■Bloody Class

105 5 2
                                    

Author: Zurichian
Parts: 27
Reads: 1.85k
Status: Completed
Genre: Mystery/Thriller

85kStatus: CompletedGenre: Mystery/Thriller

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- "I will do anything just to be on top."

Para sa pangarap, gagawin ni Vangelyn ang lahat kahit pa ang pumatay sa mga dati niyang kaibigan at para na rin sa kaligtasan niya. Si Erika na gustong makuha ang unang pwesto para makaahon sa hirap. Si Maybelle na gustong ipamukha sa mga magulang na may silbi siya sa pamilya. Si Chenerose na gustong patunayan na kahit hiwalay ang mga magulang ay kaya niyang magbigay ng karangalan. At si Rochelle, na kahit kulang sa atensyon ng magulang ay gagawin niya lahat para mapansin lang siya nito.

How could those dreams kill their lives just to be on top? Sino ang mananalo sa madugong labanan para sa pangarap?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "GUYS! Si Rochelle tatalon sa rooftop!"

Malakas na sigaw mula kay Chenerose ang pumutol sa tahimik na klase sa seksyon Sampaguita sa araw na iyon. Walang atubiling nagsilabasan ang kaniyang mga kaklase at agad na tumakbo ng malamang tatalon ang kanilang kaklase na si Rochelle mula sa rooftop.

Pagkababa nila mula sa ikatlong palapag ng gusali mula sa kanilang silid-aralan ay tanaw nila ang nagkukumpulang mga mag-aaral sa kanilang paaralan habang tinitingala ang babaeng nakatayo sa rooftop. At doon nila napatunayang si Rochelle nga iyon na kanilang kaklase. Kilala nila si Rochelle bilang isang matalinong mag-aaral. Maganda ito at minsan may pagkamaldita. Galing ito sa mayamang pamilya kaya naman kilalang-kilala ito sa buong campus.

Pansin nila ito noong nakaraang araw na medyo tahimik at balisa. Sinubukan nila itong kausapin kung ano ang naging problema ngunit wala naman silang natanggap na sagot. Pinabayaan na lamang nila ang kaklase baka personak na problema o hindi kaya ay tungkol sa pamilya. Hindi na sila nagpumilit na magtanong baka maisip rin nito na nakikialam sila ng may buhay.

Napapikit na lang sila nang tuluyan na itong tumalon mula sa rooftop. Basag ang ulo nito at nagsilabasan ang utak. Tumalsik ang napakaraming dugo ng dalaga sa semento na pinagbagsakan nito. Bali ang ilang bahagi ng katawan. Kitang-kita pa ang paglabas ng buto sa kanyang tuhod at siko.

Nakatayo lamang sila sa kanilang pwesto at hindi gumagalaw dahil sa hindi nila inakalang pangyayari. Nagulat na lamang sila nang biglang gumalaw ang katawan ni Rochelle. Gumapang ito papunta sa kinatatayuan nila. Kitang-kita ng mga kaklase nito ang galit sa mukha at may ibinubulong na hindi nila maintindihan.

Palapit na palapit na ito sa kanila nang bigla itong sumigaw.

"Magbabayad kayong lahat!"

------------

"Salamat!" Tugon ni Erika kay Zethro.

"Congratulations, Beshie! Sabi ko na nga ba ikaw na ang magiging top one!" Bati ng madaldal na kaibigan niyang si Rica.

Maya-maya ay dumating na ang kanilang guro para sa unang klase. Nagsulat ito sa board at nagsulat din sila sa kanilang kwaderno. Huling quarter na ito sa school year nila kaya itnodo na ni Erika ang pag-aaral upang maabot ang nais. Ito na ang susi sa kanyang pangarap. Hinding-hindi na niya pakakawalan ang pagkakataong ito. Nilamon ng katahimikan ang kanilang silid dahil sa pagsusulat. Palihim siyang tumingin kay Maybelle. Nagulat lamang si Erika nang makita niyang tumingin ito sa kanya. Tingin na may masamang balak at unti-unti ay sumilay ang mala-demonyo nitong ngiti.

☆-☆-☆-☆

Wow so intense! Una pa lang. Nabitin ka ba? Follow Zurichian then read and support the story. Enjoy! ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now