Chapter 65

48 1 0
                                    

Vivoree's POV

Napag-isipan ko, siguro oras na para sagutin ko siya. Hindi na ako matatakot. Ipaglalaban ko siya tulad ng paglaban niya sa akin. Hindi ko siya iiwasan kundi masmananatili ako sa tabi niya. Kasi masmatatakot ako, kung mawawala siya sa tabi ko at hindi ko na muli makita ang isang Marco Nueva Stanley.

"Ang swerte naman talaga nung lalaking yun" medyo mapait na sabi niya at ramdam ko ang pagkairita niya.

Bakit?

"Ah--- salamat talaga Samuel, but I really have to go. Bye"

Lumabas ako agad sa kotse niya at agad sumakay sa elevator. Pumasok ako agad sa kwarto ni papa na nadtanan kong gising pa rin at mukhang inaantay talaga ako.

Nakita ko sila Gielyn at Rachelle na nagcecellphone sa sofa.

"Musta Viv?" Tanong ni Gielyn habang nakatingin sa akin at ngumiti.

"Ok lang" simple kong sagot at binalik niya muli ang atensyo niya sa cellphone mukhang naglalaro.

Lumapit ako kay papa at nagmano. Umupo ako sa tabi niya at hinimas-himas ang noo niya.

"Musta ulit pa?"

"Ok naman. Medyo nanghihina na talaga ako."malungkot niyang sabi pero nakangiti pa rin.

I can't imagine na saglit lang ang panahon na nagkita kami tapos ganito na ang mangyayari.

Nakatulog na rin siya agad. Nakahiga si Gielyn sa mahabang sofa samantalang si Rachelle ay nasa labas kausap si James.

"Uwi ka na muna Viv, bukas ka na lang magbantay. Kami na ang Bahala ni Rachelle dito. Sige na, ok lang kami dito" sabi niya at mukhang wala pa rin balak matulog dahil naglalaro pa rin sa cellphone niya

"Ok lang--"

"Sige na Viv. Masmakakatulog ka ng mahimbing dun. Ayos lang kami."

Hindi nagtagal ay sinamahan ako ni Gielyn nag-antay ng taxi sa baba at nang nakasakay na ako ay bumalik rin siya agad.

Nang nakarating ako sa mansyon ng mga Thrillward ay nakita ko si Tito Andrew at tita Abby na nagloloptop at mukhang busy kaya nung nakita nila ako ay nagulat sila. Lumapit ako at nagmano sa kanila.

"Akala namin sa hospital ka ngayon" sabi ni tito at binalik ang atensyon sa loptop niya

"Opo. Kaso pinauwi rin po ako ni Gielyn."

"Responsible girl na talaga yang si Gielyn. She change." Masayang sabi ni tito.

"Magpahinga ka na muna dun anak. May tatapusin lang kami--"

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ko. Kasi napansin kong nakaformal suit pa rin sila at makitang mga biscuit at kape ang nasa lamesa nila.

Ito pa rin ang shot nila kanina pa.

"Tulog na si aling--"

"Ako na po ang magluluto tita. Anong gusto niyong pagkain?" Tanong ko k

"Matulog ka na anak. Ok lang kami dito"

"Siguro, tinolang manok na lang tito noh?"

"Viv, anak , ayos lang kami ng tito mo"

"Magluluto ako. Tatawagin ko na lang kayo" pinilit ko sila.

Nagluto ako ng tinolang manok at nagsaing sa rice cooker . nang natapos na akong nagluto ay tinawag ko na sila at sabay-sabay kami kumain. Sinamahan ko sila syempre. Nasarapan sila sa luto ko, syempre paborito ni mama yan, noon parati kong nakikita kung paano siya magluto nito.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon