THE GAME: Cuthbert Academy Bo...

Av LianGuevara

310K 9K 696

Wesley Connolly Philbert, son of the most famous detective Efrain Philbert, was forced to transfer in Cuthber... Mer

Babala
Names of the characters
Character's names and meanings
Chapter 1: Welcome to Cuthbert Academy
Chapter 2: Feather
Chapter 3: Mystery Clue Collector (MCC)
Chapter 4: DNA Sequencer
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Latex
Chapter 7: Twin
Chapter 9: Library
Chapter 10: Contact lense
Chapter 11: Japanese Dynasty Vase
Chapter 12: Fountain
Chapter 13: Cyanide
Chapter 14: Chemical Substance Radar
Chapter 15: Fujiwara Family
Chapter 16: Death threat
Chapter 17: Brittany Hughes
Chapter 18: Courting
Chapter 19: I quit
Chapter 20: Please don't die
Chapter 21: Gun
Chapter 22: The Past
Author's Note
Chapter 23: Kenna is missing
Chapter 24: Suspect
Chapter 25: Reveal it or die
Chapter 26: Blood trace
Chapter 27: Kenna's soldier
Chapter 28: Another culprit
Chapter 29: Please be safe
Author's Note
Chapter 30: And the real game begins
Chapter 31: Everyone has a different story
Chapter 32: I can't do this anymore
Chapter 33: Transfer
Chapter 34: Kiss
Chapter 35: Forget about that
Author's Note: MCC PHOTO
Chapter 36: Mrs. Ebenezer
Chapter 37: 4 -way micro headset
Chapter 38: Case closed
Chapter 39: Clifford's secret
Chapter 40: A part of me will always wait for you
Chapter 41: Now or never
Chapter 42: Donovan
Chapter 43: You're next
Chapter 44: Sembreak
Chapter 45: Pagudpud Island
Chapter 46: I'm Runa
Chapter 47: Walter Academy
Chapter 48: MCC's History (Part I)
Author's Note
Chapter 49: MCC's History (Part II)
Chapter 50: MCC's History (Part III)
Chapter 51: MCC's History (Part IV)
Chapter 52: Efrain Philbert
Chapter 53: Magnus Gregory
Chapter 54: Seymour Prodigious
Chapter 55: Birthday
Chapter 56: Friends
Chapter 57: Uncle Mori
Chapter 58: Alumni
FOR HIRE
Chapter 59: Lets talk
Chapter 60: Black Letter
Chapter 61: Quia
Chapter 62: Condolence
Chapter 63: USB
Chapter 64: Diary
Chapter 65: Great pretender
Chapter 66: The snake
Chapter 67: Enemy
Chapter 68: Ending (Part 1)
Chapter 69: Ending (Part 2)
Chapter 70: Ending (Part 3)
Epilogue
Author's Note
Paumanhin

Chapter 8: Gloves

5K 146 7
Av LianGuevara

Gloves

Chloe's POV

Kasama ko ngayon si Kenna at Amber. Pinipilit nila akong ayusan para sa party na magaganap sa Dead Vile. Ayokong sumama pero wala na akong magagawa, kung si Wesley daw ay napilit nila dapat ay ako din.

"Wow ang ganda mo talaga Chloe, hindi ko talaga alam bakit lagi kang inaaway ni Dwayne eh ang ganda ganda mo." Parang batang sinabi ni Kenna sa akin.

"Hay nako ilang taon kanaba Kenna? Hindi mo ba nahahalata may gusto si Dwayne kay Chloe." Nagulat ako sa sinabi ni Amber, alam kong malabong mangyari yun. Isa pa ay kinalimutan na niya ako.

"Imposible. Ang daming magagandang babae na nakapalibot sa kanya hindi niya ako mapapansin." Pagtanggi ko sa sinabi ni Amber kay Kenna.

"Magaganda lang sila dahil sa kapal ng foundation, hindi kagaya mo natural." Pagpilit ni Amber sa idea niya.

"Teka nga Amber pabayaan mo nga si Chloe. Ikaw nga dyan lagi mong inaaway si Clifford, siguro may gusto ka sa kanya no? Pero diba nakipag date kana kay Insp. Andrew? Sa bagay kahit sino sa kanila ay pwede na." Maingay na sinabi ni Kenna.

Pinanlakihan ni Amber ng mata si Kenna at sinuway." Pwede ba wag mong ipag sigawan baka isipin nila malandi ako. Alam mo naman yung mga tao dito sa dorm. Tsk tsk tsk.... ikaw nga sabihin mo sa akin kayo naba ni Craig bakit ganyan makabakod sayo? Pero sa tingin ko may gusto ka kay Wesley."

Biglang pumula ang pisngi ni Kenna, ang ganda niya rin talaga kakaiba siya lalo na yung mata niya.

"Hindi ko boyfriend si Craig, magbestfriend lang kami simula pagkabata kaya over protective sya sa akin. At si Wesley naman hindi ako mapapansin nun lagi nga ako sinusungitan." Nakanguso niyang sagot. Ang cute niya talaga.

"Hindi ko tinatanong kung sinusungitan ka nya, ang tanong ko kung may gusto kaba sa kanya." Iba talaga si Amber, wala kaming lusot.

"Oo." Bulong ni Kenna.

"Ano hindi ko marinig." Pagpapaulit ni Amber kay Kenna.

"Oo na may gusto na ako kay Wesley! Nakakainis ka talaga Amber. Tara na nga Chloe iwan na natin si Amber." Natawa nalang kami kay Kenna para talaga siyang bata.

Naglakad na kami sa may pinto nang may marinig ako.

"Kenna, Amber may narinig ba kayong tumawa?" Tanong ko sa kanila.

Biglang binuksan ni Kenna ang pintuan. "Wala namang tao sa labas."

Dwayne' POV

Nandito kaming apat sa labas ng pinto ni Amber susunduin sana namin sila pero dahil sa lakas ng boses nila rinig na rinig ang pinag uusapan nila dito sa tapat. Walang nag tangkang kumatok siguro ay gusto rin ng mga mokong makinig sa usapan.

"Teka nga Amber pabayaan mo nga si Chloe. Ikaw nga dyan lage mong inaaway si Clifford eh siguro may gusto ka sa kanya no? Pero diba nakipag date kana kay Insp. Andrew? Sa bagay kahit sino sa kanila ay pwede na." Ang ingay ni Kenna hindi niya ba naisip na maraming makakarinig sa kanila. Hindi rin sinabi sa akin ni Amber na nakipag date siya kay Andrew, lagot siya sakin mamaya.

Gusto kong tumawa dahil sa mukha ni Clifford ngayon. Patay na patay kay Amber ang isang to. Hindi ko alam bakit hindi pa manligaw mukhang mauunahan na ni Andrew.

"Pwede ba wag mong ipag sigawan. Baka isipin nila malandi ako alam mo naman yung mga tao dito sa dorm." Huli na Amber narinig na na namin ang pinag uusapan niyo.

"Tsk tsk tsk..... ikaw nga sabihin mo sa akin kayo naba ni Craig bakit ganyan makabakod sayo? Pero sa tingin ko may gusto ka kay Wesley." Nako Kenna wag kang bibigay sa tukso ni Amber.

Lumingon ako kung saan nakatayo si Craig at Wesley. Gusto ko na talagang matawa pero baka marinig ng mga girls. Sayang naman ang palabas.

"Hindi ko boyfriend si Craig, magbestfriend lang kami simula pagkabata kaya over protective sya sa akin. At si Wesley naman hindi ako mapapansin nun lagi nga ako sinusungitan."

"Shit.." Rinig ko ang mahinang pag mumura ni Craig at naglakad palayo sa amin. Ultra mega friendzone. Im sorry Craig, gusto kong tapikin ang balikat niya at sabihin sa kanya yan pero baka matawa lang ako.

Matagal ko na siyang sinabihan na sumama nalang sakin mang babae dahil gwapo rin naman siya kagaya ko, pero ayaw niya.

Sayang ang dami pa naman nakikiusap sa akin na makilala siya, pero si Kenna lang yata ang nakikita niya.

"Hindi namin tinatanong kung sinusungitan ka nya. Ang tanong ko kung may gusto kaba sa kanya." Ngayon si Wesley naman ang pinapanood ko, may feelings ba ang isang to? Diretso lang ang tingin niya at parang walang naririnig. Aware ba siya na siya na ang pinag uusapan.

Idinikit ko pa ang tenga ko sa pinto. Ang tagal wala akong narinig na sagot ni Kenna.

"Ano hindi ko marinig." Paulit ni Amber sa sinabi ni Kenna. Good girl Amber, ipaulit mo hindi namin marinig.

"Oo na may gusto na ako kay Wesley! Nakakainis ka talaga Amber. Tara na nga Chloe iwan na natin si Amber."

Natawa na talaga ako hindi ko na napigilan. Hinila ko si Clifford at Wesley palayo bago pa malaman ng tatlo na kanina pa kami nakikinig sa usapan nila.

Wesley's POV

"Oo na may gusto na ako kay Wesley! Nakakainis ka talaga Amber. Tara na nga Chloe iwan na natin si Amber." Ano ba ang problema ng babaeng yun hindi na maalis sa isip ko ang mga sinabi niya.

Nandito na kami sa tinatawag nilang Dead Vile. Malaking bar na puros anak nang mayayaman ang nagpupunta.

Nakita ko nanaman yung kaklase ko sa Psychology, yung nagbibida tungkol kay Ms. Macey Hugh. Marami paring nakapalibot sa kanya, mapa babae at lalaki.

"Si Skyler De Silva yan classmate natin sa Psychology. Anak ni Senator De Silva." Sabi ni Kenna na bigla biglang sumusulpot.

"Hindi ko tinatanong." Sinungitan ko siya at lumayo na ako. Ayokong madamay kung ano man ang meron sa kanila ni Craig.

