Chapter 28

165 11 2
                                    

Ang sikat ng araw ang nagpagising sa akin.

Umalis si tita at Rachelle dahil pupunta daw sila sa kaibigan ni tita dahil may okasyon daw.

Nagtext sa akin si Marco na mga 01:00 ng hapon niya ako susunduin, may lakad kami. Naglinis na muna ako ng bahay pagkatapos, nanood ako ng tv at kumain na rin ako, pagkatapos ay naligo na ako at nagprepare na ng itsura ko.

Tinignan ko ang orasan namin 12:53 na.

Nakasuot lang ako ng t-shirt na kulay peach at may drawing ng Eiffel Tower tapos nakapantalon ako ng fitted tapos nakarubbershoes na kulay puti. Simple lang tapos nakabraid yung buhok ko.

Simple lang yan.

Uupo na sana ako sa upuan nang biglang may kumatok sa pintuan.
Naexcite tuloy ako.

Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin ang napakagwapong lalaki. Pero,,,

"Edward?" Anong ginagawa niya dito? May dala siyang box na nakawrap tapos tatlong rosas.

Alam niya ba na may lakad kami ni Marco?

"Para sayo" inabot niya sa akin yung box at tatlong rosas.

Tinanggap ko na lang yun.

"Salamat. Pasok." Sabi ko at pumasok kami sa loob at pinaupo ko siya sa sala.

Nilapag ko yung mga binigay niya sa lamesa at umupo rin ako sa tabi ng upuan niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Gusto kitang dalawin. May lakad ka ba?" Tanong niya sa akin

"Oo eh."

"Saan?"

"Ewan ko kay Marco"

"Marco?" Tumaas ang isa niya kilay at tinignan ako ng daretsyo.

"Oo si Marco. Uhm, may pupuntahan kasi kami. Bakit?"

"Wala" yumuko siya na para bang may iniisip. "Vivoree, may pag-asa ba ako sayo?"

Napalunok na lang ako sa tanong niya.

"Hi-hindi ko pa alam" sabi ko at nilalaro ang mga kuko ko.

"Just take your time. Hindi naman ako nagmamadali. Sige, alis na ako. " sabi niya at tumayo, hinatid ko na rin siya sa pintuan, kaso lalabas na sana si Edward ng saktong pumasok si Marco sa pintuan.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosomg tanong ni Marco kay Edward.

"Dinalaw ko lang naman yung nililigawan ko. Pasensya na, hindi ko alam na may lakad kayo. Paalis naman na rin ako. Sige Vivoree, ingat kayo. Text na lang ako sayo mamaya." Pinanood ko na lang siyang umalis.

Naawa tuloy ako sa kanya. Pero nauna na kasi talaga si Marco eh

"Pwedeng maki-inom?" Tanong niya. Um-oo na lang ako tapos dumaretsyo siya sa loob. "Galing sa kanya ito?" Tanong nya at pinakita niya sa akin yung mga binigay ni Edward.

Um-oo na lang ako sa kanya. Kumuha siya ng tubig sa ref at uminom, ilang saglit, umalis na kami . Akala ko kung saan kami pupunta, yun pala sa park.

Parang familiar sa akin itong park.

"Upo ka dito. Bibili lang ako ng ice cream" sabi niya at iniwan ako sa isang bench.

Napatingin ako sa batang babae na umiiyak sa swing, mag-isa lang siya, tatayo na sana ako kaso may umupo na batabg lalaki sa kabilang swing at tinignan yung batang babae. Binigyan niya ito ng panyo at pinunas naman ito sa kanyang mata.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon