THE GAME: Cuthbert Academy Bo...

By LianGuevara

310K 9K 697

Wesley Connolly Philbert, son of the most famous detective Efrain Philbert, was forced to transfer in Cuthber... More

Babala
Names of the characters
Character's names and meanings
Chapter 1: Welcome to Cuthbert Academy
Chapter 2: Feather
Chapter 3: Mystery Clue Collector (MCC)
Chapter 4: DNA Sequencer
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Latex
Chapter 7: Twin
Chapter 8: Gloves
Chapter 9: Library
Chapter 10: Contact lense
Chapter 11: Japanese Dynasty Vase
Chapter 12: Fountain
Chapter 13: Cyanide
Chapter 14: Chemical Substance Radar
Chapter 15: Fujiwara Family
Chapter 16: Death threat
Chapter 17: Brittany Hughes
Chapter 18: Courting
Chapter 19: I quit
Chapter 20: Please don't die
Chapter 21: Gun
Chapter 22: The Past
Author's Note
Chapter 23: Kenna is missing
Chapter 24: Suspect
Chapter 25: Reveal it or die
Chapter 26: Blood trace
Chapter 27: Kenna's soldier
Chapter 28: Another culprit
Chapter 29: Please be safe
Author's Note
Chapter 30: And the real game begins
Chapter 31: Everyone has a different story
Chapter 32: I can't do this anymore
Chapter 33: Transfer
Chapter 34: Kiss
Chapter 35: Forget about that
Author's Note: MCC PHOTO
Chapter 36: Mrs. Ebenezer
Chapter 37: 4 -way micro headset
Chapter 38: Case closed
Chapter 39: Clifford's secret
Chapter 40: A part of me will always wait for you
Chapter 41: Now or never
Chapter 42: Donovan
Chapter 43: You're next
Chapter 44: Sembreak
Chapter 45: Pagudpud Island
Chapter 46: I'm Runa
Chapter 47: Walter Academy
Chapter 48: MCC's History (Part I)
Author's Note
Chapter 49: MCC's History (Part II)
Chapter 50: MCC's History (Part III)
Chapter 51: MCC's History (Part IV)
Chapter 52: Efrain Philbert
Chapter 53: Magnus Gregory
Chapter 54: Seymour Prodigious
Chapter 55: Birthday
Chapter 56: Friends
Chapter 57: Uncle Mori
Chapter 58: Alumni
FOR HIRE
Chapter 59: Lets talk
Chapter 60: Black Letter
Chapter 61: Quia
Chapter 62: Condolence
Chapter 63: USB
Chapter 64: Diary
Chapter 65: Great pretender
Chapter 66: The snake
Chapter 67: Enemy
Chapter 68: Ending (Part 1)
Chapter 69: Ending (Part 2)
Epilogue
Author's Note
Paumanhin

Chapter 70: Ending (Part 3)

3.4K 81 8
By LianGuevara

Ending (Part 3)

Craig's POV

"That Blair Atwood. He's the fvking enemy!" Galit na galit kong sigaw dito sa loob ng kwarto ni Ate.

Ngayon ay kumbinsido na ako na siya talaga ang kalaban. All this time nasa malapit lang pala ang ahas, nagsisisi ako! Sa tinagal tagal namin magkakasama, bakit hindi ko man lang nakita na may kakaiba sa kanya.

Nasaan naba si Ate Laura? Saan ako mag sisimulang hanapin siya?

Nagpalakad-lakad ako dito sa kwarto niya at nag isip. Inisip ko lahat ng mga kasong hinawakan namin at kung paanong wala man lang nakahalata kay Blair.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa napansin ko, may drawer pala sa ilalim ng kama ni Ate?

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero may kutob ako. Ayoko siyang pag isipan nang masama pero kailangan kong makasigurado, kailangan kong makita ang laman ng drawer niya. Hinila ko ito at hindi ko inaasahan ang mga makikita ko.

Black envelope, black paper, CD at USB, pero ang pinaka bumigla sa akin ay yung larawan. Eto yung larawan ng isang bata na hindi namin mabuo-buo dahil kulang ng isang piece, yung larawan na ginawang puzzle ni Ahriman at ipinadala niya sa amin nung nasa ospital kaming lahat.

Ang nakikita kong kopya ngayon ay buong-buo, malinaw at sapat na para makilala ko kung sino. Si Ate Laura to, sigurado ako. Hindi kami tunay na magkapatid pero kabisado ko ang itsura niya simula ng bata pa siya, dahil narin sa nagtambak niyang photo album dito sa mansyon.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko at sumalampak dito sa kama dahil sa mga naiisip ko. Maaari kayang siya si Ahriman?

Inisip ko ang lahat ng mga pangyayari bago mabuo ang grupo at hanggang sa kasalukuyan.

Naaalala ko kung gaano niya kabilis tinanggap ang offer nila Kenna para maging adviser siya ng MCC. Naaalala ko rin kung gaano ka-obsess si Blair sa mga kagamitan niya at kung paano siya pinangakuan ni Ate na magagamit niya lahat ng yon sa paglutas ng mga kaso. T*ngina ba't di ko napansin yon.

Inisip ko lahat nang laro na naganap bago pa dumating si Wesley at hanggang sa kasalukuyan.

Una ang pagkalunod ni Kaezer Martinez, kung iisiping mabuti, wala si Ate Laura nang makuha namin ang sulat ni Ahriman. Ang nakakapagtaka pa roon ay bakit nasa kanya ang susi sa pool area? Coincidence lang ba na nasa kanya ang susi at saktong nakakuha kami ng sulat para sabihing may nagpakamatay sa swimming pool.

Pangalawa, yung pag-ooverdosed ni Ira Brookes. Ngayon ko lang naisip, saan nga ba sila nakakakuha ng mga kakaibang gamot? Sino ba ang mahilig mag imbento ng mga kakaibang gamot at kung anu-anong aparato? Si Blair lang naman ang bukod tangi sa academy. Kung sa gamot naman ay imposibleng si Dr. Wilbur dahil ang mga gamot na nasa infirmary ng academy ay mga gamot para sa simpleng karamdaman lang.

Ganun din sa pangatlong kaso, mga panahon na bago palang si Wesley sa grupo. Paano nga ba nakakuha ang kagaya ni Chuck Lars ng gamot na LSD? Sa tingin ko kailangan na may sinabi ka muna sa medisina bago ka makakuha nun, Si Blair parin ang may kakayahan para gawin yon. Saktong sakto rin ang kaso para sa pinaka bago niyang gamit, ang DNA Sequencer. Nagtaka rin ako ng kaming dalawa ang matoka sa pag interrogate kay Chuck, tandang tanda ko ng tanungin ko ito kung nasaan siya ng mamatay si Ralph. Si Blair pa mismo ang nagsabi sa akin na nasa kwarto na niya si Chuck, wala akong matandaan noon na sinabi niyang nakipag usap siya sa iba pa nilang mga kaibigan, sinabi nalang niya sa akin nang mabigla siya sa tanong ko. Ang sunod ay nang pumunta na kami sa kwarto ni Chuck. Wala din si Blair ng mga oras na yun, at ng wala na kaming napala dahil sa game over na ang laman ng cd ay saka siya sumulpot.

Sa pang apat na kaso, sabay nang ma-game ang laro sa cd ni Chuck at ang pag iwan ni Ahriman ng black letter sa amin, siguradong si Blair parin ang nag iwan dahil wala nga siya ng mga oras na yon huli na siya nang magpakita. At muli sa kaso ni Patrice Buenafar, napakinabangan na naman ang DNA Sequencer niya na pinaka paborito niyang gamit ng mga panahon na yon, kasama narin ng bago niyang Ultraviolet equipment. Nakakapagtaka rin ang nakasulat sa kwarto ni Ms. Macey, sinakto talaga ni Ate Laura na nandoon siya para siya talaga ang hingan nang tulong ng professor.

Ang panglima ay ang kaso ng mga Fujiwara. Wala silang dalawa nang ibigay sa amin ni Dean ang black letter. Sinadya nilang makuha ni Dean ang sulat para siya ang paghinalaan namin. Nung nasa mansyon naman kami ng mga Fujiwara, tandang tanda ko nang humingi ng pasensya si Blair dahil naglipat pa raw sila ng gamit, gaya nang pinakiusap ni Wesley, para daw sakaling kailanganin ang mga ito. Pero nang dumating sila tanging CSRadar lang ang dala ni Blair, dahil sigurado naman na sya na ayun lang ang gagamitin sa araw na yon, bukod pa sa pangkuha ng finger prints dahil maliit na lalagyan lang naman ito at natural na sa isang forensic expert na kagaya niya na laging may dala-dalang ganoon.

Sumunod ay ang pang anim na kaso, ang laro ni Brittany. Nakakapagtaka nung araw na yon mas ginusto ni Ate Laura na pasamahin si Cliff kay Brittany, at inutusan nalang niya si Chloe na mapag isa. Sinadya niya para maging kahina-hinala si Chloe. Wala din sila ng mga oras na aamin na si Wesley at Amber sa amin, marahil ay dahil sa sila talaga ang gumawa nang ingay noon malapit sa headquarters para matuon sa iba ang atensyon namin.

Ang sunod ay si Kenna, ang pang pitong laro. Nawawala si Kenna ng araw na yon, nakatanggap kami ng black letter kasunod nang pagtawag ni Ate Laura sa amin, para ibalita na may nangyari sa dorm. Naaalala ko rin na tutol na tutol siyang madetained ako at talagang kinausap pa ni Blair si Inspector para hayaan na ako. Dahil kapag wala ako, magugulo ang mga plano nila. At ang mga salita ni Ate ng gabing pinag iisipan namin ang tungkol sa sulat ni Ahriman. "Hindi lang para kay Kenna o kay Mr.Otis ang sulat na to, siguradong para to sa lahat ng may lihim. Ngayon palang mag uumpisa ang totoong laro." Tumatak ito sa isip ko, dahil masyadong malalim, para bang nakakasiguro siya na para sa aming lahat ang sulat. Nag hiwa-hiwalay rin kami ng gabing yon. Tandang tanda ko pa ang pagkabigla sa kanila ng maabutan namin siya at si Blair na seryosong nag uusap. Tinanong niya kaagad ako kung kanina pa kami nandoon, dahil nga naman siguro baka may narinig kami sa mga pinag gagagawa nila. Sinabi rin ni Otis na wala siyang kasalanan doon sa pagkawala nila Clifford at Amber, kaya sigurado na sila ang umatake sa dalawa at nagpatulog.

Ang pinaka huli, ang black letter na nakuha nila Dwayne sa tapat ng kwarto ni Chloe. Kung iisiping mabuti nasa confidential floor kami, hindi basta-basta makakaakyat ang kahit na sino. Nang makabalik sina Dwayne sa kwarto namin ay siya ring pagdating ni Sir Blair. Pero may hindi sila inaasahan na mangyayari. Ang pag quit ni Clifford sa grupo dahil ayaw nitong ibahagi sa amin ang lihim niya. Sumakto rin na dahil kulang kami sa grupo, pinauso ni Blair kay Wesley ang 4-way mini headset niya.

Naisip ko rin ngayon kung paano nga pala ako pasimpleng tinutukso ni Ate noong nagbakasyon kaming lahat, parang sinasadya niya na kumpirmahin sa harap nilang lahat ang mga tungkol sa akin, samantalang magkasama naman kami sa bahay para magtanong pa siya. Sinasadya niya talaga para pag dudahan nila ako. Siguradong silang dalawa rin ang nanakit kay Sir Magnus, siya lang naman ang may kakayahan ng mga araw na yun na magka access sa kahit saang sulok ng academy. Dahil anak siya ng may ari. Maaaring siya ang kumuha ng baseball bat na ginamit para saktan ang matandang professor. Masakit isipin ang pinaka huli pero malaki ang chance na sila ang pumatay kay Mommy Quia.

Pero anong dahilan? Anong dahilan ni Ate? Anong koneksyon ni Mommy Quia sa kanya? Bakit nila pinatay ang nanay-nanayan ni Kenna?

Malaki ang partisipasyon ni Blair sa naganap, pero kung gagamitin ng common sense, si Ate ang may pinaka may kagagawan ng lahat. Anak-anakan siya ni Prodigious, may kakayahan siyang malaman lahat ng impormasyon tungkol sa mga estudyante ng Cuthbert, may access siya sa lahat nang sulok ng academy, at may pribilehiyo siyang gawin ang kahit na anong naisin niya sa paaralan.

Tok....tok....tok.....

"Sir Craig." Narinig ko ang boses ni Manang, kumakatok siya ngayon. Bumangon ako para pagbuksan sila ng pintuan.

"Sir pasensya na, wala kasing tigil sa pagkahol yung mga K9 ng Daddy mo. Dahil pala dito, panay ang tunog, nahanap nung mga aso sa damuhan." Inabot sa akin ni Manang ang cellphone ko na nahulog siguro kanina ng dahil sa Blair Atwood na yon.

Iniwan na ako ni Manang. Nag umpisa na naman sa pagtunog ang cellphone ko.

Si Clifford ang tumatawag.

"Craig....." Bulong niya sa kabilang linya.

Naririnig ko rin sa background na parang may ume-echo na boses. Parang boses ni Ate at sumisigaw.

"Asan ka Cliff?"

"Craig nandito kaming lahat sa lumang building, hindi ko na maipaliwanag dahil masyadong magulo. Ang bilis ng mga pangyayari. Gusto ko lang sabihin sa iyo na kahit na anong mangyari wag ka ng magtitiwala kay Ms. Laura at Sir Blair." Mahinang mahina ang pagkasabi niya pero naiintindihan ko.

"Anong nangyayari sa inyo?" Ayoko ng magpaligoy ligoy pa si Clifford.

"Ang Ate mo at si Ahriman, iisa. Craig hawak niyang lahat ang mga kaibigan natin. Ako nalang ang hindi pa niya nahahanap."

"Fvck! Clifford hintayin mo ako!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil namatay na ang cellphone ko. Naibalibag ko ito sa inis, sumasabay pa.

Mabilis kong hinanap ang computer dito sa kwarto ni Ate at isinalampak nang sabay- sabay ang cd at usb niya, kailangan kong malaman anong plano nila. Siguradong nakasave dito ang laro. Mabilis kong pinindot ang kung anu-anong lumitaw sa screen pero sa huli ay biglang parang namatay ang computer saka lumabas ang mga salitang GAME OVER.

Nanlumo ako dahil sa mga letra na nag appear sa monitor. Game over. Lumalabas ang mga salitang ito kapag nahuli na kaming alamin kung sino ang dapat na managot.

Agad nalang akong tumayo, hinila ang USB at ibinulsa ito. Pupuntahan ko sila sa Cuthbert.

Bago pa ako umalis, pumunta ako sa kwarto ni Dad, kinuha ko ang isa sa mga baril niya. Hindi na ako nagtaka kung kulang ang mga kolesyon niya ng baril. Alam ko na kung nasaan mga yun at kung sino ang may gamit. Si Ate Laura at Blair.

Nagmadali na ako sa pagmamaneho, nagdrive ako nang higit pa sa dapat na takbo nito sa kalsada.

Nang makarating ako sa Cuthbert walang nagbukas ng gate para sa akin. Napilitan akong bumaba ng sasakyan ko, para lang maabutan na walang malay lahat ng guard. Wala akong nagawa kundi iwanan ang sasakyan ko at tumakbo papunta kung nasaan sila gaya nang sinabi ni Clifford.

Bang...........

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril dito sa lumang gusali. Nang galing ang ingay sa pinakataas na palapag ng building. Sinubukan ko ang lahat nang magagawa ko para lang hindi makagawa nang kahit na anong ingay hanggang sa mahanap ko sila.

Nahanap ko sila at nagtago sa may dilim. Nagulat ako sa sitwasyon nila, paano ito nagawa ni Ate sa kanila?

Kasama na rin nila si Clifford. He's so stubborn. Siya lang din naman ang naabutan kong may tama nang bala. Siguradong nagpadalos dalos siya, mas matutuwa man lang sana ako kung dalawa kaming magkasama ngayon.

Magpapakita na sana ako sa kanila, malaki parin ang tiwala ko na hindi ako sasaktan ni Ate, na mapapaliwanagan ko pa siya. Nararamdaman ko na hindi niya ako kayang saktan. Hindi kami iisa ng pinanggalingan pero pamilya ang trato namin sa isat' isa, dahil narin siguro sa kadahilanang parehas kaming naulila.

Ngunit hindi ko naituloy ang paglapit ko dahil sa mga sinabi ni Wesley.

"Ravana.... Ravana ang pangalan ng grupong pumatay sa pamilya mo fourteen years ago. Pinatay nila ang mga Montgomery, pamilya na pinang galingan mo Ms Laura."

Hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko hindi ko malalaman lahat kung magpapakita ako. Pinakinggan ko ang lahat. Lahat ng sinasabi ni Wesley ay bago sa pandinig ko. Lahat ng nalalaman ni Ate ay hindi ko inaasahan. Lahat nang nasabi ni Amber ay wala akong idea.

Alam ko na iisang grupo lang ang pumatay sa pamilya ni Ate Laura, at pamilya ko, pero hindi ko akalain na sila rin ang grupo na kumidnap kina Dwayne, pero mas lalong hindi nag sink in sa isip ko na myembro si Dad ng Ravana. Na siya pala ang may kasalanan.

Wala rin akong alam na ang Daddy ni Kenna ang nagtatag ng MCC na naging dahilan para mabuo ang Ravana, wala akong alam. Dahil buong akala ko ang MCC ay grupo na itinatag ni Uncle Henry, ang asawa ni Mommy Quia. Mali pala ang mga alam ko.

Hindi ko rin akalain na sa halos twelve years na itinuring ko ring nanay si Mommy Quia ay may alam siya sa mga nangyari sa akin, sa buhay ko at kung sinong dahilan nang pagiging ulila ko. Hindi ko akalain na ang lalaking madalang ko makita sa bahay na nakahiligan kong puntahan ang siyang lalaking may kagagawan nang nangyari sa pamilya ko, sa buhay ko.

May alam ba si Kenna dito? Kaya ba buong buhay nya ay nag tyaga siyang pakisamahan ang kagaya kong bugnutin?

Nasagot lahat nang katanungan ko nang marinig ko ang boses ni Kenna. Wala din siyang alam, inosente din siya, at kagaya ko may malaki siyang katanungan.

Bakit hinayaan siya ni Uncle August na lumaki sa poder ni Henry Ravana?

"So back to our story. Sa huling pagkakataon nahatulan ng guilty ang mga Ravana? Bakit? Dahil nagtulong tulong silang lahat, ang Daddy mo Wesley, ang Inspector Donovan, at ang Judge. And the best sa lahat, wala nang perang natatanggap si Henry sa Daddy mo Kenna kaya wala na siyang laban. Pero bakit ganon? Bakit kung kailan may nangyari sa taong malalapit sa kanila tsaka nila nagawan nang paraan ang mga Ravana? Hindi ba masyadong unfair sa akin yon at kay Craig?"

Nagagalit si Ate dahil naniniwala siya na malaki ang kasalanan ng mga magulang nila Wesley sa nangyari, isinisi niya sa kanila ang lahat. Iniisip niya na hindi naging patas ang desisyon, ang mga naging resulta. Hindi ako sang ayon sa paraan niya ngayon, pwede siyang magtanim nang sama ng loob kung nanaisin niya, pero hindi siya dapat gumanti sa kanila. Hindi ito ang tamang solusyon para lumigaya siya, at lalo lang siyang masasaktan sa ginagawa niya. Kung para sa kanya ay maling mali ang lahat ng nangyari noon, mas nakakasigurado ako na mali parin ang gusto niyang mangyari ngayon.

Gusto ko nang lumabas, gustong sabihin sa kanya na walang may kasalanan bukod sa mga pumatay sa mga kapamilya namin.  Nahihibang na nga siguro ako dahil kung sa kanya ay mahirap tanggapin, sa akin ay hindi na. Simula nang dumating si Kenna sa buhay ko, naniwala na ako na dapat ko nang kalimutan ang nakaraan. Nandito parin sa puso ko ang pagmamahal ko sa pamilya ko pero dapat ko nang kalimutan ang bangungot. Ayokong maging miserable, ayokong ikulong ang sarili ko sa mga masasakit na alaala.

Habang nakikita ko ngayon si Ate biglang may pumasok sa isip ko.

Kung hindi ko kaya nakilala si Kenna at ang buong MCC, ako kaya ang nasa posisyon niya ngayon? Maghihiganti rin ba ako?

"Sa'yo lang unfair! Ikaw lang ang nag iisip na kagaya mo si Craig. Iginagaya mo siya sayo. Gusto mo siyang maging miserable. Maraming nilihim si Craig sa amin pero kahit kailan wala siyang ipinakitang motibo para mag isip siya na saktan kami. Hindi kagaya mo." Para akong natauhan sa sinabi ni Clifford.

Alam ko na ang sagot. Humugot ako nang malalim na hininga at saka humakbang para magpakita na sa kanila.

"Diba sinabi na ni Laura na manahimik ka!" Saway nang nababaliw na si Blair kay Clifford.

"Go bastard shoot him and I will kill you." Banta ko sa kanya kapag sinaktan niya ang kaibigan ko.

"Craig." Nabubuhayang tawag ni Dwayne sa pangalan ko.

"Craig paano ka nakarating dito? Paano mo nalamang nandito kami?" Gulat na gulat si  Ate dahil nandito na ako ngayon sa harapan nila.

"Akala niyo ba tanga ako?" Tanong ko sa kanila ni Blair.

"Ano kakampihan mo ang mga kaibigan mo?" Galit na sinabi ni Blair.

Lalo pa niyang itinutok kay Cliff ang baril.

"Blair itigil mo yan!" Saway ni Ate sa boyfriend niyang obsess.

"Craig bakit nandito ka? Umalis kana! Ayaw kitang madamay. Pag natapos ko na ang lahat nang ito parehas na tayong mabubuhay nang masaya, ako na mismo ang gaganti para sa'yo." Nahihibang narin siya. Iniisip niya talaga na gusto kong maghinganti.

"Ate sa palagay mo masaya ako sa mga ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakakunot noo niyang tanong, hindi niya siguro inaasahan na hindi ako papanig sa kanya. Na wala akong balak makiayon sa kagustuhan niya.

Lalo pa akong lumapit sa kanila at nagsalita.

"Narinig kong lahat nang katotohanan. Nabigla ako, nakaramdam ako ng galit, pero hinding hindi ko gagawin ang ginagawa mo ngayon! Hindi ko kayang mabuhay para lang gayahin ang ginawa ng mga demonyong pumatay sa pamilya ko!" Sumigaw ako sa kanya, wala siyang reaksyon at nakatulala lang siya. Nag iisip, sana lang maisip niya na kagaya na rin niya ang yon kapag ipinagpatuloy niya ang kahibangan niya.

"Kaya please pakawalan mo na sila. Magbagong buhay na tayo, kung iniisip mo na huli na ang lahat, mali ka ate. Nandito pa ako, nandito pa si Dad. Nandito kaming lahat para sa'yo." Nag umpisa nang tumulo ang mga luha niya, natulala nalang siya at umiiyak.

Inabuso ko ang pagkakataon para makalagan kahit si Wesley man lang. Hindi ako nagkamali sa baril na napili ko, dahil may patalim din ito. Inabuso ko ang pagkakataon para makalaya si Wesley sa pagkakatali.

"Salamat." Tanging masabi sa akin ni Wesley, dahil na kay Blair ang paningin naming parehas.

Wala na sa amin ang atensyon ni Blair, na kay Ate Laura na. Pagkakataon na namin ito.

Tahimik lang silang lahat dahil alam na nila ang susunod na mangyayari.

Mabilis tumayo si Wesley para kalabanin si Blair, habang sunod kong pinapakawalan si Dwayne.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil sa pagmamadali ko.

Bang...............

Isang putok na naman nang baril.

This time ay hindi na sila nanahimik dahil sa alingawngaw na nanggaling sa baril. Narinig ko nalang ang sigaw ni Chloe at pag hihysterical nito sa nakita niya.

Nakahandusay na si Sir Blair, habang hawak hawak ang baril. Nabaril niya ang sarili niya sa parteng tyan, dahil sa pakikipag agawan niya ng baril kay Wesley. Hindi na rin nakagalaw si Wesley, napako na siya sa kinatatayuan niya, nabigla din siya.

"Craig...." Tawag ni Amber sa akin habang umiiyak. Paglingon ko kung saan siya nakatingin ay nagulat ako.

May mas hindi pa pala ako inaasahan, hawak hawak na ni Ate sa buhok si Kenna.

"Sige Craig! Hahayaan ko ang mga kaibigan mo pero hindi ang isang ito." Nakatutok sa sintido ni Kenna ang baril.

Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko pa tapos kalagan si Dwayne, pero kung ipag papatuloy ko to baka patayin niya si Kenna.

"Ate please...." Nakikiusap ako sa kanya. Wag ang babaeng mahal ko.

"WALANG GAGALAW!" Sigaw nang isa pang pamilyar na boses. Si Inspector Donovan at mga pulis.

Hindi nagpatinag si Ate, hawak niya parin si Kenna sa buhok. Hindi rin nagpatinag si Inspector, lumapit siya dahil nakita niyang duguan na din ang anak niya.

"Clifford, anak." Sinubukan niyang tanggalin ang patalikod na pagkakatali ng kamay ni Clifford, para na silang magkayakap ngayon.

"Dad..." Nanghihinang sinabi ni Cliff habang nanlalaki ang mata niya.

Bang..............

Napuno ng dugo ang likod ni Inspector. Nabaril siya ni Blair, hindi pa pala ito natutuluyan.

Bang..............

Isa pa uling putok ng baril galing naman kay Andrew. Balang para muli kay Blair.

"Dad.....Dad....." Umiiyak na si Clifford dahil nakahandusay na sa harap niya si Inspector.

Nag umpisa na ring muling umiyak ang mga babae.

Napapalibutan na kami ngayon ng mga pulis, napapalibutan na si Ate. Dalawa lang choice niya. Una sumuko, pangalawa ay ituloy ang balak niya, na hindi ko gusto. Hawak hawak niya si Kenna, maling galaw ay maaari siyang mamatay.

"Anak itigil mo na to." Pakiusap nang bagong dumating. Si Daddy o mas kilalang Seymour Prodigious.

"Anak?! Nagpapatawa kaba?" Galit na galit niyang tanong kay Dad.

Binitawan na niya si Kenna kaya dinaluhan ko ito. Habang si Wesley ay pinapakawalan ang mga kaibigan namin.

