Chapter 13: Cyanide

Magsimula sa umpisa
                                    

"Clifford samahan mo naman si Sir Blair iautopsy ang bangkay. Ito pa pala, sa palagay ko ay makakatulong to." Iniabot ko sa kanya yung nakuha nila Chloe sa kwarto ni Mr. Davis.

"Maghugas ka pag katapos mong hawakan yan." Bilin niya kay Clifford. Napangiti ako sa sinabi ni Amber, nag aalala siya kay Clifford.

"Craig at Kenna pwede bang maglibot kayo dito sa Palace para maghanap ng mga kahina hinala." Nakipag sukatan na naman ng tingin si Craig sakin bago magsalita.

"Siguraduhin mo lang na matatapos ang kasong to bago mag ala singko dahil sa mga utos mo sa amin." Sabi niya ng hindi pinuputol ang tingin.

"Craig tara na makinig tayo kay Wesley, sigurado ako na alam niya ang ginagawa niya." Nginitian ako ni Kenna bago hinila palayo si Craig.

"Ms. Laura at Chloe kayo ang sasama sa akin kumausap sa lahat."

Laura's POV

Hindi talaga kami nagkamali kay Wesley para siyang si Detective Philbert, tandang tanda ko kung paano niya hinawakan ang kaso ng pamilya namin noon.

Nandito kami sa isang silid para kausapin ang sampung tauhan ng Palace kasama si Sophia, Mrs. Fujiwara at Mr. Davis, ang kanang kamay ng pamilya.

Tinanong namin ang lahat ng kasambahay at tauhan, lahat ay mag kanya kanyang matibay na alibi. Ayon nga kay Wesley kanina, sa tatlong malalapit na tao kami dapat magfocus.

"Mrs. Fujiwara sabi po ni Sophia kanina na kayo lang ang dapat na naghahanda ng pampaligo ni Mr. Fujiwara." Saad ni Chloe dahil siya ang may kakayahan tandaan ang lahat ng nangyayari.

"Oo ako nga, pero hindi ibig sabihin nun ay ako na ang pumatay. Kung gagawin ko yon ay matagal na." May poot na sinabi ni Mrs. Fujiwara.

"Tessa tumigil ka! Wag kang magsalita ng ganyan." Saway ni Mr. Davis sa ginang.

"Tumigil kayong dalawa! Sigurado akong isa sa inyo ang pumatay kay Daddy." Galit na sinabi ni Sophia.

Bakit parang lahat ay may motibo.

Wesley's POV

Tumunog ang cellphone ko si Sir Blair ang tumatawag. Lumayo muna ako, baka may sasabihin sila na maaaring magamit sa pagtatanong.

"Wesley?"

"Yes po."

"Cyanide ang lumason kay Mr. Fujiwara, mayroon sa sepilyo, sa mini hot tub na pinag babaran niya, sa alak at baso na ininom niya." Tama ang hinala ko pero saan ako mag uumpisang hanapin ang ebidensya.

"Sir may gamit kaba dyan na pwedeng makadetect ng substance na dumikit sa balat?" Tanong ko kay Sir Blair.

"What do you mean?" Pagpapalinaw niya sa sinabi ko.

"Halimbawa ay kumapit ang substance sa akin madedetect niyo paba kahit ilang minuto na ang lumipas? Hindi pa naman nababasa o nahuhugasan."

"Oo meron sa van, CSRadar o chemical substance radar ang tawag." Nagets na niya ang ibig kong sabihin.

"Pwede niyo po bang kunin pag natapos kayo dyan." Pakiusap ko sa kanya.

"Okay walang problema." Mabilis niyang sagot.

Tinapos ko ang pakikipag usap sa kabilang linya at bumalik kung nasaan sila Ms. Laura.

"Mr. Davis may nakuha kaming cyanide sa kwarto ninyo at cyanide ang lumason kay Mr. Fujiwara." Bigla ko nalang nasabi sa kanya, sinusubukan ko kung anong biglaang reaksyon ang maibibigay niya.

"Nagpapatawa kaba bata? Bakit ko papatayin si Victor?" Tanggi niya.

"Kung ganoon pwede mo bang sabihin sa akin kung nasaan ka nung mga oras na mamatay siya?"

Hindi siya makasagot parang alam ko na ang mga nangyayari. Nilapitan ko si Ms. Laura at binulungan. Niyaya ko siyang lumabas.

"Sige Mrs. Fujiwara at Mr. Davis maiwan muna namin kayo. Mag usap muna kayo at si Sophia." Paalam ni Ms. Laura.

May ipapahanap ako kay Chloe. Napansin ko na may naiba kay Sophia at kailangan namin mahanap to.

Nag ring ang cellphone ko at si Kenna naman ang tumatawag.

"Hello." Sagot ko sa kabilang linya.

"Wesley naglibot na kami wala naman kakaiba maliban sa isa, may bigla akong naalala hindi ko alam kung makakatulong pero nung nakita ko may kakaiba." Magulong paliwanag ni Kenna.

"Sige sabihin mo sa akin mamaya pag nagkita kita tayo." Ineend ko na kaagad ang call, hindi ko maipaliwanag pero ayoko makipag usap sa kanya ng matagal.

"Iho." Sabay tapik sa balikat ko. Napangisi ako, aamin na siya sa kasalanang hindi siya ang gumawa.

Lumingon ako at nakita si Mr. Davis na nakatayo sa harap ko. "Bakit po?"

"Ako ang pumatay kay Victor. Itigil niyo na ang pag iimbestiga at dalhin niyo na ako sa Inspector." Umaayon siya sa plano ko.

Dwayne's POV

Nandito parin kami sa silid para samahan ang mga kaklase namin na mukhang takot na takot sa nangyari. Marami na kaming nakuhang information, sana lang ay may maitulong to mamaya sa pag uusap namin.

Nakaupo lang kami ni Amber sa may gilid ng kama at mahinang nag uusap. Maasar nga ang isang to.

"Amber nabalitaan ko na nakipag date ka kay Andrew. Kala ko ba si Clifford ang gusto mo?"

Sa totoo lang ay naiirita ako dahil hindi man lang niya sinabi sa akin na nakipag date siya

"Tigilan mo ako Dwayne, tandaan mo secondary school pa tayo magkasama baka gusto mong sabihin ko sayo kung anong nalalaman ko?" Pagbabanta ni Amber.

Magbestfriend kami ng isang to highschool palang kami doon sa Academy, hanggang sa dumating na isa isa ang mga kamember namin sa MCC.

"Sige anong nalalaman mo?" Hamon ko sa kanya.

"Wag na baka matuwa kapa. Gustong gusto ko pag nakikita kang naiirita hahaha." Geez ang ganda talaga ni Amber.

Magkakaiba ang ganda nila. Si Chloe kasi ay babaing babae, sobrang feminine ng itsura kahit dati pa. Si Kenna naman ay sobrang cute at the same time maganda at masayahin ang aura parang babaeng version ni Clifford, hindi ko lang alam bakit hindi niya nahawahan ng personality niya si Craig sila naman ang parating magkasama.

Samantalang si Amber ay matapang ang pagiging maganda, kaya kapag nakita mo siyang tumawa ay mabibigla ka talaga. Pero don't get me wrong, bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kanya at siya rin naman ganun. Masyadong strong ang personality namin parehas parang sasabog kami kapag pinagsama. Kaya hindi kami bagay.

"Haha alam kong hindi mo sasabihin pero umamin ka sino bang gusto mo? Si Cliff o yung alalay ni Donovan?"

"Pwede ba? Andrew ang pangalan niya nahawa kana kay Clifford nakakabwiset." Iritado niyang sagot.

"Kilala kita dalawa lang ang dahilan kapag iritado ka sa tao, sadyang ayaw mo o gusto mo."

"At doon ako sa sadyang ayaw ko kay Cliff." Sagot niya.

"Kung ganoon si Andrew nga ang gusto mo, tama ba? Teka sasabihin ko sa kanila haha." Kunwaring magta type ako sa cellphone ko.

"Ano ba stop it! hindi ko gusto si Andrew kaibigan ko lang siya." Pagpigil niya sakin.

"Good girl Amber, alam ko naman hinuhuli lang kita haha." Sabi ko sa kanya habang ginugulo ko ang buhok niya.

Sayang masyadong torpe si Clifford hindi ko sasabihin ang nalaman ko. Gusto ko siyang mapanood paano maghirap sa paniniwalang iba ang gusto ni Amber.

"Eh ikaw kelan mo balak sabihin sa kanya na naaalala mo siya? Baka naman may dahilan kung bakit parang hindi ka niya naaalala." Seryosong sinabi ni Amber.

Hindi na ako sumagot sa tanong ni Amber, alam kong wala siyang dahilan para kalimutan ako.

Ako ang mas may dapat na karapatan na kalimutan siya.

Nakatanggap ako ng message. "Tara tawag na tayo nila Wesley."

***************

S/Insp. Donovan and Andrew >>>>>

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon