■Majestic Academy: The Elemental Swords

21 0 0
                                    

Author: empress_tine
Parts: 62
Reads: 58.5k
Status: Completed
Genre: Fantasy

BLURB- Simula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Simula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika.

Isang mahika na tanging sa libro lamang nila nababasa. Isang mahika na matagal na palang ibinaon, itinago at ipinagkait sa kanila ng lipunan.

Sa isang iglap lamang ay naging misteryoso para sa apat na magkakapatid ang mga kaganapan sa kanilang buhay at paligid, lalo na nang malaman nila ang tungkol sa isang bagay na ninakaw ng kanilang nag-iisang lolo mula sa pamahalaan.

Ang tanging paraan lamang upang malaman ang mga sagot sa kanilang mga isipan ay ang pumasok sa isang paaralan, kung saan napapalibutan ng mga hindi katangi-tanging mahika at mga tao.

Ating tunghayan ang pagdating ng apat na magkakapatid sa Majestic Academy, kasabay nang paghahanap nila ng kasagutan sa pagkamatay ng kanilang lolo, pagmulat sa totoong pagkatao, at pagdiskubre sa mga misteryosong bagay at mahika na kanilang ninanais na makuha.

Magtatagumpay kaya sila?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- Para sa aking mga apo,

Tandaan niyo, mahal na mahal kayo ni Lolo. Patawarin niyo sana ako kung hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa inyo. Alam kong sa mga oras na ito ay nalulungkot kayo sa pagkamatay ko. Pero mga apo, maging masaya lamang kayo. Alam ko na ang magiging kapalaran ko at tanggap ko iyon. Kaya ipagpatuloy niyo na lamang ang buhay niyo kahit wala na ako. Gamitin niyo sana sa mabuti ang lahat ng mga natutunan ninyo sa akin.

May aaminin ako sa inyo, mga apo. Ako ay nagkasala sa batas ng Centro. Ninakaw ko ang pinakamahalagang bagay na nawala mula sa mga maharlikang tao at pamahalaan. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan nating manirahan ng labing-walong taon sa bundok. Nawa'y maunawaan ninyo ang naging pasya ko. Ang lahat ng ito ay ginagawa ko lamang para sa inyong kabutihan. Ingatan ninyong mabuti ang punyal na hawak niyo. Iyan ang pinakamagandang regalo ko para sa inyo.

_________

Kinagabihan, nagkukumahog na kami sa pagliligpit ng mga gamit. Ikaw ba naman ang madaliin, 'di ka ba matataranta? Nag-away na nga si Mimi at Bibi dahil sa pag-aagawan ng mga gamit. Saka 'di pa rin maproseso sa utak ko kung bakit kailangan naming mag-aral sa Majestic Academy.

Pagkatapos din naming mag-empake ay inabutan kaming tatlo ng sandamakmak na libro ni Riri. Halos mangiyak-ngiyak kami sa inis dahil kailangan daw naming matapos basahin ang lahat ng iyon bago pa tumilaok ang manok.

Ang kapal pa naman ng mga libro. Hindi naman kami makaangal dahil siya ang mas matanda sa amin. Matanda ng dalawang minuto. Pumapangalawa naman ako samantalang pangatlo naman si Bibi at bunso naman si Mimi ng isang minuto. Kambal kami ngunit hindi magkakamukha.

_________

Sana naman hindi ko na muling makikita ang lalaking 'yon. Magiging magulo 'yon 'pag nagkataon. At nakakapangilabot!

"Infairness, sisteret, ah? Ang taray ng sinabi mo kanina? Ano nga ulit 'yon? I don't talk to strangers kasi? Saan mo ba nabasa ang salita na iyon?" Ginaya pa ni Mimi sa boses ko sabay tawa. Dahil do'n ay nakitawa na rin kaming tatlo sa kanya.

Nasabi ko pala iyon?

Hindi ko aakalain na magagamit ko rin pala ang mga nabasa ko kanina sa libro. Mahal ko na talaga si Riri. May silbi rin naman pala ang pagpupuyat ko.

☆-☆-☆-☆
Ano nga ba ang mangyayari sa apat na magkakapatid matapos madiskubre ang mundo ng mahika? Follow empress_tine now and read the story. Enjoy reading! ♡♡♡

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now