THE GAME: Cuthbert Academy Bo...

Von LianGuevara

310K 9K 696

Wesley Connolly Philbert, son of the most famous detective Efrain Philbert, was forced to transfer in Cuthber... Mehr

Babala
Names of the characters
Character's names and meanings
Chapter 1: Welcome to Cuthbert Academy
Chapter 2: Feather
Chapter 3: Mystery Clue Collector (MCC)
Chapter 4: DNA Sequencer
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Latex
Chapter 7: Twin
Chapter 8: Gloves
Chapter 9: Library
Chapter 11: Japanese Dynasty Vase
Chapter 12: Fountain
Chapter 13: Cyanide
Chapter 14: Chemical Substance Radar
Chapter 15: Fujiwara Family
Chapter 16: Death threat
Chapter 17: Brittany Hughes
Chapter 18: Courting
Chapter 19: I quit
Chapter 20: Please don't die
Chapter 21: Gun
Chapter 22: The Past
Author's Note
Chapter 23: Kenna is missing
Chapter 24: Suspect
Chapter 25: Reveal it or die
Chapter 26: Blood trace
Chapter 27: Kenna's soldier
Chapter 28: Another culprit
Chapter 29: Please be safe
Author's Note
Chapter 30: And the real game begins
Chapter 31: Everyone has a different story
Chapter 32: I can't do this anymore
Chapter 33: Transfer
Chapter 34: Kiss
Chapter 35: Forget about that
Author's Note: MCC PHOTO
Chapter 36: Mrs. Ebenezer
Chapter 37: 4 -way micro headset
Chapter 38: Case closed
Chapter 39: Clifford's secret
Chapter 40: A part of me will always wait for you
Chapter 41: Now or never
Chapter 42: Donovan
Chapter 43: You're next
Chapter 44: Sembreak
Chapter 45: Pagudpud Island
Chapter 46: I'm Runa
Chapter 47: Walter Academy
Chapter 48: MCC's History (Part I)
Author's Note
Chapter 49: MCC's History (Part II)
Chapter 50: MCC's History (Part III)
Chapter 51: MCC's History (Part IV)
Chapter 52: Efrain Philbert
Chapter 53: Magnus Gregory
Chapter 54: Seymour Prodigious
Chapter 55: Birthday
Chapter 56: Friends
Chapter 57: Uncle Mori
Chapter 58: Alumni
FOR HIRE
Chapter 59: Lets talk
Chapter 60: Black Letter
Chapter 61: Quia
Chapter 62: Condolence
Chapter 63: USB
Chapter 64: Diary
Chapter 65: Great pretender
Chapter 66: The snake
Chapter 67: Enemy
Chapter 68: Ending (Part 1)
Chapter 69: Ending (Part 2)
Chapter 70: Ending (Part 3)
Epilogue
Author's Note
Paumanhin

Chapter 10: Contact lense

4.6K 150 0
Von LianGuevara

Contact lense

Laura's POV

"Nasaan kayo nung gabing mamatay si Skyler bakit di niyo agad nalaman na patay na yung kaibigan niyo?" Tanong ko sa mga batang kaharap ko.

Nandito kami ngayon sa interview room nang headquarters. Alam na ni Kenna ang nangyari dahil walang gustong maglihim sa kanya.

"Ma'am, magkakasama kaming lahat kagabi kahit itanong niyo sa iba. Pati yung babae ni Skyler kasama namin hanggang dito sa school. Dumiretso sila sa kwarto ni Skyler kami naman ay nagkanya kanya na. Walang gustong umistorbo sa kanya dahil nga may babae siyang kasama. Pero kanina po ala sais na. Maliwanag na, nag alala kami na malaman ni Ms. Roswell na may pinapasok siya sa dorm kaya nagpasya kaming puntahan sila. Pero iba ang nadatnan namin! Si Skyler puro dugo at wala ng buhay." Tuloy tuloy na sinabi nung isa sa kaibigan ng biktima na hindi parin makapaniwala.

"Pero ma'am kagabi ko pa iniisip diba bawal ang outsider dito? Pero pinapasok siya nung guard. Hindi kami nasita nung sinilip kaming lahat na nasa loob ng sasakyan. Parang kilala nila yung babae." Dagdag pa nung isang kaibigan ni Skyler.

Nagkatinginan kami nila Wesley, kailangan namin makausap yung guard.

Chloe's POV

Hindi ako makapaniwala totoo ba tong nakikita ko. Nandito kami sa loob ng lumang library sa fourth floor ng girls dormitory. Sa dalawang taon ko dito sa academy hindi ako nakapasok dito. Siguradong yung iba din, dahil sa kumakalat na balita na may multo dito dahil sa ingay tuwing gabi.

Pero mali kami, pag binuksan ang pinto ay mukhang creepy sa harap pero kapag nilakad mo ay makikita mo na sobrang linis. Mas malinis pa sa official library ng school.

May isang pinto akong nakita. Nahaharangan siya ng isang hindi kalakihan na bookshelf.

"Craig itulak natin to." Pinagtulugan namin ni Craig yung shelf na parang sindayang iharang dito.

At mas nagulat ako sa tumambad sa akin. Mga damit, hindi lang basta damit dahil pang sexy lahat. Make up, napakaraming telang gloves na may ibat ibang design at kulay at mga lalagyan ng mga contact lense. May napansin din akong isang pirasong lense na nakapatong sa sink, wala tong kapares.

May napansin din akong nakaplastic sa may gilid. Nilapitan ko ito at binuksan, pares ng mga damit at gloves. Mukhang bagong laba. Tuyo na sila pero amoy na amoy ko yung laundry soap.

Tinawagan ko si Wesley. Sinabi ko kung anong natuklasan namin ni Craig. Inisa isa ko sa kanya lahat at kinuha ko ang lahat ng sinabi niya.

Wesley's POV

Buong araw naging abala ang grupo dahil sa hati hati naming trabaho, para dito sa kaso.

"Bakit niyo ako pinatawag?" Nasa harapan namin ngayon ang babaeng nagpapanggap na inosente. Si Patrice Buenafar.

"Dahil ikaw ang pumatay kay Skyler at nanakit kay Kenna. Wag ka nang magsinungaling alam na namin ang lahat." Direktang sinabi ni Craig.

"Hindi ko kayo maintindihan diba kaklase niyo ako. Nakita niyo bang nagkalapit kami? Diba kayo pa ang nakasaksi paano ako pagtulungan ng lahat!" Inosente niyang sinabi.

"Pinasok namin ang abandonadong library at nakita namin to." Inilabas ni Craig sa harap niya ang mga gamit na nakuha sa library.

"At ito." Pinakita ni Chloe ang isang piraso ng contact lense.

"Nagpapatawa ba kayo hindi ko kaya magsuot ng ganyan. Chloe anong gagawin ko sa isang pirasong contact lense? Hindi ako nagsusuot niyan at kung meron man ay magpapasadya pa ako. Mataas ang grado ng mata ko." Hysterical niyang sinabi.

"E kung nahanap ko to? Eh di pares na sila? Tapos ka grado pa ng mata mo. Magagamit mo na para pumatay." Pinakita naman ni Clifford ang kapares ng contact lense na hawak ni Chloe.

"Isa pa ay kaparehas ng make up mo sa library ang nakitang kumapit na make up sa ibat ibang parte ng balat ni Skyler." Si Craig uli ang nagsalita.

"May pruweba ba kayo na sakin ang make up na yan at ang mga gamit?"Hamon niya sa amin.

"Ehem..." Nagpekeng ubo na naman si Sir Blair at ipinakita kay Patrice ang mga aparato niya kabilang na ang DNA Sequencer, Ultraviolet rays at luminol.

"Ayon sa DNA Sequencer tugma sa DNA mo ang mga natuyong balat ng sugat at dugo na nakuha sa nga gloves sa abandonandong library. At para naman dito, nadetect ng UV ang mga kumapit na make up sa katawan ni Skyler, na kaparehas ng make up na nakuha kasama ng mga gloves na may DNA mo." Mahabang paliwanang ni Sir Blair habang pinapakita kung paano ito nadetect ng mga kagamitan niya.

"Nasabi din ng mga source ko simula kaninang alas kwatro hanggang ala siyete at binulabog mo sila. Nasa laundry area kana ng ganoong kaaga at sobrang tagal mo bago natapos. Wala naman daw silang nakitang nilalabhan mo." Dagdag pa ni Dwayne.

"Wala talaga silang makikita dahil ang nilabhan mo lang ay yung pares ng dress at gloves na suot mo sa pagpatay kay Skyler. Paulit ulit mong nilabhan hanggang sa makuntento ka." Tumayo si Dwayne sa harap niya na parang sinasabi na yung hatol.

"Nahanap ko rin yung school records niyo buong elementary life mo hanggang ngayon ay magkaklase kayo ni Skyler. Parehas na parehas, hanggang dito sa academy na pwede namang mamili ng gustong subjects ay parehas pa din kayo. Hindi ba nakakapagtaka?" Tumingin si Amber, tingin na sigurado siya sa sinasabi niya.

"Ang mas nakakapag taka bakit kaya nakakalabas pasok ang suspect dito sa school? Kilala siya ng mga guard pero hindi ng mga estudyante, baka naman dahil pag gabi lang siya nagpapakita kapag tulog na ang lahat. Oo nga pala may kopya na ako ng cctv nakita ko ang suspect na labas pasok dito gabi gabi, bukod lang sa kagabi." Sabi pa muli ni Amber.

"Kagabi may pumukpok sa ulo ko sigurado akong sa library yon, pero bakit sa cr ako nahanap. Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa akin yun, dinala mo ako sa cr dahil ayaw mo madiskubre nila yung lihim mo sa library." Malungkot na sinabi ni Kenna.

"Gusto ka namin maging kaibigan pero—

Pinutol ni Patrice ang sasabihin ni Amber at siya ang nagsalita. "KAIBIGAN!! nagpapatawa kaba? Sana dati niyo pa ginawa yan. Sigurado ako na dati ay isa din kayo sa mga tumatawa dahil sa itsura ko." Galit na galit siya. Nakakatakot. Nag iba na ang aura niya.

"Hindi ka iniwasan ng mga kaklase mo ikaw ang umiwas. Naging homeroom teacher mo na ako nung isang taon. Ikaw ang umiwas, ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo at sa palagay ko dahil yun kay Skyler. Hindi ka niya napapansin kaya ang ginawa mo buong buhay mo ay magplano kung paano ka niya mapapansin. Dahil dyan hindi mo na napansin ang nasa paligid mo." Pagpapa intindi sa kanya ni Ms. Laura.

"Tigilan niyo na ang kalokohan niyo bigyan niyo ako ng mas matibay na ebidensya." Paghahamon niya sa lahat.

"Kaklase kita sa Psychology nung nakaraang araw. Nakita ko ang masama mong tingin kay Skyler ng banggitin niya ang paghanga niya kay Ms. Macey. At dahil sa galit mo ikaw ang gumawa at nagsulat ng kung ano ano sa kwarto ni Ms. Macey para takutin siya. Nagpanggap ka ding nahimatay sa P.E dahil ayaw mong madumihan ang kamay mo pero ng dalhin ka sa clinic at makita mo si Ms. Stacey nakita ko na naman ang galit sa mata mo, dahil kamukha ng nurse ang guro na hinahangaan ng gusto mong lalaki. Nagresearch din pala kami halos lahat ng babae na napabalita at nagkakoneksyon kay Skyler ay may hindi magandang experience." Umpisa palang yan sa mga naobserbahan at nalaman ko.

"Hahaha sige ipagpatuloy mo." Tumatawa siya na parang nababaliw na. Nakakapangilabot.

"Ikaw yung babae sa bar na nagsungit kay Dwayne, may suot kang gloves dahil ayaw mong makita ng lahat na may mga sugat ka sa kamay at ayaw na ayaw mong nadidikitan ng dumi ang kamay mo. Yung mga nahanap namin na lumang gloves mo ay may DNA mo pa, dahil hindi mo na nalalabhan dahil hindi ka naman nag uulit nang suot. Kumapit doon ang mga dugo ng sugat mo sa kamay. Ang nakakapag taka kung nagpapalit ka naman ng gloves palagi bakit may nahanap kaming bagong laba? Dahil ba gusto mong itago ang damit at guantes na suot mo nang patayin mo si Skyler bilang souvenir?" Sigurado kong paliwanag sa nalalaman ko.

Yumuko siya at nagsalita. "Tama kayo mahal na mahal ko siya simula pagkabata hanggang ngayon at hinding hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Kung hindi siya para sa akin walang pwedeng mag may ari sa kanya." Sobrang obsess na talaga siya.

