Quia
Kenna's POV
Naghahalo yung nararamdaman ko, takot, kaba, galit, at pangamba. Pangamba na may nangyari nang masama kay Mommy.
Gusto kong umiyak pero walang luha na pumapatak sa mata ko. Sinusubukan kong maging matatag, gusto kong alisin sa isip ko yung mga posibilidad na may nangyaring masama sa kanya.
Binitawan ni Wesley ang kamay ko para buksan ang magkabilang pintuan ng sports car ni Dwayne.
"Wag ka munang sumakay." Utos niya sa akin.
Napansin ko na nakayuko siya at parang may kinakapa sa ilalim ng mga upuan, habang ako naman ay patuloy sa pag tawag sa bahay namin, pero walang sumasagot.
"Tsk. Sabi na nga ba, masyado siyang matalino." Nasisising sinabi ni Wesley.
"Anong ibig mong sabihin?" Binaba ko ang cellphone ko na nakatutok sa tenga ko.
"Sa tingin ko kaya nalaman ni Ahriman ang tungkol sa Mommy Quia mo ay dahil dito." Pinakita niya yung maliliit na speaker nung 4 - way micro headset ni Sir Blair.
Naintindihan ko ang ibig sabihin ni Wesley, kaya nalaman ni Ahriman ang pinag uusapan nila ay dahil sa tulong ng gamit ni Sir Blair. Ang hindi ko maintindihan bakit nila pinag uusapan si Mommy.
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin, ang hindi ko maintindihan bakit niyo pinag uusapan si Mommy." Malakas kong sinabi sa kanya.
Umikot siya sa sasakyan at lumapit sa akin. "Ang mabuti pa sa daan na natin pag usapan yan. Kailangan na natin makapunta sa bahay niyo sa lalong madaling panahon." Hinawakan niya ako sa balikat at iginaya papasok sa sasakyan.
Sinabi ko sa kanya kung saan sa Antipolo ang bahay namin. Sa bilis mag maneho ni Wesley pwede kaming makarating sa bahay within thirty minutes.
"Now tell me bakit niyo pinag uusapan si Mommy?" Tanong ko kay Wesley na nakatutok lang sa daan ang tingin.
"Wag kang mabibigla pero sa tingin ko konektado ang unang MCC sa nangyayaring laro. At ang Mommy mo lang ang makakasagot non dahil siya lang ang kilala natin na malapit sa naunang MCC." Paliwanag niya sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang sobrang galit dahil pati ang itinuring kong ina ay nadamay pa sa larong to. Kasalanan ko talaga ang lahat. Nagsisisi ako kung bakit ko pa pinasimulan ang MCC.
"I'm sorry." Nakatitig lang ako kay Wesley na nakafocus parin ang tingin sa daan, habang nag sosorry sa akin.
"I'm sorry, kung nag iisip lang sana kami ay hindi madadamay ang Mommy mo." Pag ulit niya sa paghingi ng tawad.
"Alam ko na hindi niyo kagustuhan to. Sino bang mag aakala na pati sa sasakyan ay kaya tayong pakinggan ni Ahriman. At saka bakit ka nag sosorry? iniisip mo ba na may nangyaring masama kay Mommy." Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na ligtas siya.
Kung may mangyari sa kanya ay hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Dahil sa pagkakataon na to buhay naman nang pangalawa kong ina ang nakataya. Ang una ay si Mommy Cassandra ang tunay kong ina, namatay siya sa panganganak sa akin. Ngayon naman si Mommy Quia.
Lagi nalang nasasaktan ang mga taong nagmamahal sa akin.
Tahimik nalang kami sa buong byahe. Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng bahay na kinalakihan ko.
"Wala kayong security guard?" Tanong ni Wesley nang makalampas na kami sa malaking gate ng bahay.
"Wala, dahil safe ang lugar na to, wala rin naman nakakaalam na dito ako nakatira. Isa pa napaka buting tao ni Mommy para may mag isip pa na gawan siya ng masama. Ayaw na ayaw niyang pinagsisilbihan siya. Hanggang maaari kung kaya naming dalawa ay kami nalang ang gagawa." Napangiti ako sa sinabi ko. Napakabuti niyang babae, kaya sana lang walang nangyaring masama sa kanya.
Nang marating ng sasakyan na dala namin ang tapat ng bahay ay mabilis akong bumaba.
"Mommy!" Malakas kong tawag sa kanya habang kinakalabog ang pintuan, pero nang subukan kong pihitin ang doorknob bukas pala to. Mas lalo akong pinang hinaan nang loob dahil dito.
Naramdaman ko na hinawakan ni Wesley ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay.
"Mommy....Mommy!" Nilibot namin ang buong first floor pero wala siya.
"Baka natutulog siya sa kwarto niya." Sabi ko nalang kay Wesley kahit na iba na yung pakiramdam ko.
Nang umakyat kami sa second floor napansin ko na nakaawaang lang yung pinto ng kwarto niya. Ang ayaw sa lahat ni Mommy ay maiiwang bukas ang pinto ng mga kwarto dahil lumalabas daw ang lamig na nanggagaling sa aircon. Malakas sa kuryente.
Tumayo lang kami sa tapat ng pinto bago ako humugot nang hininga. Ramdam ko na mas humigpit ang hawak ni Wesley sa mga kamay ko. Pinapalakas niya ang loob ko.
Nang maitulak ko na ang pinto, tumambad sa akin ang nagkalat na gamit sa kwarto ni Mommy, hindi ko na pinansin yon at agad siyang hinanap ng paningin ko. Nasa kama siya nakahiga.
Bumitaw ko sa pag kakahawak kay Wesley at tumakbo papunta sa kama kung saan nakahiga ang mommy ko. Sana natutulog lang siya.
"Mommy.." Malambing kong tawag sa kanya.
Bakit ang lamig niya, hindi naman bukas ang aircon sa kwarto niya. Bakit hindi siya sumasagot.
"Kenna." Ramdam ko ang simpatya sa boses ni Wesley. Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko.
Wesley's POV
Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko pagagaanin ang loob ni Kenna, lalo na kung isa rin ako sa dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Kanina pa siya tulala dito sa upuan malapit sa kama kung saan namin natagpuang patay ang Mommy Quia niya. Tulala lang siya pero tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha niya. Wala rin siyang maayos na naging statement sa mga naging tanong ni Inspector Donovan at Andrew.
Inaassume narin nang lahat na maaaring suffocation ang naging cause nang pagkamatay ng Mommy niya dahil narin sa mga nagkalat na unan malapit sa mukha nito.
Hindi ko rin malimutan ang sinabi ni Inspector sa akin. Wesley sa tingin ko ipaubaya niyo na sa amin ang lahat nang to baka ang sunod ay kayo na ng mapahamak.
Bakit niya iniisip na mapapahamak kami, dati naman ay masaya siya na nakakatulong kami. Habang tumatagal mas lalo akong naghihinala ano pa bang tinatago nila.
Naiwan na kaming dalawa ni Kenna sa kwarto, pero may mga nagkalat pang pulis sa labas nang bahay at naghahanap nang ebidensya. Paano sila hahanap kung unan lang naman ang ginamit sa pag patay.
Hindi na ako nakatiis at tinawagan ko si Craig. Sa tingin ko siya lang ang makakapag pagaan nang loob ni Kenna.
"Ohh? anong kailangan mo sa akin?" Iritado niyang sagot.
"Puntahan mo kami sa Antipolo may nangyaring masama." Sagot ko nalang sa kanya sa kabilang linya.
"Antipolo? nandyan ba kayo sa bahay? anong nangyari?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.
"Oo nandito kami sa bahay nila Kenna. Sa tingin ko mas mabuti na dito nalang natin pag usapan. Bilisan mo kailangan ka ni Kenna." Tinapos ko nalang ang tawag bago pa siya makasagot.
"Si Craig ba yan?" Nagsalita na si Kenna.
"Oo, sa tingin ko kailangan mo siya." Dahil hindi ako ang makakapag pagaan nang loob mo. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero hindi ko itinuloy.
Hindi na siya sumagot sa sinabi ko dahil alam niyang totoo, si Craig lang ang makakapag pagaan nang kalooban niya.
Tumunog ang cellphone ko. Si Amber tumatawag.
"Wesley tumawag sa akin si Clifford sinabi niya yung nangyari. Papunta na ako dyan." Bungad agad ni Amber nang sagutin ko ang tawag niya.
Hindi na ako nakasagot dahil binabaan niya rin ako nang tawag. Hindi ko narin naitanong kung kasama niya si Clifford.
****************
Hi.
Marami na po kayong nagkakabasa pero wala pong bumoboto bukod sa mga kaibigan ko. Nakakalungkot naman.
Ilang chapters nalang matatapos na. May mga ipaprivate po ako. Paki follow nalang ako kung gusto niyong mabasa. Tsaka vote na rin ng story. Salamat
Si Mommy Quia nga pala >>>>>
-Lian