Chapter 5: Picture

Start from the beginning
                                    

Nakita ko si Donovan na tuwang tuwa akala niya siguro ay napakagaling nitong alalay niya.

Tumunog ang cellphone ko at si Wesley ang nasa kabilang linya.

"Ano pre?" Siguradong importante ang tawag na to dahil galing sa antisocial na tao.

"Kasama mo ba si Chloe?"

"Yes bakit?"

"Pwede bang itanong mo kung saang department si Ralph noon sa art school na pinasukan nila."

Tinanong ko si Chloe. Nakita ko ang pagpikit niya. Pagkatapos ng ilang segundo ay nasabi niya kung saan. I wonder anong klaseng utak kaya mayroon ang isang to.

"Sa prosthetic daw pre, sa prosthetic department."

"Ah talaga at isa pa pwede bang tanungin mo kung nalinis na nila yung bangkay."

"Hoy Donovan nalinis naba yung bangkay?" Tanong ko sa Inspector.

"Hindi pa at tigilan mo ako sa pagtawag mo sa akin ng Donovan."

"Anong gusto mong itawag ko sayo?" Hindi siya nakasagot.

Sabi na nga ba hindi siya makakasagot sa tanong ko.

Bumalik ako sa pakikipag usap kay Wesley, sinabi ko na hindi pa nililinis ang bangkay. Kailangan pang i-autopsy dito.

Inutusan niya ako na gupitan ng kuko si Ralph. Lahat ng kuko sa daliri. Napailing nalang ako dahil ginawa pa nila akong manikurista.

Wesley's POV

Inoobserbahan ko si Chuck habang tinatanong ni Craig nakita ko ang paglalaro niya sa daliri niya. Ang pagtanggal niya ng kung ano sa loob ng kuko niya ng hindi niya namamalayan.

"Ang totoo ay lulong na siya sa droga. Lulong na siya kaya kung ano ano ng nakikita niya. Araw araw ipinipilit niyang nakikita niya si Adam pero patay na siya diba? Paano niyang makikita."

Habang sinasabi to ni Chuck nakita ko ang pag igting ng panga niya at ang pagkuyom ng palad niya.

Hindi ito ang tamang expression nang namatayan ng kaibigan. Awa ang dapat na nararamdaman niya at hindi galit. Kung totoo ngang suicide ito gaya nang pinipilit niya, wala siyang dapat ikagalit dahil wala namang pumatay dito.

Nang payagan na siyang makaalis ay sinabihan ko agad ang mga kasama ko na ipunin yung bagay na tinatanggal ni Chuck unconsciously sa kuko niya kanina habang kausap namin siya.

Kailangan ko muna siyang sundan at tanungin.

Nang makalapit ako sa kanya ay tinanong ko agad siya. "Napaano pala yang mukha mo bakit parang may gasgas."

"Wala to pre napaaway lang ako sa girlfriend ko." Akala niya siguro ay makukumbinsi niya ako sa sagot niya. Kanina lang ay galit siya sa akin.

Nang makalayo sa akin si Chuck Lars, tinawagan ko agad si Clifford dahil may kailangan akong itanong at iutos.

"Ano pre?" Mabilis niyang nasagot ang tawag ko.

"Kasama mo ba si Chloe?"

"Yes bakit?"

"Pwede bang itanong mo kung saang department si Ralph sa art school na pinasukan nila."

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay nagsalita ng muli si Clifford.

"Sa prosthetic daw pre, sa prosthetic department."

"Ah talaga at isa pa pwede bang tanungin mo kung nalinis na nila yung bangkay."

"Hoy Donovan nalinis naba yung bangkay?" Tanong niya kay Inspector.

"Hindi pa at tigiilan mo ako sa pagtawag mo sa akin ng Donovan." Narinig ko ang sagot sa kanya.

"Anong gusto mong itawag ko sayo?" Pabalik na sagot nito sa Inspector.