"Hindi ko alam na aabot ka sa ganito, na aabot tayo sa ganito. Sinabi ko ang lahat sayo noon dahil buong akala ko ay mauunawaan mo. Na susubukan mo nang kalimutan ang lahat." Malungkot na sinabi ni Dad.

Ibig sabihin siya rin pala mismo ang nagtapat kay Ate sa mga nangyari noon.

"Ang lakas din naman ng loob mong sabihin sa akin yan! Hinding hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan mo. Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Mukha kang pera! Isang sakim! Makasarili ka!" Nagsisisigaw siya ngayon, at tinatawag nang kung anu-ano si Dad.

"Tama na!" Saway ko sa kanya.

Binitawan ko na si Kenna at hinayaan na si Wesley ang umalalay sa kanya.

"Anong sinasabi mong sakim? Nasaan ang makasarili? Kanina Ate medyo pinipilit kong unawain ka, pero ang magalit ka nang sobra sobra kay Dad at tawagin siya ng kung anu-ano? Hindi na tama! Sabihin mo nga sa akin huh! ANO BANG MAKAKAMKAM NIYA SA PAMILYA MO?! Lubog na kayo sa utang bago pa sila mamatay. Magpasalamat ka inampon ka pa niya! At nung birthday niya? Sino bang nasorpresa? Hindi ba ikaw? Hindi ba ikaw ang may pinaka magandang balita nung araw na yon? Akala mo ba hindi ko alam na muling tinatag ni Daddy ang negosyo nang pamilya niyo?" Pag papamukha ko sa kanya sa mga pinagsasasabi niya.

Naiinis ako sa kanya. She is really getting on my nerves. Oo, minsan ay napakailap ko kay Dad, pero hindi ibig sabihin ay ayoko na sa kanya. Hindi ibig sabihin ng pagiging mailap ko ay ayoko na sa lalaking inialay ang buhay niya para sa dalawang batang naulila. Sa lalaking hindi na nagkaroon nang sariling pamilya para lang sa amin.

Nasaan ang sakim? Nasaan ang makasarili sa mga pinag sasasabi ni Ate.

"Craig tama na." Pinatitigil akong magsalita ni Dad. Sinubukan niyang humakbang palapit sa amin pero tinutukan siya nang baril ni Ate. Nababaliw na talaga siya.

"Wag kang lumapit sa akin." Utos ni Ate sa kanya.

"Laura, anak makinig ka sa akin. Ayokong matapos to nang hindi mo naiintindihan ang lahat. Kaibigan ko ang Daddy mo, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Nung mga panahon na kamamatay lang ng mga magulang ko ay naging obligasyon ko na ang lahat nang naiwan nila, pero dahil halos wala pa akong alam noon, hindi ko alam saan mag uumpisa. Hanggang sa makilala ko ang Daddy mo, siya ang gumabay sa akin, siya ang naging mentor ko, siya ang nagturo sa akin sa paghawak nang negosyong naiwan ng mga magulang ko. Dahil sa kanya kaya nandito ako ngayon. Dahil yun sa Daddy mo." Ibig sabihin lang may malalim talagang dahilan kaya nagdesisyon si Dad na kupkupin si Ate Laura.

Hindi dahil sa may masama siyang binabalak o dahil nakukunsensya siya kagaya nang ibinibintang ni Ate. Inampon siya dahil mahalaga ang Daddy ni Ate Laura kay Dad.

"Kung yan ang dahilan mo bakit ka humingi nang tawad sa akin?" Lumambot nang muli ang mga expression niya, sana lang ay intindihin niya ang lahat ng maririnig niya.

"Isang araw nabalitaan ko nalang na palubog na ang negosyo niyo, nalaman ko rin na humingi ng tulong ang Daddy mo kay Henry. Natatandaan ko na naabutan mo kaming nagtatalo noon, alam ko na iniisip mo na nagtatalo kami dahil sa pera o ano pa man. Mali ka nang inaakala mo, nagtalatalo kami dahil nagagalit ako sa kanya. Bakit siya humingi ng tulong kay Henry?" Kung ganoon ay personal din palang kilala ng totoong Daddy ni Ate si Herny Ravana.

"Alam na alam niya kung anong ugali ni Henry at ang maaaring kapalit ng ginawa niya kung hindi siya agad makakapag bayad. Malapit kami sa isat'isa kaya bakit hindi siya sakin humingi ng tulong? Nagalit din ako dahil sa naging rason niya. Pride. Pride dahil nahihiya daw siya na matapos niya akong turuan sa negosyo ay mababalitaan ko nalang na ang sarili niyang negosyo ay bagsak na." Walang kasalanan si Dad sa kahit na anong nangyari. Mali si Ate Laura sa pinaniwalaan niya buong buhay niya.

