■Huli Ka Betsy!

475 26 0
                                    

Author: LadyClarita
Parts: 31
Reads: 7.78k
Status: Completed
Genre: Rom-Com

BLURB-Betsy is your NOT SO typical bente-singko anyos raketera girl

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLURB
-Betsy is your NOT SO typical bente-singko anyos raketera girl. Paano ba naman kasi maliban sa iba-ibang uri ng raket na pinapatos niya, isa rin siyang magaling na artista.

So when one of her clients asked a favour, she agreed directly. It was for her to go to New York and pretend to be a Junior Managing Director of a certain company.

There's just one problem. Jack Wills. A ragged looking American guy who's convinced Betsy is not the person who she says she is.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

-Okay. Kalma ka lang Betsy. Hingang malalim. Inhale. Exhale. Remember, isa kang sophisticated businesswoman.

Putek! Pa'no nga ba ako napunta sa sitwasyong ito?

Ay, oo nga pala. Bayarin na ng upa. Para maiwasan ko na naman ang ratsada ng bunganga ng magaling kong landlady na si Aling Petra.

Kaya heto ako ngayon, nasa loob ng malaking conference room na puti ang kulay ng pinta.

"... so basically the length of development..."

"... logistics... data... management..."

Ay anu raw te? Ewan ko. Wala talaga akong nagets sa lalaking nakasalamin na mukhang trenta anyos na hilaw na 'to.

--------

Okay. Ano kaya ang pwede kong gawin upang hindi magmukhang tanga ang lola. Tama! 'Yong selpon ko.

Medyo gumaan na ang aking pakiramdam nang meron na akong napipindot.

Ay! Alam ko na. Maglilista na lang ako ng mga kelangan kong bilhin pagkadating ko sa 'Pinas.

1. Bigas
2. Limang lata ng sardinas
3. Manti---

Anak ng tokwa! Biglang tumunog nang malakas ang ringtone ko sa kantang "Buwan" ni JK Labajo.

Gaga! May tumatawag pala!

------

Pinagpatuloy ko ang paglilista ng mga bibilhin. Pakiwari ko nama'y walang makakahalata kung ano ang mga pinagsusulat ko.

4. Itlog
5. Sabon panlaba
6. Napkin (yung may pakpak)
7. Katol (isang kahon para libre stand)
8

Makalipas ang ilang oras ay nagsalita ang isa sa mga nag-o-organisa ng nasabing pagtitipon.

"All right folks! This time, I want you to share your idas..."

Anak ng tipaklong!

----------

"So should we introduce ourselves first?" Pagsisimula ni blandina na may halong ngiting hanggang tenga. "I'm Amanda Waring. Executive Assistant of Global World."

"Jack Wills," matipid naman na pakilala ni gusgusin.

"Bet--- Yuri Haruko. Junior Managing Director of Kazumi Enterprises," medyo kayas na pagsisinungaling ko.

"Oh! You're Japanese then. I love Japan! I've never been to. You don't look like Japanese though."

"Are you all right?" Tanong ni gusgusin este Jack Wills.

"Of course!"

"Can you tell us some Japanese words? Well, aside from "Arigato" of course. Because that's all I know! Ha ha," madaldal na patuloy ni Amanda.

Pisti! Napamura na naman ako. Paano ba 'to?

Pansin ko pa rin ang paghihintay ni blandina sa isasagot ko.

Mas lalo akong pinagpawisan. Nanuyo ang mga gilagid ko. Sa mga oras na 'yon isina-Batman ko na lang kung ano man ang lalabas sa bibig ko at nagsalita gamit ang tinig na ako mismo ay hindi nakakakilala.

"Harujusko!"

☆-☆-☆-☆

Interesting right? Kung nagustuhan mo ang kwentong ito. Follow LadyClarita now and read her story. I'm sure you'll gonna love it. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now