Chapter 68

67 2 0
                                    

Jake's POV

Pagkauwi ko sa bahay, iniisip ko na kailangan ko na talaga itong sabihin. Nasa akin ang kwintas na magsasabi na si Vivoree nga ang anak ng mga Thrillward, pero bakit meron sa loob ng sarili ko na nagsasabing wag muna?

Buong gabi ko ito pinag-isipan at halos hindi ako makatulog!

Naka-upo ako sa sofa dito sa sala namin at maiging tinititigan ang necklace.

Narinig ko na may nagtext sa cellphone ko, kaya kinuha ko sa ibabaw ng lamesa na nasa tapat ko ngayon at binasa ang text na nagmula pala kay leader.

From: Marco

Jake samahan mo naman ako sa office ko mamaya. Busy si Ed,may hinahabol na project si Yong at gagala daw sila James at Rachelle. Pwede ba? Medyo masama pa pakiramdam ko, kailangan ko ng kasama.

Wala naman akong ginagawa dito sa bahay at para malessen ko ang pag-iisip tungkol sa pagkatao ni Vivoree, sumama ako sa mokong niyang boyfriend.

Sinundo ko siya sa bahay nila. Ako na ang nagdala ng kotse dahil hindi siguro siya makakamaneho maigi. Habang nasa loob kami ng kotse, salita siya ng salita at tanong ng tanong kung ano daw ang maganda niyang gawin para sa anniversary nila.

REALLY? GANON SIYA KA-EXCITE? NEXT YEAR PA YON!

"Ano ba ang favorite color niya?" Tanong ko.

Gusto niya daw sa Korea daw sila magfifirst anniversary, ipapakilala niya sa ilang relatives niya dun.  Tapos ano daw color ng bibilhin niyang color ng T-shirt nila actually, couple T-shirt pala. Tss..

"Aqua"

"Eh ikaw? Diba Blue ang paborito mo?"

"Aqua na rin. Hahahaha"

"Mangagaya"

"Eh sadyang maganda kasi"

"Tsss.."

Yung totoo lang? Dinala niya ba talaga ako para samahan at alalayan siya dahil masama ang pakiramdam? Or para may kachukaran at mapagtanungan ng planong yan?

Nakarating na kami sa tapat ng building nila Marco. Lumabas siya at lumabas rin ako. Yumuyuko at ginegreet kami ng mga taong nakakasalamuha namin. Kilalang-kilala kami dito noh, lalong-lalo na yung matatagal na dito at nasaksihan kung paano kami magtakbuhang ROYALS dito sa building at guluhin ang office ng tatay ni Marco.

Noong bata pa kami, yung apat ay walang hiyang pumapasok sa office kung saan nagmemeeting ang mga board members at syempre ako ang pumipigil sa kanila pero wala, pati ako nasermonan ni daddy at mommy.

Pumasok kaming dalawa sa office niya at mukhang may pipirmahan siya.

Umupo sa sofa at pinagmasdan ang kabuuan ng office niya pero ang nakahagip ng mata ko ang picture frame na litrato nilang dalawa ni Vivoree ang andun.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon