Forget about that
Amber's POV
Kinabukasan balik ang lahat sa dati. Ramdam ko yung awkwardness sa loob ng headquarters. Ako at si Dwayne lang yata ang nagsasalita.
Si Craig ay magkadikit na ang kilay, masama ang tingin na ipinupukol niya kay Wesley.
Habang si Kenna naman nakayuko lang, nahihiya pa siguro sa nangyari kagabi.
And Wesley? Kanina pa nakatingin kay Kenna habang nakahawak sa labi niya. Nakakatawa sila.
Pinipigilan kong matawa dahil sa inaasta nila. Hindi nalang pala basta kaso ang kailangan namin harapin ngayon, may love story na rin at mukhang love triangle pa.
Hindi ko mapigilang hindi kumanta. "K-I-S-S-I-N-G ." Nilagyan ko talaga ng tono para damang dama ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Craig at nag walk out palabas ng headquarters kaya natawa ng malakas si Dwayne. Nang tignan ko si Kenna ay tinignan lang din niya ako at nakanguso na ngayon sa akin.
Si Wesley naman ay nakangiti. Kinilabutan ako, hindi bagay sa kanya dahil nasanay na akong flat affect ang gwapo slash mysterious niyang mukha.
Dahil apat nalang kami at wala na si Craig pagkakataon ko nang buksan ang topic. This is my chance.
"So Kenna how was the feeling being kissed by Mr. Popular Philbert?" Popular dahil madaming may gusto kay Wesley, pero gaya ni Craig sinusupladuhan niya lang ang lahat. Minsan nga swerte nang supladuhan ka nila, ibig sabihin napansin kapa nila dahil bukod yata sa mga babae ng MCC ay wala na silang pinapansin at nakikita. Not existensial na ang lahat ng babae sa paligid nila.
"Bakit kailangan mo pang alamin? Ikaw kaya ang tanungin ko? How was your first kissed?" Napasimangot nalang ako ngayon sa tanong ni Dwayne.
Magsasalita palang sana ako ng bumukas yung pinto. Nang marealized naming lahat kung sino yumg dumating ay natahimik kami.
Si Clifford pala.
"I'm sorry naistorbo ko ba kayo? Go ahead. Nandito lang ako para kunin yung gamit ko." Sobrang cold nang pagkakasabi niya. Parang wala nalang kami kay Clifford.
Pinanood lang namin siya hanggang sa matapos siya sa ginagawa niya.
Hindi nakatiis si Dwayne at nagsalita.
"Ganun nalang ba sayo kadaling talikuran tong grupo? Baka gusto mo naman kaming bigyan ng magandang rason para hindi kami mag alala. Kung ayaw mo naman ay kahit kay Amber nalang sabihin mo yung rason." Napayuko ako sa sinabi ni Dwayne bakit niya pa ako dinamay. Bakit kailangan kahit sa akin lang ay sabihin niya. I don't need his expanation.
"Kailangan pa bang magpaliwanag sa kanya? Sa tingin ko wala naman akong obligasyon na sabihin sa kanya ang lahat nang bagay." Tinignan ako ng diretso sa mata ni Cliff habang sinasabi ang mga katagang to.
Pagkasabi niya nito ay lumipad ang kamao si Dwayne sa mukha niya. Why? Bakit parang may kumirot sa dibdib ko sa mga sinabi niya.
Napatumba siya sa lakas ng suntok ni Dwayne. Tumayo lang siya at pinunasan to. Wala siyang balak gumanti. He knows that he's acting like a jerk.
"Tapos ka nabang ilabas ang sama ng loob mo sa akin?" Pagkasabi niya nito ay isa isa niyang dinampot ang gamit niya at lumabas na parang walang nangyari.
Isang minutong katahimikan hanggang sa hindi ko na napigilan. Tumakbo na ako at sinundan si Clifford. Hingal na hingal ako ng mahabol siya.
"What? Ikaw rin ba ay may hindi nagawa? Dito mo ako sampalin para pantay na." Turo niya sa kaliwang pisngi niya. He's Crazy.
"Baliw kaba? Bakit ko gagawin yun?!" Napatingin na sa amin yung mga dumadaan dahil sa lakas ng boses ko, pero wala na akong pakialam.
"Nagdecide na akong sabihin kila Mommy yung totoong gusto ko." Gusto kong ipaalala sa kanya yung mga pinangako niya, yung napag usapan namin sa lumang gusali.
"That's good. Goodluck." Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Bigo ako sa naging sagot niya.
"Pero hindi ko sigurado kung matatanggap pa nila ako.....kaya......" Hindi ko maituloy, gusto kong siguraduhin kung anong naiisip niya sa mga sinabi ko.
"Kaya ano?" Tanong niya.
"Please stay. Hindi ko nalimutan yung sinabi mo sa akin nung gabi hinanap natin si Kenna." Pag papaalala ko sa kanya, sa pangako niya. Ibinaba ko na ang pride ko.
"You said that you'll always be by my side. Susuportahan mo ako." Dugtong ko pa sa mga sinabi ko.
"Yes Amber kahit nasa malayo ako susuportahan kita, pero yung sinabi kong I will always be by your side. I'm sorry just forget about that." Pagkasabi niya nito ay tumalikod na siya palayo sa akin.
Hindi na napigilan ng mga luha ko yung pagbagsak nila. Bakit parang ako yung nareject? Nang tumingin ako sa paligid ay nanonood na pala lahat sa akin. Pinunasan ko yung luha ko at naglakad na rin palayo.
Clifford's POV
Ang sakit ng panga ko sa suntok ni Dwayne. Kung hindi ko lang alam na mali naman talaga ako ay gagantihan ko siya, pero alam niya kung anong nararamdaman ko kay Amber. May karapatan siyang gawin sa akin yun dahil sa mga nasabi ko. Nabigo ko siya.
Hindi pa ako nakakalayo sa paglalakad nang marinig ko ang mumunting hingal sa likod ko. Pag harap ko si Amber pala, sinundan niya ako.
"What? Ikaw rin ba ay may hindi nagawa? Dito mo ako sampalin para pantay na." Alam ko naman na hindi yon ang rason niya sa paghabol sa akin, but I need to be pushy.
"Baliw kaba? Bakit ko gagawin yun?!" Naaagaw niya ang atensyon ng ibang estudyante na dumadaan malapit sa kinatatayuan namin dahil sa lakas ng pagkakasabi niya.
"Nagdecide na akong sabihin kila Mommy yung totoong gusto ko." Gusto kong ngumiti at yakapin si Amber ngayon dahil sa sinabi niya. Kung normal na araw to ay magiging masaya ako para sa kanya.
"That's good. Goodluck." Hindi ako makatingin sa kanya, sa totoo lang ay naiinggit ako sa kanya. May lakas siya ng loob gawin ang gusto niya. Hindi kagaya ko.
"Pero hindi ko sigurado kung matatanggap pa nila ako.....kaya....." Dagdag niya sa sinabi niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Kaya ano?" Tanong ko dahil hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin, gusto kong marinig mismo sa kanya.
"Please stay. Hindi ko nalimutan yung sinabi mo sa akin nung gabi hinanap natin si Kenna. You said that you'll always be by my side. Susuportahan mo ako." Naalala ko Amber. Hindi ko pwedeng kalimutan ang pinangako ko sayo pero huli na, I need to find myself. Gusto kong sabihin sa kanya pero pinili ko nalang ipagpasaloob.
"Yes Amber kahit nasa malayo ako ay susuportahan kita pero yung sinabi kong I will always be by your side? I'm sorry just forget about that." Pagkasabi ko nito ay tumalikod na ako, alam kong hindi na niya ako hahabulin sa pagkakataon na to, I push her limits. Sa ginawa ko malabong lapitan pa niya ako. Kilala ko si Amber, lalo na ang pagiging mapride niya. Hindi uso sa kanya ang salitang ipagpilitan, kung itinaboy mo siya ay hindi ka na niya kukwestyunin but, huwag ka narin umasang magkakaayos pa kayo.
Gusto ko uling umikot at balikan siya. Sabihin na nagbibiro lang ako, pero hindi ko magagawa yon. Ayokong gawing katawatawa ang sarili ko. Higit sa lahat ayokong saktan ang sarili kong ina, ayokong isipin niya na pagkatapos ng lahat nang ginawa niya para sa akin ay pipiliin ko parin manatili dito sa Cuthbert dahil sa taong kinalimutan na kami. Mas mabuti na sigurong matapos nalang to ng wala silang alam, ayoko rin naman na kaawaan nila ako.
"Clifford are you ready?" Napatingin ako sa nagsalita sa harap ko. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa harap ng faculty dahil sa pag iisip.
"Yes Ninong okay na po yung mga gamit ko." Sabi ko kay professor Isaac Hugo, bestfriend ni Mommy. Hindi naman lingid sa lahat na homosexual si Sir Hugo, pero kahit na ganun ay nirerespeto siya ng lahat.
Ihahatid niya ako sa bahay niya kung nasaan naghihintay si Mommy. Hindi ko alam paano siya haharapin dahil siguradong nag hihysterical na siya dahil sa nalaman niya.
"Okay so let's go." Pagyaya niya sa akin para makaalis na.
"Ninong, I'm so sorry nadamay kapa." Nahihiya ako sa kanya dahil tinulungan niya akong pagtakpan kay Mommy ang ginawa kong paglipat dito sa Cuthbert. Nababahala ako na baka pati ang pag kakaibigan nila ay magkalamat.
"Ano kaba ayos lang yon, kabisado ko na yang si Georgina, basta kung ano man sabihin niya sayo ay ilabas pasok mo nalang sa tainga mo. Kilala mo naman ang mommy mo." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Ninong, as expected kung bakit mag bestfriend sila ni Mommy. He's so understanding.
***************
Georgina Ebenezer (Clifford's mother)
and Sir Isaac Hugo (Georgina's bestfriend)
>>>>>