■Ang Pinakasolid Na Section Sa Lahat: First Semester

8 0 0
                                    

Author: lil_c0la
Parts: 2
Reads: 270
Status: On-going
Genre: Teen Fiction

Author: lil_c0laParts: 2Reads: 270Status: On-goingGenre: Teen Fiction

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB
- Ano nga ba para sa iyo ang isang solid na section?

Dulot ng isang gabi, kinailangan ni William Albert Pimentel, isang lalaking problemado, na mag-aral sa pampublikong paaralan. Ito ang unang beses na papasok siya sa gano'ng klase ng paaralan. Hindi naman siya nahirapan sapagkat madali naman niyang naangkop ang lahat dulot ng mga bago niyang kaibigan. Hindi niya inasahan na matatagpuan niya sa paaralang iyon ang pinakasolid na section sa lahat paglipas ng ilang buwan. Bago niya nahanap iyon, maraming pagsubok at problema ang dumating sa buhay niya pati sa kaniyang mga kamag-aral.

Anu-ano nga ba ang mga iyon? Ngayo'y alamin na natin.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1
- "Gumising ka na kuya!"

Nagising ang isang lalaking natutulog nang mahimbing nang marinig niya ang salaysay na iyon. Una, wala pa ang kaniyang utak sa reyalidad kaya nakatitig lang siya sa kisame, nag-iisip ng kung anu-anong mga bagay. Ano ang araw ngayon? Sino ang gumising sa kaniya? Ano ang dahilan kung bakit siya ginising nang maaga? Nang malaman niya ang kasagutan sa mga tanong na iyon, bumangon siya kaagad sa hinihigaan niya. Ngayon ay Biyernes, ikasampu ng Marso. Sa araw na ito, ang paaralan na pinapasukan ng lalaki ay magkakaroon ng isang fieldtrip para sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon sa high school kung saan siya kabilang. Iyon naman pala ang dahilan kung bakit siya ginsing ng kaniyang nakababatang kapatid na may pangalang Axel Rille Pimentel; sa totoo lang, kapatid niya lamang ito sa kaniyang ama na nagtatrabaho bilang isang manager sa isang sikat na restawrant sa ibang bansa.

________

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan mo," sabi ni Axel, inihahanda ang sarili. Katatapos lamang kumain ni William. "Maligo ka na para makaalis ka nang maaga. Mas mabuting ikaw ang mauna ro'n kaysa ang mahuli. Ito pa naman ang huling aktibidad ng paaralan niyo."

"Salamat kapatid."

"Walang anuman."


_________

Habang binabaybay nila ang bulubundukin, hindi napigilan ni William na magbalik tanaw sa lahat ng mga naganap sa kaniyang buhay simula noong bakasyon. Kasabay noon ang tawa ng kaniyang mga kaklase, pagsuway ng kanilang tagapayo, at pagmuya at pagkagat sa mga tsitsirya.

Malalaman na ng lahat kung anu-ano ang mga problemang dumating sa buhay ni William pati sa mga mahal niya sa buhay. Hindi alam ng istroyang ito kung ano ang magiging reaksyon ng mga mambabasa kapag nalaman nila ang mga dinanas ng mga karakter dito. Kung hindi kaya ng mambabasa ang ganitong klase ng aklat, inaanyayahan kayo nito na tumigil na sa pagbabasa. Maraming salamat sa inyo!

☆-☆-☆-☆
Ano nga ba ang qualities para masabing best section kayo? Well let's find out in the story of lil_c0la . Enjoy!!! ♡♡♡

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now