■KIMBERLY

94 5 1
                                    

Author: Dayanarysong
Parts: 34
Reads: 1.26k
Status: Completed
Genre: Action

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


BLURB

- Si Dina Cassa ay isang pokpok sa maimpluwensyang Night Club. Ngunit dahil sa krimen na nagawa niya, pinapatay siya ng sarili niyang Madame.

Sa pagmulat ng kaniyang mata, nasa Urbe Sancti na siya. Isang lugar na pinapatay ang imoral na katulad niya, kung saan makikilala niya rin si Kimberly- ang lalaking magiging liwanag sa madilim niyang buhay.

SHORT SUMMARY OF CHAPTER 1

- Sunod-sunod ang pagkawala ng mga malulutong na mura.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Saan na ako magtatago nito? Makakabalik pa kaya ako sa amin?

Lalo niyang nilakihan ang paghakbang, binilisan din ang pagtakbo habang tumatalon sa takot ang dibdib. Kung hindi siya makabalik sa Red Den at hindi rin nailinis ang pangalan...

Bumigat ang kaniyang puso. Naninikip at tila biglang tumigil sa pagtibok. Dahil dito, napahinto siya at nagtago sa likod ng malaking katawan ng punongkahoy. Hinawakan niya ito habang namimilipit. Hindi siya makahinga, Sh*t!

"Dina, laban. Kailangan mong lumaban. Kailangan mong makatakas," anas niya habang namamaos ang boses.

Hindi niya rin maiwasan ang panginginig ng boses. Panay pa siya lunok ng laway. Saan na ako magtatago nito? Ayokong mamatay!

Sa pangalawang pagkakataon, tumayo siya at taas-noong iginala ang paningin sa buong paligid.

May naglalakihang punongkahoy ang nakatayo pa rin sa kaniyang harap na pinalala ng magagaspang at makakapal na damo sa maraming bahagi ng lugar.

Higit pa rito, naghari rin ang katahimikan sa kabila ng mga tunog na nagmumula sa iba't ibang hayop. Tila ba sinisitsitan siya, binubulungan kaya tinakpan niya ang magkabilang tainga.

Malalim na rin ang gabi. Malaki ang hugis sirkulo ng buwan na naghahatid ng kulay dilaw sa lahat ng parte.

Napalunok si Dina. Makakatakas pa ba ako dito? Paano kung... ito na talaga ang huli? Ano na ang mangyayari sa pamilya ko?

------------

"I told you, mabait ako! Pero pinagalit mo ako so bye-bye." Tinadyakan niya ang mukha nito, nagdugo at bumitaw ang maraming ngipin sa bibig.

Patuloy sa pagsuntok ang lalaking nababalot ng itim na kasuutan ang katawan. Naghanap siya ng tiyempo, lumukot siya sa malayang bahagi.

"Wala akong kasalanan okay? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako napunta sa weirdong lugar na 'to tapos papatayin ninyo ako ng basta-basta? Sh*t! Gusto ko pang mabuhay," depensa niya sa sarili.

Walang pumansin sa kaniya, abala ang mga natirang Latro sa pakikipaglaban sa estranghero.

"Ewan ko sa inyo! Kani-kanina lang grabe kayo makahabol sa akin tapos ngayon, no nganga!" Reklamo niya at pinandilatan ng mga mata ang mga ito.

Inihagis niya rin ang espada sa kumpol na walang malay na umilag. Pagkatapos ay kumaripas ulit siya ng takbo patungong silangan.

☆-☆-☆-☆

Curious about Dina and Kimberly? Follow Dayanarysong now, then read and support her stories. ^_^ ❤❤

Promotion of StoriesWhere stories live. Discover now