"Pre tara samahan mo ako may gusto akong makilala." Inakbayan ako ni Dwayne at hinila papunta sa isang babae na mukhang natipuhan niya.

"Hi Miss, need some company? Hindi dapat iniiwan mag isa yung mga kagaya mo." Subok niyang paglandi sa babae.

"Sorry Dwayne, but hindi kita type and by the way you don't know me right? Pero ako kilala kita so back off and stop flirting with me." Kilala niya daw si Dwayne. Taga academy kaya siya? hindi siya pamilyar at bakit niya tinarayan si Dwayne. Anong meron sa kamay niya bakit siya naka guantes.

"Pssss... akala mo ang ganda kung hindi pa ako lumapit, di ko makikitang ang kapal ng foundation." Dismayadong sinabi niya sa akin.

Sinundan ko lang nang tingin yung babaeng nang reject kay Dwayne. Lumapit siya dun kay Skyler De Silva, inakbayan siya nito at naghalikan na sila.

"Pa choosy pa yun lang naman pala ang kasama. Mas gwapo naman ako at mas mayaman dyan sa Skyler na yan."

Natawa nalang ako dahil mukhang unang beses siyang tinanggihan ng babae.

Lumalim na ang gabi at nagkayayaan ng umuwi ang lahat.

Madaling araw na ng magkita kita kami sa tapat ng Mercedez Benz GL - Class ni Dwayne. Napresinta siyang magmaneho para sa lahat dahil siya daw ang nakaisip na pumunta kami dito.

Kenna's POV

Nung isang araw ko pa napapansin si Wesley na inoobserbahan si Skyler, kaya nang makita ko uli siya na tinitignan to ay sinabi ko ang pangalan nito.

"Si Skyler De Silva yan classmate natin sa Psychology. Anak ni Senator De Silva." Bigla kong sinabi habang nakatayo sa gilid niya.

"Hindi ko tinatanong." Masungit niyang sinabi at umalis, iniwan ako.

Ano kayang problema ng isang yon, hindi ko naman siya inaano. Hinanap ko nalang si Craig dahil hindi ako sanay pumunta sa mga ganito. Si Amber at Chloe ay nawala na rin sa dami ng tao.

Hindi katagalan ay nakita ko si Craig sa harap ng bartender.

"Craig." Sigaw ko sa harap nang madaming tao para kunin ang atensyon niya, pero nagpatuloy lang siya sa pag inom. Hindi niya ba ako nakikita, o sinadya yatang hindi ako pansinin.

Ano bang problema ng mga lalaki ngayon bakit ang susungit.

Nakatayo lang ako at nakatingin sa kawalan ng marinig ko ang boses ni Amber. "Hay nandito kalang pala kung saan saan ka pumupunta." Nahanap ako nila Amber,  hinila na ako kung saan.

Nang matapos ang gabi dito sa Dead Vile ay sabay sabay na kaming nagpunta sa sasakyan ni Dwayne. Ang tahimik namin dito sa loob. Walang gumagawa ng ingay, pagod siguro lahat.

Alas dos na yata ng makauwi kami. Naunang idaan ni Dwayne ang sasakyan niya sa dorm ng girls.

"Sigurado ka Kenna ayaw mong samahan ka namin sa fourth floor?" Alok sa akin nila Chloe dahil dito lang sila sa second floor parehas ni Amber.

"Hindi na. Imposible namang may mangyari pa sa akin dito sa loob ng dorm." Gabi gabi talaga ako hinahatid ni Craig sa kwarto ko pero hindi niya ako pinansin hanggang kanina sa sasakyan.

Hindi ko muna siya kinulit baka pagod lang siya kaya ganoon.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko may nakita akong babae, hindi siya pamilyar, at sigurado akong dugo ang nasa damit niya. Sinundan ko siya pasimble pero nakita niya rin ako kaya tumakbo siya, tumakbo din ako para sundan siyang muli.

Pumasok siya sa mini library dito sa fourth floor, pumasok din ako at dahan dahan akong naglakad. Nang may matigas na bagay na humampas sa akin. Bumagsak ako sa sahig. Katapusan ko na ba? Hindi ko man lang nakasama ang pamilya ko. Unti unti ay dumilim na ang lahat.

***************

Dead Vile >>>>>

Fortsett å les

You'll Also Like

310K 3.1K 14
Book 1: The Lumen Princess Book 2: Awakening of Darkness Book 3: Enchanted Naging mapayapa ang Magus World sa loob ng ilang taon. Ngayon ay masaya ng...
322K 8.5K 27
Cheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awe...
48.8K 4.3K 38
Pista na naman ng Sto. Niño de Tondo at lahat ay sabik nang magdiwang. Pero isang pandemnya ang iistorbo sa kasiyahan nang ang mga nagdiriwang ay mak...
39.7K 1.1K 51
Ang akala mong normal na klase. normal na buhay ay tunay.Hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo.hindi lahat ng pinapakitang kabaitan sayo ay...