"Kinausap ko din si Sir Magnus inalam ko ang sintomas at palatandaan ng isang personality disorder. May Obsessive-Compulsive Personality Disorder ka. Ayaw na ayaw mong madumi ang kamay mo, kaya puro sugat yan dahil sa paulit ulit mong paglilinis. Sinabi ko kay Sir Magnus ang nangyari, lumapit na pala siya sayo noon. Inalok ka niya ng tulong para gumaling ka, dahil napapansin na niyang hindi ka lang sa kalinisan obsess kundi kay Skyler na din. Obsess ka sa paraan na nakagawa kapa ng bagong katauhan para sa kanya at sa huli ay pinatay mo pa siya para walang mag may ari sa kanya." Sabi ko kay Patrice tungkol sa mga nasabi ni Sir Magnus Gregory.

"Dapat pala ay pinatay ko nalang din ang matandang yon, masyadong pakialamero." Parang wala nalang sa kanya ang mga sinasabi niya.

"Wala din finger prints sa bangkay, dahil naka gloves ka at naging advantage mo yun para walang madetect na finger prints. Walang sexual intercourse na naganap sa inyo ng gabing patayin mo si Skyler, pero nalaglag ang suot mong contact lense at kagrado siya ng suot mong salamin. Yung mga lumang gloves na nakuha sa library na ay tugma sa DNA mo." Paliwanang kong muli tungkol sa nakalap na ebidensya.

"May hindi ka nabanggit yung pang blind fold." Tinitigan niya ako, tingin ng nanghahamon kung alam ko kung saan niya ginamit.

"Sa palagay ko ikaw na ang makakasagot niyan." Pinaubaya ko na sa kanya ang pagkukwento dahil siya ang nakakaalam nang ginawa niya.

"Pumasok kami sa kwarto niya sinabi ko na gusto ko ng foreplay pumayag siya, nag blindfold siya. Hinalikan ko bawat parte ng katawan niya. Pero kapag naiisip ko na may ibang babaeng humahalik sa kanya at dumidikit sa balat niya nakakaramdam ako nang galit. Gusto ko siyang patayin para wala nang makinabang sa kanya. Sa pagkakataong to hindi na ako nagpigil. Pinatay ko siya, nagpapasalamat ako sa nakakalat na kutsilyo sa kwarto niya. At yung nakita niyong nilabhan ko? Souvenir ko yon, itatago ko sana para maalala ko kung paano ko siya pinatay dahil ayoko ng may ibang didikit sa kanya." Nang gagalaiti niyang sinabi sa lahat.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kamay inisprayan ko ito ng luminol. Pinatay nila ang ilaw.

Kuminang ang palad niya, kulay blue na parang dyamante sa dilim. Luminol chemiluminescence reaction, bakas to ng dugo na tumagos sa gloves na suot niya na kumapit sa palad niya.

"Nakita mo? Kahit maghugas ka mag hapon ay nandyan parin ang dugo ni Skyler sa kamay mo. Hindi mo nakikita pero makikita natin sa pamamagitan nito." Pinakita ko sa kanya ang hawak kong luminol.

Napaluhod siya at nag umpisang umiyak habang nakatitig sa palad niyang unti unting nawawala ang kinang dahil sa reaction ng luminol sa dugo.

"Siya ang may kasalanan bakit naging OCPD ako. Simula elementary ay gusto ko na siya pero hanggang ngayon ay hindi man lang niya ako napansin. Naging obsess ako sa kanya hanggang lumala dahil hindi nalang ako sa kanya obsess kundi pati sa kalinisan. Hanggang sa bar ay sinusundan ko siya. Isang araw napansin na niya ako pero sa ibang katauhan ko, pero ayos lang sa akin yon. Lumalabas labas kami pero kagaya lang din pala ako ng iba. Ginagamit niya." Humawak siya sa tyan niya. Ayokong isipin pero alam ko na ang kasunod ng sasabihin niya.

"Sayang at hindi na makikita ng magiging anak namin ang daddy niya."

***************

Sir Magnus Gregory and

Sir Oswald Otis >>>>>

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
287K 6.5K 89
Kaklase... Karamay... Kaibigan... Hindi yata. Sa isang eskwelahan na kilala sa tawag na St. Rochinston, ay may isang section na nilalayuan ng lahat d...
98K 2.7K 34
"I am not the law, but I represent justice so far as my feeble powers go." -Sherlock Holmes Are you ready to solve crimes with these detectives and...
7.2K 484 27
Sampung taong gulang ang batang si Angela nang bawian ito ng buhay dahil sa isang aksidente. Isang araw bago ang unang anibersaryo ng kaniyang kamata...