THE GAME: Cuthbert Academy Bo...

By LianGuevara

310K 9K 696

Wesley Connolly Philbert, son of the most famous detective Efrain Philbert, was forced to transfer in Cuthber... More

Babala
Names of the characters
Character's names and meanings
Chapter 1: Welcome to Cuthbert Academy
Chapter 2: Feather
Chapter 3: Mystery Clue Collector (MCC)
Chapter 4: DNA Sequencer
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Latex
Chapter 7: Twin
Chapter 8: Gloves
Chapter 9: Library
Chapter 10: Contact lense
Chapter 11: Japanese Dynasty Vase
Chapter 13: Cyanide
Chapter 14: Chemical Substance Radar
Chapter 15: Fujiwara Family
Chapter 16: Death threat
Chapter 17: Brittany Hughes
Chapter 18: Courting
Chapter 19: I quit
Chapter 20: Please don't die
Chapter 21: Gun
Chapter 22: The Past
Author's Note
Chapter 23: Kenna is missing
Chapter 24: Suspect
Chapter 25: Reveal it or die
Chapter 26: Blood trace
Chapter 27: Kenna's soldier
Chapter 28: Another culprit
Chapter 29: Please be safe
Author's Note
Chapter 30: And the real game begins
Chapter 31: Everyone has a different story
Chapter 32: I can't do this anymore
Chapter 33: Transfer
Chapter 34: Kiss
Chapter 35: Forget about that
Author's Note: MCC PHOTO
Chapter 36: Mrs. Ebenezer
Chapter 37: 4 -way micro headset
Chapter 38: Case closed
Chapter 39: Clifford's secret
Chapter 40: A part of me will always wait for you
Chapter 41: Now or never
Chapter 42: Donovan
Chapter 43: You're next
Chapter 44: Sembreak
Chapter 45: Pagudpud Island
Chapter 46: I'm Runa
Chapter 47: Walter Academy
Chapter 48: MCC's History (Part I)
Author's Note
Chapter 49: MCC's History (Part II)
Chapter 50: MCC's History (Part III)
Chapter 51: MCC's History (Part IV)
Chapter 52: Efrain Philbert
Chapter 53: Magnus Gregory
Chapter 54: Seymour Prodigious
Chapter 55: Birthday
Chapter 56: Friends
Chapter 57: Uncle Mori
Chapter 58: Alumni
FOR HIRE
Chapter 59: Lets talk
Chapter 60: Black Letter
Chapter 61: Quia
Chapter 62: Condolence
Chapter 63: USB
Chapter 64: Diary
Chapter 65: Great pretender
Chapter 66: The snake
Chapter 67: Enemy
Chapter 68: Ending (Part 1)
Chapter 69: Ending (Part 2)
Chapter 70: Ending (Part 3)
Epilogue
Author's Note
Paumanhin

Chapter 12: Fountain

4.1K 145 0
By LianGuevara

Fountain

Chloe's POV

Magkakasama kami ngayon nila Kenna at Amber ng masalubong namin si Sophia.

"Hi Girls saan kayo pupunta?" Masaya niyang tanong. Kakaiba ang saya niya ngayon.

"Hinahanap namin saan yung hotspring niyo dito para naman makapag relax." Sagot ni Amber.

"Ah ganoon ba? Tara samahan ko na kayo." Umangkla siya sa amin ni Kenna at hinila kami palayo.

"Kala ko ba doon yon?" Turo ni Kenna sa dapat na pupuntahan namin.

"Hindi doon yung hotspring na para sa mga bisita. Yung tinuturo mo naman na lugar ay si Daddy lang ang pwede gumamit. Si Mommy lang ang nagbabasta pag maliligo si Dad at magbababad sa mini hot tub." Paliwanag ni Sophia sa routine ng parents niya kahit hindi naman kami nag tatanong.

"Teka Sophia yung mommy mo yun diba at si.....?" Hindi maituloy ni Amber ang sasabihin niya, hindi naman kasi yon ang daddy niya.

Nagpakilala na ang parents niya sa lahat kanina kaya alam namin na hindi siya yon.

"Si Robert Davis, kanang kamay ni Dad sa lahat ng ari arian namin dito sa Palace." Malamig na dugtong ni Sophia sa sinabi ni Amber.

Bumitaw siya pagkakaangkla samin at sinabing mauna na kami. Susunod nalang daw siya.

Lumapit siya sa dalawang mukhang seryosong nag uusap.

Naiwan na akong nakatayo dito, para kasing nagkusa ang isip ko na tandaan ang bawat anggulo ng pag uusap nila. Si Sophia at nang dalawang nilapitan niya. May kakaiba, di ko maipaliwanag.

"Chloe tara na." Niyaya ako ni Amber.

"Alam niyo hindi ko masyadong gusto si Sophia may kakaiba sa kanya. Bigla biglang nag iiba yung mood." Prangkang sinabi ni Amber.

"Ssshhh Amber wag ka nga, baka may makarinig sayo." Saway ko sa kanya.

"Hindi lang naman ako ang nagsabi. Madami sa school ang nakakapuna tsaka gusto niya lahat ng meron tayo ay meron siya." Hindi tumigil si Amber sa pagpuna sa ugali ni Sophia.

"Baka naman nagseselos kalang kasi kanina pa sila nagkukulitan ni Clifford?" Hula ni Kenna kung bakit ganito ang inaasta ni Amber.

"No way! Eeeww yuck! Kanya na si Clifford." Tila nang didiri niyang sagot sa sinabi ni Kenna.

Natawa nalang kami ni Kenna at nag patuloy mag lakad papunta sa hotspring kung nasaan ang iba pa.

Wesley's POV

Habang naglalakad ako nakita ko na nag uusap si Mrs. Fujiwara at isang lalaki.

Napahinto ako sa paglalakad dahil hindi ko naman maiwasan na hindi sila marinig, kaya minabuti ko nalang magtago sa may pader malapit kung saan sila nakatayo.

"Oh God Robert matatapos din to trust me." Sabi ni Mrs. Fujiwara sa tinawag niyang Robert.

"Sana nga Tessa. Hindi ko na kayang makita ang sitwasyon mo." Sagot naman ng lalaki sa ginang.

Masyado ba silang malapit para tawagin lang siyang Tessa? Sa pagkakaalam ko kasi ay Teresa ang tunay na pangalan ni Mrs. Fujiwara.

Narinig ko na may paparating na ingay. Hindi nga ako nagkamali, sina Kenna at ang iba pa kasama si Sophia. Nakita ko ang pagbitaw ng huli kay Chloe at mukhang nagpaalam para lumapit dito. Umatras pa ako dahil baka makita niya ko.

"Pwede ba wag kayo dito mag usap nakikita kayo ng mga kaklase ko. Hindi magandang tignan lalo kana Ma. Huwag niyo akong ipahiya." Nag iba ang Sophia na nakikita ko ngayon, parang hindi siya.

"Tumigil ka Sophia ina mo parin ako kaya respetuhin mo ako. Sige na sumunod kana sa mga kaklase mo at aayusin ko pa ang pagliliguan ng ama mo." Mahinang sinabi ni Mrs. Fujiwara.

Umismid siya sa dalawa bago tuluyang umalis.

Naglakad ako sa kabila para sundan si Sophia. Naglakad ako na para bang hindi ko siya nakikita.

Nang mapansin niya ako ay biglang siyang humarap. "Hi Wesley sinusundan mo ba ako?"

"Hindi kita sinusundan, hinahanap ko sila Dwayne." Pagtanggi ko sa tanong niya.

"Ganun ba? Mabuti pa hintayin mo ako dito. Tatawagin ko lang lahat para sabay sabay na tayong kumain."

Tumayo lang ako kung saan niya ako iniwan, wala pang limang minuto ay bumalik na siya kasunod ang lahat.

Nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa braso ko at hinila na ako papunta sa dining hall.

Kenna's POV

"Girls mamaya na tayo mag babad sa hotspring! Mas masarap gawin yan pagkatapos kumain. Tara na tinawag ko na yung mga boys sa kabila." Masiglang sinabi ni Sophia sa lahat.

"Hmmpff! Di pa niya sinabi kanina nung magkakasama tayo." Bulong ni Amber.

Siniko ko nalang siya at sinamaan ng tingin. Baka may makarinig pa sa kanya.

Nang makalabas kaming lahat nagulat ako dahil nasa labas din pala si Wesley. Kanina ko pa siya hindi nakikita, pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari.

"Hahaha! Ano naniniwala kana?" Pang asar na sinabi ni Amber sa akin.

Humawak lang naman si Sophia sa kanya at hindi man lang siya pumalag hanggang sa hilahin siya nito. Samantalang pag ako siguro ang gumawa non ay magagalit siya.

"Hay kayo talaga tama nang asaran niyo. Friendly at medyo clinggy lang siguro talaga siya." Saway sa amin ni Chloe.

"Your wish Chloe.  Nagtataka nga ako bakit hindi pa sila naglalandian ng Dwayne mo eh." Ayaw talaga tumigil ni Amber, pati si Chloe inasar na.

"Hindi sakin si Dwayne." Biglang nag walk out si Chloe pagkasagot niya kay Amber, kaya nagkatinginan nalang kami. Sinundan namin siya.

"Ui Chloe joke lang yun." Niyakap yakap namin siya ni Amber habang naglalakad.

"Wala yon." Matamlay na sinabi ni Chloe.

Nagtataka na ako. Ano bang meron sa kanila ni Dwayne? At saka bakit siya inaasar palagi ni Amber?

Nagulat ako pag pasok namin sa dining area. Japanese style to, kailangan maghubad ng sapatos. Bawat isa ay may nakahandang zaisu chair and table.

Napalingon akong muli kay Sophia na nakakapit parin kay Wesley.

"Ma'am sabi niyo po alas otso pa po kayo kakain?" Nagtatakang sinabi ng parang mayordoma dito sa palace.

"Wala akong matandaan at saka buksan niyo yung tubig sa fountain sa tapat ng kwarto ko." Medyo mean ang pagkakasabi ni Sophia, napansin ko ang takot sa mukha ng matanda.

Nakita ko ang kunot sa noo ni Wesley sigurado akong may napansin siya.

Wesley's POV

"Ma'am sabi niyo po ala otso pa po kayo kakain?" Nakayukong sinabi ng matanda na mukhang namamahala sa loob ng Crescent Palace.

"Wala akong matandaan at saka buksan niyo yung tubig sa fountain sa tapat ng kwarto ko." Medyo intimidated ang mga katulong sa bahay na to kay Sophia, lalo na kapag nagsalita na siya.

Nang hubarin ni Sophia ang sapatos niya nakita ko na may buhangin o powder sa loob nito. Ano kaya yon?

Hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya. Nang mag umpisa na kaming kumain hindi siya mapakali. Pinanood ko lang siya o mas tamang sabihin na inobserbahan ko ang kilos niya.

"Haha hindi kana nagbago Kenna kagaya ka parin ng dati. Sakin na nga yang chopstick mo susubuan nalang kita, baka bukas kapa matapos." Maingay na sinabi ni Craig magkakasama pala ang buong MCC sa isang lamesa maliban sa akin.

Nagkatinginan kami ni Kenna pero mabilis niyang binawi ang tingin niya sakin. Inirapan niya ako. Ano kayang problema ng isang yon?

Tinignan ko si Clifford. Sinenyasan ko siya na sabihan ang dalawa pang lalaki na maging alerto.

Nag usap usap na kami kanina dahil may kutob ako na may mangyayari.

Kanina habang abala ang lahat ay naglibot libot kaming apat para maghanap kung may kakaiba. Nasabi ni Sir Ives na hindi naman kailangan ilagay pa sa loob ng mga salamin ang Dynasty Vase at ilock to doon dahil ginawa talaga ito para mahawakan ng mga tao. May taglay daw tong enerhiya na nagpapagaan ng pakiramdam sa sino mang humawak nito.

Tinawagan din namin si Ms. Laura at Sir Blair, sinabihan namin sila na dalhin ang van at ang lahat ng kagamitan ni Sir sakaling may mangyari.

"Ah Sophia saan ba may malapit na cr dito? Pasensya na call of nature." Tawag pansin nang isa naming kaklase.

"Ayos lang ano kaba. Pag labas mo sa dulo kumanan ka may makikita kang kulay gold na may dragon design na pintuan." Nakangiti niyang sinabi.

May kakaiba sa ngiti niya.

"Hi Sophia." Mabilis na naagaw ni Dwayne ang atensyon naming lahat dahil sa pabiro niyang pagbati kay Sophia.

"Hmm! Wag mo akong kindatan Dwayne! The last time I check hindi mo ako sinupot sa likod ng school." Maarteng sinabi ng babae, na ngayon ay nakakapit na naman sa akin.

"Wow." Napasipol nalang si Dwayne sa binunyag ni Sophia. Nagtawanan na ang lahat maliban lang yata kila Kenna. Pati pala si Sophia ay pinatulan niya.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!" Naputol ang malakas na tawanan ng lahat dahil sa umalingawngaw na napakalakas na sigaw.

"Dwayne tara!" Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinang gagalingan ng tili habang kasunod sila Dwayne.

Nakita ko ang kaklase ko na nakaupo sa tapat ng pinto. Sa banyo na tinuro ni Sophia.

Nagulat ako sa tumambad sa akin paglapit ko sa pintuan.

Si Mr. Fujiwara na nakababad sa hot tub at wala ng buhay. Puno ng dugo ang bibig.

"Craig." Sinenyasan ko siya dahil alam na niya ang gagawin. Kailangan niyang tawagan si Insp. Donovan

Abala ang iba sa pagtataboy sa mga kaklase namin na nakikiusisa, hindi maaaring magulo ang crime scene.

Sana dumating na ang lahat ng kailangan dito. Masyadong malaki ang Palace baka makatakas ang salarin. Tiyak naming pito na sinadya ang pagkamatay ni Mr. Fujiwara.

Continue Reading

You'll Also Like

Z+ By soju

Horror

125K 4.3K 20
(Z+ lit. Z Positive) Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa saki...
25.3M 849K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
322K 8.5K 27
Cheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awe...
11K 841 27
Aksidenteng naipagpatuloy ng magkapatid na Dominique at Zafier ang ritwal na lihim na isinagawa ng isang prominenteng grupo. Nagresulta iyon nang pak...