■Love Is A Four-Letter Word And So Is Hate

11 1 0
                                    

Author: RyanOfStarbucks
Parts: 31
Reads: 3.38k
Status: On-going
Genre/s: Romance - Teen Fiction

BLURB- Masaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BLURB
- Masaya at makulay ang simula ng taon ni Jenna. Naging kaklase niya lang naman kasi ang hinahangaan niyang si Jared Chase na isa sa mga binatang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa Olympus High.

Unti-unti nang umaayon sa kagustuhan ni Jenna ang lahat ngunit, may iba atang plano ang tadhana. Biglang kasing may sumulpot na isang nakakaasar at misteryosong lalaki na gumugulo sa buhay ni Jenna.

Ano bang meron sa misteryosong lalaki na ito?

Ano bang sadya nito sa buhay ni Jenna?

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- Lunes, yes, unang araw ng linggo. Araw na pinakahihintay ko. Oo, may pagkamalandi ako. Katabi ko lang naman kasi ang Romeo ng buhay ko. Hindi pa nga lang nya na re-realize yun medyo manhid kasi ang ungas, pero shit, talaga!1

Ang bango bango nya, ang pula-pula ng labi, at ang mga mata; Boom! Nakamamatay! Hindi ko tuloy maiwasan na tumitig sa kanya habang nagkaklase. Tapos ang ganda at macho ng boses niya. 1

Lalo na pagnakita niyo siyang ngumiti. Ay nako, hihinto ang tibok ng puso niyo. Sorry OA(Over Acting) lang, kasi naman, kulang na lang maglagay ako ng busal sa bibig ko para hindi ako mapanganga at magtulo laway sa pagtitig sa kanya.

________

"Nagbabakasasakali kasi akong makita ka," oh no, nadulas ako."kasi manghihiram ako ng notes baka kasi magka-pop quiz tayo."

"Ahh, akala ko kasi gusto mo rin ako makita dahil crush mo din ako," sambit nito ng pabulong.

Nanlaki ang mga mata ko at nag-init ang mga pisngi ko, sigurado akong namumula na yung mukha ko. "Ah... A.. Ano?" tugon ko habang nakatitig sa kanya. Natawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Wala, ang sabi ko ang cute mo pala pagnabibigla ka" turan ni Red habang nakangiti.

_________

Nagpanting na ang tenga ko sa asar kaya naman pumikit ako upang pakalmahin muli ang sarili ko. Huminga ako ng malalim sa loob ng tatlong segundo.

Nang imulat ko ang aking mata, laking gulat ko makita ang mukha nito malapit sa harap ng aking mukha. Tinititigan nya ko sa aking mga mata at biglang tumawa nang malakas.

Bumalik si Prince sa pagkaka-upo niya, "huwag ninyo pong pansinin yung mga nasabi ko, mukhang magiging kagiliw-giliw ang taong ito."

Doon nagtapos ang seat plan catastrophe ko.

Letse talaga ang lalaking iyon, sobrang nakakaasar. Sana makayanan ko matagalan ang isang taong pagto-torture sa akin ni Prince.

☆-☆-☆-☆
Want to know more? Follow RyanOfStarbucks now,  read and enjoy the story. 🌼🌼🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now