Chapter 74

41 0 0
                                    

Hinilig ko ang ulo ko sa bintana at tinitignan ang city lights. Iiwan ko muna ang Manila. Humihikbi pa rin ako. Hindi pa rin ako tapos mag-emote noh?

"Sshhh... Tulog ka na muna."

Hindi ko pa rin siya pinansin, nakahilig ako sa bintana. Bakit nagawa niya sa akin iyon? Asshole Jerk!

Hindi ko napigilan na umiyak na naman. Ang sama-sama niya!

"Tss.." Tinapik ako ni Jake sa balikat at sinandal niya ako sa kaniyang balikat. Pinunas niya ang mga luha ko gamit ang kaniyang thumb.

Hindi na ako umangal. Sumandal na lang ako at pinilit na makatulog. Atleast, I have a friend here comforting me.

.....

Pagkalabas namin ng airport ay sinalubong kami ng isang Avanza na sasakyan. Wala naman kaming gamit na dala. I wonder kung ilang araw kami dito.

"Musta na ikaw Jake? Ang laki mo na ah!" Tumawa siya sa sinabi ng matanda. So magkakilala sila.

Nagkwentuhan ang dalawa. Gabi na at medyo tahimik ang lugar. Balak ko sanang umidlip muli dahil ang biyahe namin ay mahigit isang oras lamang.

"Si... Andrea po, my friend"

Tulad ko, nahihirapan pa rin siyang mag-adjust sa pangalan ko.

Tinignan ko si manong gamit ang salamin sa harap. Naka ngiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako. Curious lang ako kung paano sila nagkakilala.

"Dati akong driver ni Jake noon mam nung elementary niya, kaso kailangan ko ng umuwi dito sa Tuguegaro kasi pumanaw ang aking asawa, walang mag-aalaga sa mga anak namin kaya nung maggegrade eight na si sir, umalis ako sa kanila." Kwento niya. Halata ba sa mukha ko na nakucurious ako? Nasagot niya ang tanong ko na hindi ko naman sinasabi sa kaniya.

Nilingon ko si Jake sa tabi ko na nahuli kong nakatitig sa akin pero agad umiwas at tinignan ang labas.

"Ganun po ba. Musta na po ang mga anak niyo ngayon?" Tanong ko

"Okay naman na mam. Nakapagraduate na ako ng isang kolehiyo yung dalawa highschool pa lang."

Tumango ako bilang sagot.

Nakita kong nagtitipa si Jake ngayon sa phone niya. "Manong Je, mga dalawang araw lang kami dito. May pasok pa po kasi kami. Pwede po ba na itour niyo kami dito sa Cagayan? Para kahit papaano sulit. Kasi pagbalik namin sa Manila, sobrang busy na naman kami. Gusto po namin makapagrelax dalawa. At dalaw naman po tayo sa inyo, para makita ko ulit sila Mavs." Sabi niya habang nagtitipa pagkatapos ay muling sumilyap sa akin at kay Manong.

Hindi sumagot si Manong Je at mukhang namamangha pa siya.

"Sige sir"

"Don't call me Sir. Si Manong Je naman"

Tumawa pa silang dalawa. "Kasi parang naninibago pa ako sayo. Nung bata ka, tahimik ka lang. Kung kausapin ka, halos hindi pa lalampas na sampung salita ang sasabihin mo. Nagbago ka na. May tinitibok na ba yan?" Tanong niya at sumilyap sa akin pero agad din binalik ang tingin sa kalsada.

Hayss.. Gusto ko ng matulog. Hindi manlang ako nagpaalam kay papa. Tawagan ko na lang mamaya si Rachelle.

Nagcatch up pa ang dalawa ngunit ako ay dumungaw lamang sa phone ko na umaasang tatawag siya pero hindi. Mukhang nagpapakasarap pa rin sila ngayon ni Elle. Habang iniisip ko yun ay para akong nasusuka.

Paaano kapag bumalik ako? Anong gagawin ko? Kakausapin siya? Iiwasan siya? Lalayuan? Sumasakit ang ulo ko sa iniisip ko. Hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan at tumapat sa isang hotel.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon