■Chased By The Waves

2 0 0
                                    

Author: Agrypnia_
Parts: 4
Reads: 1.54k
Status: Under Revision
Genre: Romance

54kStatus: Under Revision Genre: Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- With just a week of vacation... Nahara's life had changed.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- Nakapangalumbaba ako habang nakaupo sa isang bakanteng pwesto sa Restaurant namin. Inaantay ko si Keira na dumating mula sa Manila. After our graduation, sinabihan niya agad ako na hindi niya ako makakasama ngayong bakasyon dahil may family reunion raw sila. Ayos lang naman sa 'kin, medyo malungkot nga lang.

Maliban sa pamilya ko ay siya lang ang lagi kong kasama sa bakasyon. Hindi lang ako sanay.

Tirik na tirik ang araw siguro dahil ay summer ngayon. Mabilis lang naman ang takbo ng oras, June na ngayon. Tapos na kaming mag-enroll. Sa August na ang pasukan namin. Sakit sa ulo na naman.

________

"Ang ganda! Kaya siguro laging nandito ang mga pinsan ko!" Bulalas niya habang panay ang selfie sa iba't-ibang anggulo.

"Lagi silang nandito?" Tanong ko.

Maraming pinsan si Keira. Malaki ang pamilya ng mga Zamora dahil sa mga naiambag nila sa Munasipalidad ng Lav. Kilalang-kilala ang lolo niya na dating nagdesinyo ng simbahan.

"Oo e! Mahihilig sa dagat!"

Tumango-tango ako.

Halos dalawang oras ang itinagal ng biyahe. Nang makarating kami sa mismong isla ay literal na napangaga ako.

Napakaganda!

_______

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi 'no!"

"Ba't ka galit?" Natatawang tanong niya at tinapik ang pisngi ko.

Iritadong tinabig ko ang kamay niya. Humalakhak siya at nakangisi akong tiningnan.

"Mahilig sa dagat ang mga pinsan ko, pero laman ng dagat ang gustong-gusto ni Noah. Mapa-isda man... o tao," sabi niya at humalakhak. Tumalikod siya papasok sa banyo.

☆-☆-☆-☆
Interested to know more? Follow Agrypnia_ now and read the story. Enjoy! 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now