Masayadong hostile ang attitude ni Clifford sa Inspector, kabaligtaran ng trato niya sa lahat.

Hindi ko na muna inabalang alamin kung bakit, dahil mas importante ang mga nalaman ko.

Bumalik ako sa headquarters ng MCC.

Habang naglalakad lakad ako rinig ko ang halakhak ni Kenna kay Craig kaya napatingin ako sa gawi nila.

"Tsss.. mukhang may nagkakagusto rin pala sa kagaya niya." Napailing nalang ako sa idea na pumasok sa isip ko.

Uupo muna sana ako sa sofa para mag isip habang hinihintay sila Clifford.

May mapansin akong larawan na nakasingit sa bukas na bag dito sa tabi ko ayoko sanang pakialaman pero malakas ang kutob ko, gusto kong makita kung ano yon.

Nang hilahin ko ito at nakita ang lawaran, hindi na ako nag aksaya ng panahon. Agad tinanong kung kanino ang bag na nasa tabi ko.

"Kaninong bag to?" Nakuha ko ang atensyon ng lahat.

Nakita kong lumapit si Kenna kaya hinila ko na siya kaagad palabas. Narinig ko ang reklamo ni Craig pero hindi ako nagpatinag.

Kenna's POV

"Aray! Dahan dahan naman! Babalian mo ba ako ng buto?" Reklamo ko kay Wesley na parang walang naririnig.

Gamit ang isa niya pang kamay ay may pinindot siyang numero sa kanyang cellphone.

"Clifford pwede bang pag balik mo sa headquarters ay pakibigay yung mga kuko kay Sir Blair. Pakisabi na pag kumparahin ang mga substance at DNA sa pinakuha ko sa kanila kanina at sa dala mo. At kung pwede ay pakiconnect ang tawag ko kay Amber, may kailangan lang akong malaman." Kung nauna siguro ang isang to ay siya ang leader sa grupo.

"Amber pwede mo bang alamin ang address ni Adam Ross at isend mo sa number na to? Kailangang kailangan ko na. Salamat." Mukhang masosolve na nila ang kaso, wala man lang akong naitulong.

"Mukhang masosolve niyo na yung kaso wala man lang ako naitulong haha." Biro ko sa kanya.

"Hindi totoo yan. Malaki ang naitulong mo sa kaso na to lalo na sa akin." Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha sa sinabi niya.

"Huh? Paano?"

"Sa palagay ko ay kilala ko na ang suspect, pero hindi ko alam kung anong motibo niya at hindi ko sinasadyang makita yung picture sa bag mo. Ayokong magbaka sakali sa naiisip ko kaya tayo mismo ang magkukurpirma." Hindi ko siya maiintindihan dahil halos wala akong naitulong sa kaso na to.

Hindi na ako nagtanong at nagpatangay nalang kung saan niya ako dalhin.

Nakatayo kami ngayon sa napakalaking bahay or I would rather say na mansyon. Ako na mismo ang pumindot ng doorbell, medyo malayo ang malaking pinto ng bahay pero tanaw namin ang paglabas ng isang matandang babae.

"Anong maipaglilingkod ko iho at iha."

"May gusto lang po sana kaming itanong. Pwede niyo po bang matukoy kung kilala niyo itong nasa larawan." Pinakita ni Wesley yung picture na napulot ko noong isang araw.

"Halika pumasok muna kayo at doon tayo mag usap sa loob. Medyo gumagabi na."

Pinapasok kami ni Lola sa loob, masyado siyang mabait. Hindi niya kami kilala pero pinapasok niya kami. Sana ganyan din ang lola ko.

"Pwede ko bang malaman kung anong pakay niyo?"Tanong ni Lola sa amin.

"Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa may namatay po sa paaralan namin. At maaring konektado ito sa nangyari apat na taon na ang nakakaraan. May natatandaan po ba kayo Lola?"

Napatakip si Lola ng kanyang bibig at isa isang tumulo ang luha niya.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now