■Malaya

1 0 0
                                    

Author: iamblitzz
Parts: 5
Reads: 6.29k
Status: Completed
Genre: Romance

BLURB- Malaya will never live up to her name

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Malaya will never live up to her name. Hindi siya kailanman naging malaya at hindi magiging. Namumuhay siyang tila daga na nagtatago sa malulupit na pusa.

Sa kagustuhang matakasan ang kinalakhang buhay at mahanap ang inaasam na kalayaan, napadpad si Malaya sa isang malayong probinsya.

Sa kanyang paglayo, nasumpungan niya ni Thorin Fuentebella- ang lalaking kumupkop sa kaniya. Sa pagtira sa mansyon nito, napalapit at minahal niya ang binata.

Subalit nang aminin niya sa lalaki ang kanyang tunay na pagkatao at dahilan ng pagtakas, si Thorin pa pala ang magiging dahilan upang balikan niya ang nakaraang gusto na niyang takasan....

PROLOGUE
- "Ka Andres, totoo bang napulot lang niyo si Malaya sa gubat noong naghahanap kayo ng mapagtataguan?"

Nahinto ang sanang paglapit ni Malaya sa mga nakatatandang nag-uusap, kabilang ang kanyang ama. Hindi niya maipaliwanag pero bigla siyang kinabahan sa maaaring marinig mula sa mga ito.

"Hinaan mong boses mo, Ka Igme. Baka lang si Malaya at marinig ka!" dinig ni Malaya na saway ng ama kay Ka Igme.

Pinagbutihan ni Malaya ang pagkukubli sa likod ng matandang puno kung saan sila pansamantalang tumigil upang magpahinga. Walang nakapapansin sa dalaga roon dahil ang iba nilang kasamahan ay pawang nahihimbing na.

"Pero ano nga ba, Ka Andres, totoo nga ba iyon o usap-usapan lamang?"

"Oo totoo iyon. Napulot lamang namin si Malaya sa kagubatan ni Ka Ising mo. Musmos pa siya noon. Sa pagkakatanda ko'y wala pa siyang isang taon. At dahil nga hindi kami magkaanak ni Ka Ising mo, itinuring naming tunay na anak si Malaya."

Halos pabulong na lamang nang sabihin iyon ni Ka Andres ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Malaya ang isiniwalat ng itinuturing na ama.

Nasagot na rin ang matagal ng katanungan sa isipan ni Malaya. "Tulad ng bakit hindi niya kamukha ang mga kinalakhang magulang? Bakit wala silang permanenteng tirahan, dahilan upang ni highschool ay hindi niya natapos? Bakit panay ang pagtakas nila at pagtatago na para bang isang kriminal?

Wala siyang hinanakit sa mga kinalakhang magulang, sa katunayan, utang na loob pa niya sa mga ito ang kanyang buhay. Pero alam ni Malaya na iyon na siguro ang hudyat na hinihintay niya upang tuluyang umalis sa poder ng mga ito.

Noon ding gabing iyon ay nakabuo ng pasya si Malaya. Hahanapin niya ang tunay na mga magulang. At higit pa roon, tatakasan niya ang buhay na kinamulatan niya. Kaya bitbit ang isang na balutan na naglalaman ng ilang pirasong damit, kamote at inumin, pati na ang kaunting pera ay nilisan niya ang lugar.

Sa loob ng dalawampung taon niyang nabubuhay sa mundo, pagod na siyang magtago, pagod na siyang tumakas. Pagod na siya sa mga kasinungalingan... At ngayon, buo na ang pasya niyang hanapin ang totoong kahulugan ng kanyang pangalan Malaya.

NOTE: If you want to read the full story, it is available at GoodNovel. 🌼

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now