Chapter 84

59 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong taon at wala nang bumalik na Edward at nagpakita sa akin. Sa pagdaan ng maraming araw, naging payapa ang buhay namin. Nanatili kami dito sa Barcelona at bumibisita lang sa Amerika kapag namimis na ni Pia sila mama or either meron sila doon dahil madalas ay nasa ibang bansa rin sila. Minsan, kami naman ang binibisita nila dito.

Lumipas ang tatlong taon sabay nun ay ang pagdalas na pagtawag o pagpunta ni Byron dito sa bahay sa Barcelona. Siguro matagal na ang isang linggo na pagstay niya dito pagkatapos ay kailangan na niyang bumalik sa Amerika para tapusin ang ilang iniwan na trabaho para sa kaniya nila mama. Pero kung tatanungin niyo kami sa status namin, friends pa rin gaya ng dati. Though, we've been a lot of going out together, minsan meron din si Pia at si Gielyn.

"Mom, next month is my birthday"

Busy akong nagtitipa sa laptop ko ng assignment ni Pia para sa school kaya bigla akong napatingin sa kaniya ng sabihin niya iyon.

"Ofcourse baby. How will I forgot your special birthday? What do you want?"

It's her 7th birthday and I want to make it very special. Balak namin gawin dito sa isang hotel ang birthday niya at mga importanteng tao lamang ang mga pupunta. Dahil hanggang sa maaari ay kailangan na hindi ito malaman ng media dahil hanggang ngayon ay sikreto lang ang pag-eexist niya.

Ang ngiting hanggang tenga ay kusang naglaho at napalitan ng lungkot. Tinggal ko ang laptop sa lap ko. Hinatak ko siya palapit sa akin at niyakap siya. "Why baby?"

She starts to sob and hug me tight. "Mom.. I don't need anything" and she started to hug me more tighter. "I just want to see papa."

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Walang mga salita ang lumalabas sa bibig ko o kahit sa utak ko dahil masnasasaktan ako para sa anak ko. I showed my love to her when the day I knew that she is inside my womb. I love her so much that I know she doesn't need the love from his own father because I thought, I was already enough. But it doesn't. I gave her everything she wants but this time, I don't know anymore.

"Marco Stanley"

As I heard that name from my own daughter, tears are starting to fall. Agad kong kinalas ang yakap sa kaniya at hinawakan siya sa mga braso para tignan siya. "How did you know -"

"I saw this"

Kinuha niya ang litrato namin ni Marco noon sa LA noong may contest kami ng hiphop at nanalo kami. Tinignan ko ang likod ng larawan at nakitang may pangalan siya doon at may maliit na heart sa huli. Saan niya nakuha ito?! Tinago ko na lahat at iniwan sa Manila ang mga bagay na gainito! Bakit andito ito? "He is my father right?"

"Pia-"

"Wish kong makita siya mom.. even a very long distance will be fine"

Pagkatapos ng usapan ay halos gusto kong inuntog sa pader ang ulo ko dahil sa pagpayag ko sa anak ko. Agad kong tinawagan sila mama at sinabi ang pagsang-ayon ko sa kagustuhan ng anak ko.

"What? Are you out of your mind Andrea?" Naiiritang tanong ni mama sa akin. I know she doesnt like it. I know she wouldn't.

"Ma, gusto lang makita ni Pia kahit sa malayuan. Yun lang, hinding-hindi kami magpapakita at ipapaalam sa lalaking yun ang tungkol sa anak ko. It's just... it was Pia's wish mom."

I heard her sighed. That night, pagpasok ko sa kwarto namin ni Pia ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog pero inagaw ng nasa kamay niya ang atensyon ko. Agad kong kinuha ang larawan at inalala ang mga panahong iyon.

He is a jerk. And I can't believe that I loved him.

Mabilis na inayos ang mga papeles namin para sa pagbalik namin sa Pilipinas. Pagkatapos na pagkatapos ng school year ay luluwas na kami at bukas na iyon! Hindi pa rin ako makatulog gabi-gabi dahil baka may makakita sa akin o sa amin. Baka makita ako nila Claire? Erica? Yung Royals? Pero malaki naman ang Manila para makasalubong sila.

"Mom! Lola and lolo is here! They're here!" Masayang sabi ni Pia dahil merong nagdoorbell.

Agad akong tumayo para salubungin ang mga magulang ko na masayang niyakap ang apo nila. "Are you excited darling?" Natatawang tanong ni papa sa kaniya at tumango naman si Pia.

"Finally! I'm going to see daddy! Finally!"

Nagkatinginan kami nila mama na para bang may sinasabi siya sa akin. Pero umiwas din siya dahil niyakap siya ni Pia.

"Aren't you going with us lola?"

"Oh no darling. We have many works to do. But we asked someone to come with you"

Nagsimulang nagsalubong ang kilay ko. Bumakas ang pintuan at niluwa si Byron na may dalang maleta sa likod niya.

"Tito Byron?"

"It's me!" Agad na binuhat ni Byron si Pia at naghigh five pa ang dalawa. Nakita ko ang palihim na pagngiti ng magulang ko sa sulok at napawi iyon dahil sinamaan ko sila ng tingin.

Hindi ko na napansin na nasa harap ko na pala si Byron habang buhat si Pia. "Missed me?"

"Ofcourse not. Dumalaw ka lang dito last last week" sabi ko at ngumisi siya. Tumalikod na ako sa kanila at inayos na lang ang karga namin.

...

As we wave our hands to our friends and family, maslalo akong kinakabahan. Nath will cry for sure. Kunwari masaya siya kanina pero habang palayo kami ng palayo ay nakikita ko ang pagpunas niya ng mga luha. I will really gonna miss her. Sumulyap rin ako kanila mama at nakangiti lang sila sa amin.

"Adios!" Sigaw ko dahil medyo nakalayo-layo na kami.

Si Pia ang malapit sa bintana at nasa gitna nila ako ni Byron. Walang ginawang iba si Pia kundi picture lang ng picture sa iPod niya. Nood, tulog, gising at kain lang ang ginawa namin sa buong biyahe. Nagkwento rin si Byron tungkol sa estado ng kompanya at sa pagpunta niya sa Japan last month.

Pagkalapag ng eroplano, namuo muli ang kaba sa akin. It's been seven years..

"Wag kang matakot. Gawin mo ito, para sa anak mo" sabi ni Byron sa gilid ko at hinatak ang maleta ko. Todo kapit din si Pia at panay tingin sa paligid.

Pagkarating sa bahay ay para bang binuhusan ako ng malamig na tubig at nagising dahil andito nga ako. Parang kahapon lang. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong tinignan ang mga picture frames na halos walang alikabok! Tinignan ko ang salamin at nakita ang pagbabago ko sa sarili.  Mastumangkad nga ako at masnagmature ang mukha.

Napalingon ako sa lamesa kung saan ko nilalagay si Ivee pero wala siya doon! Nagsimula akong hanapin ang teddy bear na yun mula sa mga closets pero wala. Itanong ko na lang siguro kay manang mamaya. Agad ko din kinuha ang isang makapal na photo album. Binuksan ko ito at tinibayan ko ang sarili ko na hindi iiyak pero hindi ko napigilan dahil naguiguilty ako sa ginawa kong paglayo sa kanila. The pictures made me turn back in those days and it flatters my heart to remember my teenager days.

Pagbaba ko sa sala ay nakita kong nakatulog si Byron sa sofa. Bakit jan yan natulog? Gigisingin ko na sana siya pero hindi natuloy dahil napatingin ako sa mukha niya. He is really handsome and no one can doubt that. He showed to me who he really is and didn't do anything but to show his care and love for me and Pia. He always obeys my parents favor so that they will not disappoint on him. He is really a worthy man, but am I worthy for him? Am I ready for this again?

Hinayaan ko na lang siya sa sofa dahil mukhang malalim na ang tulog niya. Kumuha na lang ako ng kumot at kinumutan siya. Natanaw ko rin si Pia sa kaniyang kwarto na natutulog din. This is a long day for us but tomorrow will surely be more longer. Because tomorrow, I'm going to have a background check and see his schedules. I am going to stalk with that jerk. AGAIN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon