Chapter 16

283 15 0
                                    

Asan na ba yung mokong na yun? Eh halos andito na kami sa sala lahat except Kay Edward at Marco, wala pa. Sa totoo lang, ilang oras ba yun naliligo?

"Takte naman! Ang tagal nung mga pangit na yun! Naghihintay tuloy itong gwapo Kong mukha!" Seryoso yong, saan Yung gwapo mong mukha?

"Oo nga Yong, ang gwapo mo." Sabi ni Claire. Talaga Claire? Sasabihin mo yan sa Yong na yan na gwapo siya?

"See? Kitams? Gwapo ako. At si Claire na ang nagsabi nun!" Wow pinagmalaki pa niya talaga.

"Totoo naman diba guys? Si yong ang pinakagwapo."

Ano ba Claire!

"Pinakagwapo sa mga pangit! Pfft. Hahahahaha!" Tawa ni Claire. Hahaha! Pinakagwapo sa mga pangit. Eh dii Parang pangit na rin siya.

"Hahaha!" Grabe Yung tawa nila dito isama mo na rin ako! Tapos si Yong ang sama ng tingin. Hahaha!

"Yan kasi! Ang yabang! Akala mo gwapo. Eh masgwapo naman ako sayo yong! Hahaha!" Sige pa Jake asarin mo pa!

"Puntahan ko nga si Marco sa kwarto niya. " sabi ni Jake pero bago siya umalis tinapik niya Yung balikat ni Yong tapos tumawa. Tapos umalis.

"Ano ka ngayon Yong? Tameme ka ata." Hayy naku James, asarin mo pa, mamaya ikaw na ang makarma niyan!

"Claire, alam mo, hindi ka kasi marunong makaappreciate ng mga gwapo at baby face. Tsk. Alam mo ba, ako ang itinaguriang, THE MOST HANDSOME BOY NG UNIVERSE alam mo ba yun?" Wow talaga? THE MOST HANDSOME BOY NG UNIVERSE? meron bang ganun?

"Hahaha! Talaga Yong? The MOST HANSOME BOY NG UNIVERSE? Eh mukha ka ngang tipaklong jan! MagCR ng muna ako! Baka mahawa pa Yung mukha ko sa kapangitan nitong isang ito. Hahaha!" Tawang tawa pa si James na naglalakad papuntang CR, hindi pa siya nakakalayo, may narinig na kaming nadulas, yun pala si JAMES!

"HAHAHAHAHA!!!!"

Tawang-tawa kami eh!

Eh dii nakarma ka rin James! Ang yabang mo rin kasi eh!

"Hahaaha! James, naniniwala talaga ako sa karma! Pft. Hahaha!" Aba ang lakas rin manloko nitong si Yong eh.

Tumayo si James at tumawa tapos tinignan ng masama si Yong.

"At least, gwapo pa rin ako! " sabi ni James at tuluyan na ngang pumasok ng CR.

Pumunta si Yong sa isang malaking salamin titignan niya daw muna Yung mukha niya. Abnoy talaga eh!

"Vivoree, excited ka na ba?" Tanong sa akin ni Erica.

"Oo naman sis. First time Kong pupunta ng Tagaytay."

"Ako rin. Hindi naman kasi pumupunta dun nila mom at dad. Always silang busy sa work nila. Tapos si kuya, ayun nasa Hongkong. " kawawa naman si Tiffany.

Binuksan ko Yung bag ko tapos kinuha Yung wallet. Pagkabukas ko, nakita ko Yung necklace na may Andrea. Isuot ko na nga lang.

"Guys. Cr lang ako." Sabi ko at tumayo. Naiihi na rin kasi ako at sa CR ko na lang ito isuot.

Ang lawak ng bahay hindi ko nw alam kung saan dito ang cr buti na lang nakita ko yung is a sa mga yaya nila dito.

"Uhm. Miss, saan po ba dito Yung CR?" Tanong ko.

"Meron po dun" turo niya sa akin. Eh andun si James eh.

"Eh, may tao na po dun. Meron pa po bang ibang cr Yung malapit po dito. Naiihi na po talaga kasi ako" sabi ko .

Tinuro niya naman sa akin Yung isang cr pero sabi niya,  wag saw ako masyadong maingay pagpunta ko duon. Kasi sa tabi nun, office daw yun ng Nanay ni Marco at sure ako, andun din si Tita Abigail.

Tahimik akong pumasok sa CR, nilagay ko na muna yung kwintas sa doorknob sinabit ki na muna dun tapos umiihi na ako.

Nilalagay ko na Yung butones ng pantalon ko ng tumunog Yung phone ko, unknown number.

Hello po. Sino po sila?

Oh! Hi Vivoree! Si Edward ito. Nakuha ko yung number ni kay Erica. Anjan na ba kayo? Nasa labas na ako ng subdivision, wait for me ha.

Ok. See yah

Tapos inend ko na Yung call.

Lumabas na ako agad at pumunta sa sala. Pagpunta ko dun, nakita ko na si Edward papasok sa pintuan ang bilis naman niya.

"Wala pa rin si Marco?!" Ang tagal naman ng abnormal na yun! Tinignan ko Yung oras, 7:08 na! Andito na rin yung dalawang van na sasakyan namin! Ano ba yan! Porket pamamahay niya ito eh!

"Andito na ako!" Sabi niya habang naglalakad sa hagdanan. Aba, ang gwapo niya.

What?!

Erase erase erase.

"So let's go?" Tanong ni Marco lahat naman kami tumango. Napahawak ako sa leeg ko. Siguro dahil sa kaba or excite pero narealize ko, Yung necklace! Asan na yun?

"Guys wait! May hahanapin lang ako!" Sabi ko at bumalik ako sa CR na pinuntahan ko. Pagtingin ko sa doorknob. Wala na. san yun? Ana lintik naman! Galing pa yun sa gamit ni mama eh!

Habang naglalakad ako pabalik, nakatingin lang ako sa sahig, baka sakaling nahulog ko pero wala.

"Dalian mo nga impakta!" Natauhan ako sa tawag sa akin ng impakta. Wow! Ako? Impakta? Kaiinis naman!

Pumasok na lang ako sa loob. At sinewerte nga naman, katabi ko rin itong impakto na ito.

Marco, ano bang problema mo sa akin?

Sino kaya ang nakadampot o nakakuha sa necklace ko? Huhuhu. Sana mahanap ko pa yun.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon