■Hiraeth Play: Legend of Cantaga

55 2 0
                                    

Author: Arisalatte
Parts: 7
Reads: 32.7k
Status: On-going
Genre: Fantasy-Action

-UNDER REVISION-

-UNDER REVISION-

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- A group of high school theatre performers found an old and strange manuscript by an unknown palywright and used it for their play. Alysa Espanosa, a member of the group soon discovered that everything written in the script exists. Little did she know that it will turn her life upside down.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- "Hindi ka pwedeng umalis." Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa braso ko, "Mapapahamak ka lang, maniwala ka sa akin." Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya pero hindi ko 'yon pinansin at diretso lang ang tingin ko sa kanya.

"Buo na ang desisyon ko at walang makakapigil sa akin kahit na ikaw." Matigas kong sabi kaya namuo ang pawis sa noo niya't pinunasan niya 'yon sa harap ko gamit ang kamay niya. Gusot na ang mahaba niyang suot at wala na sa ayos ang rosas sa buhok niya.

"Tatlumpung minuto ang byaheng Bangka mula Flara hanggang dito." Sabi niya at agad akong inalis ang pagkahawak ng kamay niya sa akin.

"Hindi na ako babalik sa Estrela." Tumigil ako saglit para titigan siya bago magsalita uli.

"Siena---"

"Ano ba naman 'yan, Alysa Espanosa." Nasapo ni Danica ang noo niya dahil sa akin, "Paulit-ulit tayo rito, hindi mo pa rin ba nakakabisado ang mga linya mo?" Walang preno niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Hindi ako nagsalita kasi tama naman ang sinabi niya, nakakahiya rin dahil nasa public place kami. Padami nang padami ang mga nanonood sa amin dito sa Archer's Park. Ito ang ginagawang meeting place at tambayan ng mga estudyante.

Puno ng mga benches ang Park at puno rin ng magagarbong puno at may isang stage sa sentro at doon namin madalas nakikitang sumayaw ang mga iba't-ibang dance troupe.

Mainit dahil tirik na tirik ang araw kaya naman ay pinagpapawisan kami nang sobra dahil sa suot namin. Agaw pansin ang suot naming Maria Clara at naka-ayos naming buhok.

-----------

Nang dumilat ako ay natagpuan ko ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar. Luminga-linga ako at wala akong nakita kundi mga taong mahahaba ang kasuotan kaya kumunot ang noo ko.

Nasapo ko ang noo ko dahil hindi ko maipaliwanag kung saan ba ako napadpad. Nasaan ako? Panahon ng hapon? Parallel Universe? Namatay ba ako at nabuhay sa ibang mundo? Hindi ba nasa park lang ako kanina?

Nangunot ang noo ko dahil nalilito ako sa nangyari. Nawala lahat ng tao sa paligid at napalitan ng mga mukhang intsik o kaya hapon na mahahaba ang kasuotan. What just happened to me?

Isang babae ang nakita kong tumatakbo palapit sa akin at natigilan ako dahil tinaas niya ang kamay niya't kinaway ito sa direksyon ko. Nangunot ang noo ko dahil sa kanya, kilala niya ba ako?

Pinanood ko siya hanggang sa makarating siya sa harap ko at nanlalaki ang mga mata niya nang ibaling niya ang ulo sa mga nakatingin sa akin.

"Ano ang ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap." Mahina niyang sabi at lumingon pa ako sa likod ko para ikumpirma kung ako ba ang kausap niya.

"Siena."

Nanigas ako dahil sa pangalan na binanggit at sa isang iglap ay isang idea ang pumasok sa isip ko. No, Alysa... that only happens in fictions.

Ginala ko ang paningin ko sa paligid dahil hindi ko maigalaw ang mga paa ko sa kaba't takot. Gulong-gulo na ang utak ko kung paano ako napunta rito't isang napaka impossibleng bagay ang pumasok sa isip ko.

Nananaginip ba ako?

☆-☆-☆-☆

Wow the plot got me I hope you are. If you interested in the story and you want more follow Arisalatte then support her stories. Enjoy! ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now