■What If

132 5 2
                                    

Author: AnnieBubble15
Parts: 51
Reads: 373
Status: On-going
Genre: General Fiction

Author: AnnieBubble15Parts: 51Reads: 373Status: On-going Genre: General Fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Maraming pagkakaiba ang magkaibigang sina Jeanette at Riley. Si Riley ay masayahin at sa kabila ng pagsubok ay patuloy pa rin siya lumaban. Samantalang si Jeanette na hinubog ng nakaraan, bumabangon pa lang dito. Sa kabila nito ay nakakasundo pa rin sila sa mga bagay-bagay. Dahil sa simpleng kagandahan ni Jeanette, nahulog si Riley at lihim siyang iniibig.

Ang dati nilang mga tahimik na buhay noong high school, magugulo na pagtungtung nila ng kolehiyo. Maraming sitwasyon ang babago sa mga buhay nila, na maaring humubog sa kanilang kinabukasan. Dito huhubigin ang pagkakaibigan at damdamin nilang lahat.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- Tumunog ang alarm ko, hudyat na kailangan ko ng gumising. Agad naman akong bumangon upang mag-ayos ng gamit at naligo. Pagkatapos maligo, nag-ayos na ako at nag-agahan ng biscuit at hot chocolate at umalis na rin ako ng boarding house.

"Alis na po ako!" Sabi ko sa tenant namin at sa kasama namin.

"Sige. Ingat."

Maglalakad na ako mula sa kayle ng Zobel hanggang sa kahabaan ng Ayala paparating sa aking paaralan, ang Pamantasan ng Normal Pilipinas. Kung noong high school, basta-basta ka na lang papasok sa paaralan na wala nang seremonyas na gagawin. Pero, iba sa kolehiyo.

Pagpasok mo sa paaralan, una, ihanda mo ang sarili. Pangalawa, ihanda ang bag at ilagay ito sa harap mo. Pangatlo, ihanda ang ID, siguraduhin mo na bago ka pumasok sa paaralan dapat suot mo na ang ID mo. Pang-apat, ihanda ang bag para i-check ng gwardya.

Sa pitong buwan pag-aaral ko rito, nasanay na rin ako sa ganitong gawain tuwing umaga. Naglakad na ako papunta ng room. Pagkarating ko, kakaunti palang naman ang mga tao, kaya nagpatugtog muna ako ng kanta sa phone ko. Hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto, at nahinto ang aking pagkanta dahil sa taong pumasok sa room, si Jeanette.

"Goodmorning, Kuya Riley!" Bati niya sa akin.

"Morning." Bati ko sa kanya.

At agad na siyang umupo at nilabas ang cellphone niya. Kaibigan ko si Jeanette. Magkaiba kami ng major, Social Studies ako, siya naman Literature Education. Pero magkaklase kami noong first hanggang second semester. Tahimik lang si Jeanette na nagcecellphone at ako naman ay nakatulala lang. Nabasag lang ang katahimikan namin noong nagsalita siya.

"Kuya, alam mo noong Friday nahirapan na naman akong makauwi kagabi. Nakakainis naman kasi 'yong nagbanggaan tapos, traffic pa!"

"Sus! Friday naman kasi kaya ganon. Maraming nag-uwian sa probinsya at higit sa lahat nag-party." Sagot ko sa kanya.

"Buti na lang wala tayong pasok ng sabado. Hindi tulad noong first year tayo."

"Kaya nga!" Pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Oo nga pala! Nakauwi ka ba sa San Jose Del Monte noong Friday?" Tanong niya.

"Hindi. Sabado ng madaling araw ako umuwi." Sagot ko.

Hanggang sa kung saan na napunta ang usapan namin. Hanggang sa bigla na lang dumating ang professor namin. Doon natapos ang masayang usapan.

------------

"Finally! I can get the hell out of this place! Tapos na rin ang boring na klase! Yehet!" Sabi ni Peachie.

"Sehun, is that you?" Tanong ni Kim sabay kapa sa mukha ni Peachie.

"Kim, ano ba? Ang bigat ng kamay mo!" Sabi ni Peachie.

"Baklang Koreano na naman!" Sabi ni Jeanette.

"Hindi lang makapalag mga idols mo diyan sa mga yan eh. Boo!" Sabi ko sa kanya.

"Hay naku! Umalis na nga tayo! Siraan ng fandoms pa kayo!" Sigaw ni Kuya Alvie.

Umalis na rin kami ng school. Uuwi na rin kami sa bahay, sila lang pala. Ako sa boarding house. Nag-usap kaming magkakaibigan bago kami nagsiuwian.

"Osha! Mag-ingat kayo sa pag-uwi."

"Oo nga! Bye guys! See you all tomorrow."

"Bye bye, nanay, at mga kuya! Ingat kayo!"

"Bye! Ingat kayo!"

Pero, merong binulong si Kuya Alvie.

"Alam mo kanina, napansin ko na hindi mo siya kinausap. Akala ko ba, wala ka nang nararamdaman kay Jeanette. Bakit naiilang ka pa rin? Ano ba talaga?"

Hindi ko talaga alam kung paano sasagutin ang tanong na yon. Ano ba talaga? Hindi ko rin alam eh. Kaya pagkauwi ko, nagtext ako.

"Alvie, ang sakit kasi na hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko. Oo. Mahal ko pa rin siya. Kahit anong gawin kong iwas, wa epek. Hindi ko matanggal ang nararamdaman ko sa kanya. Ang hirap masyado, hindi pala, napakahirap talaga! Kada, minuto, segundo na nasa harapan ko siya, na hindi ko masabi sa kanya, nahihirapan ako."

At ito lang ang sinabi niya sa akin.

"Trip mong hindi sabihin. Sasabihin mo lang naman eh. Wala namang masama para maging lover of pain."

Damdamin ko, puso ko, katawang lupa ko, nahihirapan dahil dito! Ang masayang mahirap magpakatanga. Kaya handa na akong umpisahan ang kwento na ito maraming sanga-sangang pangyayari.

☆-☆-☆-☆

Interesting? Ano pang hinihintay niyo? Follow AnnieBubble15 now and read the story. Enjoy reading it. ^_^ ❤❤


Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now