■My Adorable Doctor

137 9 2
                                    

Author: jindoodle_fairy
Parts: 30
Reads: 2.81k
Status: On-going
Genre: Romance

81kStatus: On-goingGenre: Romance

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa umaga ay okay na okay na.

Until she met this very stubborn patient whom she need to operate. Ginising ng pasyente niyang ito ang natutulog niyang diwa. She found the true meaning of love with this patient of her.

But life isn't fair at all, ang masayang buhay na malapit na sana niyang maabot ay agarang kinuha ng tadhana, dala ang mga masasayang alaala nilang dalawa.

She was hurt when he left and forgot but it takes pure love to be able to stand again. And just like that, she will do everything for him to call her again... "My Adorable Doctor"

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "Doc! Doc! 'Yong pasyente po sa private room kailangan po kayo ngayon!" Sigaw ng nurse na humahangos na lumapit sa'kin.

Tumango ako at tumakbo papunta sa tinutukoy na kwarto ng nurse. Nakita ko kung paano nagwawala ang isang pasyente.

"I said I want to see my doctor!" Sigaw pa niya.

Napailing nalang ako at napasandal sa pintuan ng kwarto niya. Pinipigilan siya ng dalawang nurse sa pagtayo at parang bata na pinapadyak-padyak ang paa para makawala.

"Papunta na po si Doc Joy, sir. Hintayin po muna natin," saad ng nurse na parang naiiyak na.

"I said I want to see her right away!" Ano namang kelangan nito?

Napatingin sa'kin ang isang nurse at nakayuko na lumapit. Parang siyang tuta na handang magsumbong sa amo.

"Doc, ayaw po papigil e, kaya tumawag na kami sayo, kakaopera pa naman niya pero gusto na raw lumabas," sumbong nito sa'kin.

Napatingin naman sa direksyon ko iyong pasyente kong malikot. Kitang-kita ko na ngayon ang magkasalubong niyang mga kilay.

"Ohh! Andyan kana! Pakiayos ng papeles ko at lalabas na ako sa impyernong 'to!" Utos niya na siyang nagpangiwi sa'kin.

Napabuga ako ng hangin at pinamewangan siya. "Wow sir! Kung makautos ka."

"I want to go home!" Nanlilisik ang mga mata niya habang sinasabi iyon sa akin.

"Ilang ulit ko bang sabihin sayo na di ka pa pwedeng lumabas?! Kakaopera mo pa lang at baka ma-infect ang sugat mo!"

"One!" Pananakot niya sa'kin. I can clearly see how he gritted his teeth.

"Anong one?! Josh, huwag nang matigas ang ulo ahh, kakaopera palang niya ehh!"

Tumigil siya ng ilang saglit at tila nag-iisip. His reddish brown hair is so messy right now. Pinaka-unang napansin ko.

"Ok! Sa canteen na lang ako, I'm so damn bored here!" His eyes had turned back to their usual golden softness. Bigla na lang nagbago ng mood, sarap putulin ng nguso nito e.

"Di din pwede, manood ka na lang ng tv o eh request mo mga gusto mo-"

"Then stay with me!"

---------

Nang makarating kami ng canteen ay nadatnan namin si Marco. Isa rin siyang Neurosurgeon tulad ko.

"Hi Doc!" Tawag ko sa kanya. Nang nakita ako ay tumigil muna siya sa pagkain at pinuntaha ako.

"Doc Joy, kamusta?!" Suss ang gwapo talaga neto.

"Okay na okay lang. Eto nga pala si Josh," pakilala ko kay Josh kay Marco.

Matagal nang kilala ni Marco si Josh dahil nga kinikwento ko sa kanya minsan, pero ngayon lang talaga sila nagkaharap.

"Hi dude." Masayang bati ni Marco, pero bigla na lang nagbago yung ekspresyon ng mukha. Dahil sa curious ko ay napatingin ako kay Josh na simangot na simangot ang itsura na nakatingin kay Marco. Anak ng!

Tinakpan ko agad ang mata niya.

"Doc! Ano ba!" Sigaw niya habang tinatanggal ang kamay ko na nasa mata niya.

"Ayy naku Marco... sige ahh kita na lang tayo mamaya... bye bye hehehe," dali-dali kong tinulak ang wheelchair palayo kay Marco. May ghadd!

--------

"Sayang, gwapo sana pero nakakatakot baka mawala nalang bigla."

Bigla nalang akong nanigas sa kinatatayuan ko. Di ko na napigilang komprontahin sila.

"Ano ba?! Wala na ba kayong magawa sa buhay?!"

Kapag si Josh na ang pinag-uusapan, nag-iiba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko di ko kakayanin kapag may mangyaring masama sa kanya. Ibang-iba sa mga nararamdaman ko sa ibang pasyente na inaalagaan.

Kitang-kita ko kung paano nagbagoang ekspresyon nila sa mukha.

"Ayy naku Doc sorry po." Nakayukong sabi nung babae.

"Sa susunod na makarinig pa ako ng ganyan sisipain ko kayo palabas nitong ospital!" Dali-dali silang nag-sorry sa'kin at umalis na.

"Ang init ng ulo naten ahh," sabi ni Jergen habang nilalapag ang pagkain ko sa counter.

"May mga tao talagang makitid ang utak ehh."

"Chill lang Doc, ikaw pa hahaha."

Napailing na lang ako at pumunta na sa pwesto ni Josh.

☆-☆-☆-☆

Awwwww the blurb made me emotional a bit. What a cute love story and such an adorable characters she have. Don't you agree with me? Kung nagustuhan mo 'yong kwento follow jindoodle_fairy now at basahin ang kwento niya. Enjoy reading if you do so. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now