Chapter 47

121 6 0
                                    

Vivoree's POV

Hindi pa tapos ang practice namin, pero nagpaalam ako kay Rio na pupunta ng Cafeteria. Gusto ko kasi makita si Marco. Meron kasi akong bad feeling. Ewan ko ba.

Binigay sa akin ni Rio ang CD sa akin dahil magrerecess sila. At gusto niyang ako daw ang maghawak.

Kinuha ko na lang. Bumaba na ako. Papasok na sana ako ng cafeteria ng nakita kong lumabas ang ROYALS. Pero sila Jake,Yong at James lang. Hindi nagtagal, lumabas na rin si Edward.

"Asan si Marco?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Kasi si Edward may kausap sa phone.

"Uhh.." Tinignan ng masama ni Jake si Yong. Kaya maslalo akong kinabahan.

"Uy! Ano? Asan siya?" Tanong ko muli. Pero hindi talaga si sumasagot.

Papasok na lang sana ako kaso pinigilan nila ako. Ano bang meron?

Pero nilakasan ko ang pwersa ko. Nakapasok ako. Pero sa hindi Kalayuan, nakita ko siya. With ISABELLE.

Alam mo yung feeling na makita mong lumandi sa harapan mo mismo yung love one mo sa ibang tao, parang ang sarap banggain.

Psh.

"Marco." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

Hinabol niya ako pero hindi ko siya pinapansin. At teka, bakit nga ba ako nagkakaganito? Kami ba? Hindi.

Tss. Bahala na.

Kahit sa library, sinundan ako. Hangga't sa kinanta niya ang kantang Mhine. Pati tuloy ang mga estudyante na nakapaligid sa amin, nakikanta.

Marco, alam mo ba ang salitang kilig?

Nagkaayos naman na kami. Ngayon, back to practice. Malapit ng ang contest, kaya kailangan ko itong seryosohin.

"Good job guys."

Tapos na ang practice at parang gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod.

"Vivoree, ayun na si tagasundo ay este ayun na pala yung sundo mo." Sabi ni Rio at umalis.

Napatingin ako sa lalaking palakad papalapit sa akin.

"Halika na. Mukhang pagod ka eh."

"Kapag nakikita kita, nawawala ang pagod ko." Tumawa kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun.

Ang akala ko, ihahatid niya ako sa bahay ng mga Thrillward pero hindi.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko. Hinatak niya lang ako papasok sa loob at pinaupo sa upuan.

Mau binigay siya sa aking menu.

"Anong gusto mo? "

"Kahit ano. Eh ikaw, anong gusto mo?"tanong ko sa kanya.

"Ikaw ang gusto ko."

Pinalo ko na lang siya sa balikat niya. Mukhang napalakas ko pero baliw na kasi siya.

"Masakit ba?" Tanong ko. Nakonsensya tuloy ako agad.

Hawak-hawak niya pa rin ang balikat niya.. Naku, napalakas ko ata. Iba pa naman itong mokong na ito kapag nagalit. Huhuhu. Kill me now..

"Alam mo kung anong masmasakit? Yung malayo ka sa akin." Sabi niya at ngumiti.

See? Baliw na talaga siya. Natakot ako dun.

Masarap yung mga inorder niya para sa amin. Busog na nga ako.

Hinatid niya ako sa bahay ng mga Thrillward.

"Salamat."

"Hindi. Dapat ako yung magpasalamat sayo. Dahil you always make me smile whenever I saw you." Niyakap niya ako ng sobrang higpit .

Niyakap ko na lang rin siya. Kung alam mo Marco na parati mo rin ako pinapasaya tuwing nakikita kita.

"Sige, pasok na ako." Papasok na sana ako kaso pinigilan na niya ako.

"Vivoree, mag-ingat ka. Good night, sweet dreams. Don't forget to pray before you sleep. Wag mong hayaan na pati lamok, dadapo sa katawan mo. Wag ka rin magpuyat kakaisip sa akin ha? Sige na. Bye" sabi niya at niyakap ulit niya ako.

Kumalas rim siya agad sa yakap at pumasok na sa kotse niya. Papasok na sana ako sa gate ng umatras muli ang sasakyan niya. Anong problema nito?

"Bakit ka bumalik?"

"May nakalimutan ako."

"Ano?"

"Kiss?"

"Baliw. Hindi pwede."

"Sige na. Please"

"Hindi pwede, Jerk."

"Sige ganito na lang. Nakalimutan ko kasi rin sabihin sayo eh"

"Ano?"

"Mahal kita, bumaliktad man ang mundo, pigilan man tayo ni Superman, guluhin man tayo ni Batman, gumitna man sa atin si Spiderman, awayin man tayo ni Wonderwoman, maging sino ka man, mahal kita hanggang walang hanggan."

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon