■My Heart Will Never Forget You

52 2 2
                                    

Author: Modernong_Writer
Parts: 35
Reads: 11.8k
Status: Completed
Genre: Teenfiction

8kStatus: CompletedGenre: Teenfiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Hanggang kailan mo kayang maalala ang isang tao?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- Ako si Sparkle Mendez, masaya ako dahil nand'yan ang mga magulang at kapatid ko.

Lagi naman nila akong sinusuportahan sa kung ano ang gusto ko.

Masaya naman ang buhay namin kaso, nalaman naming may Brain Tumor pala ako... Parang guguho ang mundo ko ng mga sandaling iyon.

Ilang beses na rin kami nagpa-check up pero wala namang nangyayari sa resulta, dahil gano'n pa rin.

Ang resulta may Brain Tumor pa rin ako.

Ang mas masakit pa.

Kailangan kong maoperahan within 1 month dahil kapag hindi ako maooperahan, maaari ko itong ikamatay.

At ang isa pang masakit, kahit na magamot ako ay makakalimutan ko naman ang lahat. I mean, lahat. Lahat talaga... mapa-pamilya man o kamag-anak namin. Also my friends.

Nandito pala ako ngayon sa rooftop ng school building namin. Pinagmamasdan ang kabuuhan ng malaking paaralan na kung saan ay naging bahagi na rin ng buhay ko.

"Sana, makasama ko muna ang taong gusto ko bago ako operahan." Mahinang sambit ko sa aking sarili.

Ngunit muli akong napaisip. Mga pangyayaring matagal ng tapos pero patuloy pa ring bumabalik. Mga ala-alang kay saya.

----------

"Wala ka bang boyfriend?" Deretsiyong pagtatanong niya.

Meron.

Dati, ikaw.

Kaso, hindi na ngayon.

"Wala." Mahinang sambit ko. "Pero kailangan may deal tayo." Dagdag kong sabi.

"Ano 'yon?" Tanong nito.

Napangiti naman ako kahit na alam kong napaka-impossible nito pero wala na nandito na ako. Then push it. Kung saan nakikipag kasundo ako sa ex ko.

Mabilis kong kinuha ang bag ko na nakasabit sa gilid ng rooftop at naglabas ng ballpen at papel.

Pinaspasan kong isinulat ang mga dapat na rules at inabot sa kanya.

Alam ko, ang weird ko na pero ayos lang maging weird, basta makasama ko lang si Arnold.

Habang pinagmamasdan ko siyang binabasa ang mga sinulat ko sa papel ay napapansin ko ang minsanang pagkunot niya ng noo. At ang pagtingin niya sa akin na ikinakakaba ko.

☆-☆-☆-☆

What an interesting story indeed. Want some chapters? Follow Modernong_Writer then read and support the story. Enjoy! ^_^❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now