■I Kissed A Girl

3 1 0
                                    

Author: gradylicious
Parts: 34
Reads: 378k
Status: Completed
Genre: General Fiction

BLURB- Totoong tomboy nga ba si Mikaela Saavedra? O dala lang ito ng trauma sa mga lalaki dulot ng

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLURB
- Totoong tomboy nga ba si Mikaela Saavedra? O dala lang ito ng trauma sa mga lalaki dulot ng

karahasan ng kaniyang ama?

Paano kung umibig siya? At sa best friend pa niya? Take note, boy best friend.

Subaybayan ang pagtuklas ni Mikaela sa kaniyang tunay na seksuwalidad.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- Mga hikbi ang siyang namayani sa aking pandinig nang unang beses kitang makita. Sa kabila ng napakaraming tao sa lugar na iyon ay sa 'yo nabaling ang atensyon ko. May hawak kang tinapay at pilit mo itong kinakain kahit alam kong nahihirapan ka dahil sa patuloy mong paghagulgol.

Gusto kitang lapitan pero hindi ko alam kung paano. Hindi mo naman ako kilala at baka mapahiya lang ako. Gustuhin ko man ay nauunahan talaga ako ng hiya nang mga oras na iyon.

________

Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang bigla ay may napakagandang babaeng maglakad sa aking harapan. Parang bumagal ang ikot ng mundo. Wala akong ibang nakikita kundi ang mukha ng taong matagal ko nang kinalimutan. Akala ko wala na siyang epekto sa akin sa kabila ng mga nangyari pero heto't doble-doble ang kaba ko habang kaharap siya.

Pumasok sa isip ko lahat ng panghihinayang ko noon. Hahayaan ko bang maulit ang mga nangyari dati? Sa isip ko ay ilang beses kong pinilit ang sarili kong lapitan ka.

_________

Para ka nang maiiyak habang hawak mo ang mga kamay ko. Humugot ka pa ng malalim na hininga bago ka magpatuloy sa pagsasalita. Nagulantang ako nang marinig ang mga sumunod mo pang sinabi.

"H-Hindi talaga pwede. Dahil h-hindi ako pumapatol sa," Muli ay humugot ka ng hininga bago magpatuloy. "Hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae, hindi ako tomboy."

Naiwan akong tulala at hindi makaimik matapos marinig lahat ng sinabi mo.

☆-☆-☆-☆
Interested about the story? Follow gradylicious now and read the book. Enjoy! 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now