■Plumeria

5 0 0
                                    

Author: HasmineYasmine
Parts: 30
Reads: 2.2k
Status: Completed
Genre: Romance

BLURB- Ang totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLURB
- Ang totoong pag-ibig ay maihahalintulad sa bulaklak ng Plumeria. Magsisimula sa isang binhi, magkaka-ugat, tutubo ang mga sanga at unti-unting mamumukadkad ang ganda ng bulaklak. Kinakailangan ng malusog na lupa, sapat na sinag ng araw, pagdidilig at pagmamahal upang magtuloy-tuloy ang pag-usbong ng halaman. Parang sa pag-ibig na kapag naalagan ng tama at nabigyan ng atensyon, tutubo ang walang hanggang pagmamahalan. Kapag naman ito ay nailagay sa maling lupa at pilit na pinapatubo ng walang pagmamahal, darating ang panahon na ito ay malalanta at tuluyang mamamatay. Sa tamang oras at panahon itutuwid ang pagkakamali. Isisilang muli ang bagong simula, bagong pagkakataon at bagong pag-ibig na siya namang unti-unting pagsilip ng gandang taglay ng Plumeria.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- "Ateeeeeeeeeeeeeee! Ibaba niyo na ako! Ayoko na. Hindi na ako sasama dito!" pagmamaktol ng bunso kong kapatid na si Abby.

"Anong lugar to?! Kahit signal ay wala! Hindi ako mabubuhay dito! Uuwi na ako!" napahilot ako sa sentido ko ng wala sa oras dahil sa boses nito.

"You know what, Abby. Okay fine you can go now. Manong ihinto niyo po itong kotse at bababa po tong babaeng kanina pa, sigaw ng sigaw!" dugtong ni Ate Marcel, panganay sa aming tatlong magkakapatid

_______

"Nay, eto na po ba si Eduard? Ang laki na po niya ha" singit ni Ate Marcel dahil busy si Eduard sa kaka-ayos ng mga dala naming gamit. Siya ang apo ni nanay Felly, katuwang niya sa pag-aasikaso dito sa mansion. Siguro ay ka-edad niya si Abby.

"Ay oo, iha. Binata na rin. Kaybilis ng panahon, ano?" tumango ako dahil totoo naman, sobrang bilis ng panahon. Noon ay malaya kaming naghahabulan sa labas ng mansion, ngayon ay parang wala na, hindi na ito nagbibigay saya sa amin.

"Ka-edad niya lang po si Abby diba? Bata pa sila noon kaya hindi nila kilala ang isat-isa" dugtong ko sa istorya.

_________

Calle Buen

Mayo 11, 1956

"Señorita"

"Oh bakit humahangos ka Piling?"

"Nandito po pala kayo sa itaas. Pinapatawag po kayo ng inyong Ama
at Ina"

"Sige at bababa na ako"

"Ellie!"

Napamulat ako at itinigil ang pagtugtog.

"At..e Marcel, bakit po?" tanong ko sa kapatid na nakatayo sa gilid ko.

"Kanina pa kita tinatawag mula sa ibaba pero hindi ka sumasagot. Kaya pinuntahan na lang kita dito" Paliwanang niya sa akin.

☆-☆-☆-☆
The flower plumeria symbolizes a new beginning let's find out what is the main role of plumeria in the story. Follow HasmineYasmine and read the book. Enjoy!!! ♡♡♡

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now