"Laura, humingi ako nang tawad sa'yo noon dahil wala akong nagawa. Sinubukan kong bayaran si Henry ng hindi nalalaman nang Daddy mo, buong akala ko matapos niyang tanggapin ang pera ay tapos na. Masyado siyang tuso, pumunta parin siya sa inyo at pinatay sa harap mo ang buong pamilya mo. Believe it or not anak, ginawa ko ang lahat nang makakaya ko para maipakulong sila, pero wala pa ako sa ganinong posisyon ko ng mga panahon na yon. Pati si Judge Kenda ay sinubukan kong suhulan, pero tinawanan niya lang ako dahil sa ginawa ko. Alam niyang mabuting tao ang Daddy mo, alam namin lahat yon sa MCC. Lahat kami gumawa nang paraan pero hindi basta-basta si Henry." Naiintindihan ko na ngayon ang lahat, buong akala ni Ate walang ginawa si Dad para sa kanya. Ang buong akala niya ay pinagkaisahan ang pamilya niya, at ang pamilya ko.

"Bakit ngayon mo sa akin sinasabi lahat ng to?" Tuloy-tuloy na ang pag agos ng luha ni Ate. Hinihiling ko lang na luha ng realisasyon ang lumalabas sa mata niya.

"Dahil mahal kita anak. Ayokong isipin mo na kaya kita inampon noon ay dahil lang sa may utang na loob ako sa Daddy mo. Hindi lang dahil doon. Mahal ko kayong parehas ni Craig. Natatandaan mo ba Laura nung kulitin ko kayong gamitin ang pangalan ko? Handa kong ibigay sa inyo ang pangalang Prodigious, para lang patunayan kung gaano ko kayo kamahal." Naaalala ko noon nang suhulan niya kami nang kung anu-ano para lang pumayag na kami na magpapalit ng apelyido.

Natatandaan ko kung paano niya kaming kinulit dahil daw naiisip niya na pag nawala na siya ay kami daw ang magmamana ni Ate ng lahat. Natatandaan ko na din kung paanong sinabi ni Ate na ayaw niya at sapat na daw na inampon siya nito, at dahil bata pa ako noon, ginaya ko nalang kung anong desisyon ni Ate. Tandang tanda ko pa kung gaano siyang nalungkot dahil sa naging desisyon namin. Kung iisipin ang lahat, sobra-sobra ang pagmamahal na nakuha namin sa kanya, pati ang mga pinaghirapan niya ay handa niyang ibigay sa amin.

"Nandito ko muli sa harap mo anak para humingi ng tawad sa'yo at kay Craig kung may sama kayo ng loob sa akin. Kung hindi parin naging sapat ang mga ginawa ko." Nakita ko na balak lumuhod ni Dad.

"No Dad!!!!! Wag mong gagawin yan!" Sigaw ko, ayoko siyang makitang lumuhod kay Ate, sa babaeng hindi man lang nakita ang kabutihan niya.

"Gawin mo man yan ngayon o hindi, ay buo na ang desisyon ko." Nagulat ako sa bilis nang mga pangyayari, pero bago pa niya magawa ang binabalak niya ay nakalapit na ako.

Bang..................

"Craig.................."

"Craig.........."

Halos sabay-sabay nilang pag tawag sa pangalan ko.

Bang.....Bang......Bang.....

Nakarinig pa ako ng ilang putok at nakita ko na humandusay na rin si Ate Laura sa semento kagaya ko.

"Craig!..... Laura......" Rinig na rinig ko kung paanong isinigaw ni Dad ang mga pangalan namin gamit ang namamaos na niyang boses.

******************

Hi friends and readers......

Pasensya na sa napakahabang huling chapter. Marami kasing nahihiwagahan kay Mr. Seymour Prodigious kaya hinayaan ko siyang ipaliwanag ang sarili niya. Hahaha

Kitakits sa EPILOGUE

-Lian

Continue Reading

You'll Also Like

438K 9.4K 37
Isang paaralang naiiba sa lahat..... Isang paaralang hindi normal kundi extraordinary ang mga estudyante... Isang pagkatao ang maaring mabunyag...
30.9K 1.5K 56
the continuation begins! Date started:jυne 6, 2018 Date finished:jυly 6, 2019
277K 9.5K 36
[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who...
315K 7.9K 58
(Completed and editing slowly) "Highest rank: 6th in Mystery/Thriller (before I changed the genre to Fantasy)" ** Ako si Haruna Davis. Isa ako sa m...