Chapter 18

267 13 1
                                    

Vivoree's POV
Bumaba na kami ng van para bumili ng makakain namin sa biyahe pero parang may iba. May iba sa mga tingin nila.

"Hawak kamay di kita bibitawan sa paglalakbay...." Kanta ni Tiffany. Ewan ko ba sa trip nila pero parang iba eh,may kakaiba.

Napansin Kong tumitingin sila sa akin tapos ang lalawak ng mga ngiti. Ano bang meron?

Nakita Kong busy sila sa pamimili, pero napadako Yung mata ko sa pintuan at nakita Kong lumabas si Edward, san ba yun pupunta?

Sinundan ko siya sa labas pero nilibot ko yung tingin ko sa paligid ngunit wala siya. Asan ka ba Edward?

"I'm here", boses ng isang lalaki pero alam ko na siya yun. Ang lalaking hinahanap ko.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Pasok na tayo dun, baka mamaya hanapin pa nila tayo." Sabi ko at ngumiti lang siya.

"Sama ka sa akin." Ha? Anong sasama? Saan?

"Saan naman?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko tapos ngumiti siya sa akin. Shekkss. Ang gwapo!

Feel ko tuloy hinahawakan ng isang anghel ang kamay ko. Pero parang,,, may iba. Masmasaya ako kapag....

"Vivoree? OK ka lang?"

Masmasaya ako kapag.....

Nakaramdam ako ng may yumakap sa akin. Huh? "Alam mo ba, kanina ka pang lutang kaya ayan, niyakap kita para bumalik ka sa pag-iisip mo." Sabi niya at maslalo niyang hinigpitan ang yakap. Ok sana Yung yakap niya, kaso mascomfortable ako kapag si.....

Vivoree ano ka ba?! Erase.

"Come with me." Sabi niya at hinatak ako. Ewan ko ba kung saan kami pupunta basta ang alam ko, magagalit sila dahil bigla-bigla na lang kmi umalis ni Edward.

Sa dii kalayuan, narating namin. BUS TERMINAL.

Anong gagawin namin dito? Eh dii ba, may van naman kami na sinasakyan. Tapos Yung mga gamit namin, andun at sa pagkakaalam ko, anak ng mayaman si Edward at siya? sasakay ng bus??

Hawak-hawak niya pa rin Yung kamay ko.

"Stay here, bibili lng ako ng ticket natin dalawa." Sabi niya at tumango na lang ako. Bakit kailangan pa niya ito gawin?

Umupo na lang ako sa upuan na malapit sa akin at tinignan si Edward habang bumibili ng ticket.

Ang gwapo, mabait, matalino, tahimik at mapagmahal niya, kaya siguro nagkagusto sa kanya si Liezel.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung sila na ulit o hindi pero hindi ko na tinatanong dahil ayaw Kong malaman dahil ayaw Kong masaktan. Sapat na ung nakita ko noon na hinalikan ni Edward si Liezel . sapat na rin Yung dahilan na tuwing nakikita ko silang magkasama, masaya sila sa isa't-isa.

It hurts. But I need to accept.

"Let's go." Sabi ni Edward. Andito na pala siya sa harapan ko. Tumayo ako at sumakay na kmi sa bus. Tetexan ko sana sila Tiffany para malaman nila na sasakay kami ng bus pero sabi ni Edward tinexan naman na niya daw si Jake.

Umupo na kami sa assigned seat namin at ako ang malapit sa bintana at si Edward naman Yung malapit sa aisle.

"Uhm.. Edward, bakit ba tayo sumakay sa bus? Eh di ba, may van naman tayo? At malamang, galit na sa atin si Marco." Dii ko na napigilan magtanong. Nagtataka na kasi talaga ako.

Umaandar na rin Yung bus. Ewan ko kung saan na kmi banda.

"Let me tell you a story." Sabi niya at huminga ng malalim tapos sumandal siya sa upuan then tinignan niya ako. Isang nakakatunaw na tingin. Makikita mo yung brown niyang mata na nakakaadik. Yung Hindi ka magsasawa na tignan siya. "Noong teenager pa Yung tatay ko, nakukuha na niya lahat ng gusto niya. Mayaman talaga sila papa noon. Akala niya, nakuha na niya ang lahat. Pero ng nakilala niya si mama, dun niya narealize na hindi pa pala. Hindi pa niya nakukuha ang puso ng mama ko. "

"Then? Anong ginawa ng papa mo parang makuha niya ang puso ng mama mo?" Tanong ko at ngumiti siya akin.

