ng mga tao ngayon na para akong baliw. Para akong baliw na iyak nang iyak sa daan. Para akong isang babaeng walang kabuhay-buhay.

Nang makakita ako ng isang sementadong upuan ay agad akong naupo at nagtakip ng mukha gamit ang palad.

Sobra na. Sobra na ang sakit. Sobra na ang ginagawa sa'kin ng aking ama-amahan. Ano bang mali sa'kin? Ang aking ama'y iniwan ako noong ako'y sanggol pa. Tapos ngayon na may tumayo bilang bagong ama ko. Akala ko magiging kuntento na ako, pero hindi pala. Ngayon na nalaman ko ang kanyang intensyon.

"Sige lang. Iiyak mo lang 'yan."

Napatingala ako at napatingin sa nagsalita.

--------

Bigla kong pinunasan ang luha ko nang makarinig ako ng katok mula sa aking pintuan. Bumukas ito at nakita kong papalapit si ina sa'kin.

"Anak, ayos ka lang ba?" Tanong niya nang makalapit siya sa akin at naupo sa aking kama. Nanatili akong nakahiga.

Umiwas ako ng tingin. Ayokong makita niya ang pamumugto ng aking mga mata. Tumango lang ako dahil paniguradong pag nagsalita ako eh hindi na rin nito mapipigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Sana maintindihan mo ang sitwasyon. Alam mo namang kailangan ng iyong kapatid ang kanyang ama."

Bakit hindi ko ba kailangan ng ama? Ama na totoong mag mamalasakit at iintindi sa'kin? Oo naiintindihan ko. Naiintindihan ko ang sitwasyon dahil wala naman talaga kong ibang dapat gawin kundi intidihin ang sitwasyon.

'Yan ang mga salitang nais ko sanang sabihin sa aking ina. Pero mas minabuti kong tumahimik na lang at tumango.

"Mahirap rin ito para sa'kin. Pasensya na kung nahihirapan at naiipit ka na sa sitwasyon. Hindi naman ito ang buhay na ginusto ko para sayo."

Pero eto na ang buhay ko ngayon.

Hindi na napigilan ng mga luha ko ang pagpatak. Pero nanatili pa ring iwas ang mukha ko sa kanya.

"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita anak. Balang araw malalagpasan din natin ang problemang ito. Kapit lang."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko bago siya tumayo at maglakad palabas ng aking silid.

Bumuhos na ang tagaktak kong luha nang marinig ko ang pagsara ng pinto at nakalabas na siya sa aking silid.

Hanggang kailan ako kakapit sa lubid na puno ng tinik?

----------

Kinandado ko ang aking pinto bago kumuha ng mahabang kumot at tinali ang dulo nito sa paanan ng aking kama bago ko inilaglag ang kabilang dulo ng kumot pababa sa bintana ko.

Oo pasaway nga itong aking kaibigan na si Anastasia pero ano bang magagawa ko? Magtatampo lang ito kapag hindi niya nakuha ang kanyang gusto.

Nagsimula na siyang umakyat dito gamit ang kumot na binagsak ko. Kita ko pa ang pagkagat niya sa mga labi habang pilit ina-akyat ang silid ko. Hindi naman gaanong mataas ang aking silid, dahil mababa lang ang hagdan na nagdudugtong sa ikalawang baitang ng aming bahay kaya kahit mahirap ay kayang-kaya itong akyatin ng isang babaeng kagaya niya.

"Ano na namang ginagawa mo rito?"

Tanong ko nang makarating siya sa aking silid at tila ba pagod pa sa ginawa niyang pag-akyat gamit ang kumot, kitang-kita ko ang pawis sa kanyang noo. Naupo siya sa aking kama habang nakakapit pa sa kanyang dibdib.

"May maganda akong balita sayo," pagkatapos niyang hingalin ay agad niya iyong sinambit nang may malawak na ngiti.

Mapapawi ba nito ang sakit na nadarama ko?

--------

Maaga akong gumising para mag-ayos. Dahil gaya nga ng sabi ni Anastasia kagabi na magkikita kami sa ilog Tebes.

Simpleng damit lang ang sinuot ko; isang mahabang bistida na kulay pula at naglagay ako ng kaunting palamuti sa aking mukha.

Lumabas na ako ng aking silid.

"Oh ate mukhang may lakad ka ha." Ngumiti ako.

"Pakisabi na lang kay ina na aalis muna ako." Mahinhing sambit ko sa aking kapatid.

"At sa'n ka pupunta?" Napatingin ako sa pwesto kung saan nanggaling ang boses ng nagtanong. Boses na kinasusuklaman ko.

"Aalis lang." Tipid kong sagot bago maglakad pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng bahay ay naramdaman ko na ang kamay niya sa braso ko.

"At sinong nagsabing pwede kang umalis?"

"Bitiwan mo ako." Padabog kong inalis ang kamay niya sa braso ko na lalong mas nagpasakit sa pakiramdam ko dahil napwersa ko ang paghatak doon.

"Ama, tama na. Hayaan mo na si ate."

Saglit siyang tumingin kay Kristina, "Huwag kang mangingialam dito Kristina," ibinalik niya ang nakakatakot niyang tingin sa akin, "at ikaw hindi ka pwedeng umalis. Walang aalis."

Huminga ako nang malalim. Bahala na kung saktan ako neto. Nakakapuno na.

"At sino ka para tanggalan ako ng karapatang umalis sa tahanang ito."

Ayoko man siyang sagutin pero hindi ko na matiis. Sobra na. Punong-puno na ako. Nakita ko sa medyo namumula niyang mga mata na lalo siyang naiinis.

"Bastos!" Napahawak ako sa aking pisnge nang dumampi ang mabigat niyang palad mula rito. Muli na namang pumatak ang mga luha ko.

☆-☆-☆-☆

So intense! Una pa lang 'yan hamakin niyo paano pa kaya kung natapos niyo 'yan. Kung nagustuhan niyo ang kwentong ito follow yerriz and read here stories. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now