"Niligawan niya si mama. Pero grabe ang pagtitiis ni papa, para masungkit niya lang ang matamis na oo ni mama. Simple lang ang buhay ni mama, hindi katulad ni papa na waldas lang ng waldas ng pera. Alam mo ba, hindi alam ni papa ang salitang kikiam, fishball, kwek kwek at isaw, Kay mama niya lang yun natutunan na may pagkain palang ganun, halos nga masuka-suka nga siya nung first time niya daw yun dahil hindi daw siya sanay pero nasanay rin siya at akalain mo, paborito ni papa kaya ang isaw ngayon. At alam mo Yung magjeep, hindi niya ginagawa yun kahit magbus. Pero noong nagbiyahe si mama at papa papunta sa Quezon noon, nagbus sila at sa loob ng bus, sinagot ni mama si papa. . Pero sa dii inaasahan, hiniwalayan din ni mama si papa."

"Weh?!" Grabe naman yung pageefort ng papa ni Edward pero napunta lang sa wala.

"Kasi, may lumapit daw na babae Kay mama at nagpakilalang, girlfriend daw ni papa." Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat. "Hindi alam ni papa kung bakit bigla na lang tinataboy siya ni mama pero dahil nagexpect din si papa, ayun syempre nasaktan rin siya kaya binigay ni papa yung gusto ni mama na lumayo na lang. Years rin ang nakalipas buhat nung huli nilang pagkikita pero masyado kasing mapaglaro ang tadhana, nagkita sila sa bus station. Parehas sila ng bus na sinakyan. Laking gulat nga si mama nung malaman niya na sumasaky na pala si papa sa bus pero ang masworst, magkatabi pa sila. Naging friends ulit sila pero dii nagtagal, masyado nang nahulog si papa Kay mama, at dahil nahulog na rin ng sobra si mama Kay papa, hindi na niya ito pinakawalan. Nagpropose si papa Kay mama pero alam mo ba kung saan nagpropose si papa Kay mama?" Tanong niya.

"Saan?" Tanong ko. Hindi na ako mapakali. Kinikilig ako eh.

"Sa bus. Kasi, dahil sa bus, sinagot siya noon ni mama at dahil sa bus, nakita muli sila. Pero alam mo ba, first time ko lang sumakay ng bus. At sinadya ko talaga na ikaw yung una Kong makasama. Kapag magbabus sila mama at papa, dii ako sumasama. Dahil ang gusto ko, ang taong mahalaga sa buhay ko, siya ang una kong makakasama ko sa bus. At dahil may trip tayo ngayon, hindi ko na ito pinalagpas. Kaya dito tayo sumakay. Wala naman na silang magagawa. Andito naman na rin tayo." Sambit niya.

"You mean, mahalaga ako sayo?" Tanong ko at tinignam na naman niya ako mula sa mata.

Kinakabahan na naman tuloy ako.

"Oo. Mahalaga ka sa akin. " ewan ko pero kusa na lang ako napangiti sa sinabi niya.

"Pero, paano si Liezel. Siyempre, masmahalaga siya para sayo" ewan ko pero bigla na lang bumukas ying bibig ko at nagsalita. Nahiya tuloy ako sa sinabi ko kaya napayuko na lang ako.

Naramdaman ko ang kamay niya na dumampi sa baba ko at unti -unti niya itong tinaas. Kaya napatingin tuloy ako sa kanya.

May sasabihin sana siya kaso tumunog Yung phone niya.

Tinignan niya at isang call. Sinagot niya Yung tawag at tumingin na lang ako sa bintana. Hindi ko alam kung nasaan na kamin pero for sure, wala na kami sa Manila.

Nilagay ko na lang yung earphones ko sa tenga at nagpatugtog na lang ako.

(Now playing : The story of my life. By: One Direction)

Habang nasa gitna na ako ng kanta, napatingin na lang ako sa bintana. May nakita akong van. Kaparehong van na sinasakyan ngayon nila Tiffany.

"Teka lang." Tinanggal ko Yung earphones ko at tinignan ko si Edward at mukhang disappointed siya.

Bumalik Yung tingin ko sa bintana at tama hindi ako namamalik mata.

Binaba niya yung bintana at nakita ko siya. Bakit siya Yung nagmamaneho?

Nagtagpo ang mga mata namin. Ewan ko bigla akong kinabahan ng todo at halos hindi ko kayang gumalaw. Bigla na lang nagslow motion ang lahat.

"They are following us" napatingin ako Kay Edward. Agad ko rin naman tinigan Yung lalaking nagmamaneho ng van.

Bakit? Bakit mo ba kami sinusundan Marco?

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon