Chapter 38

149 6 2
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, sobrang liwanag, inakala kong patay na ako, pero natauhan ako ng may humawak sa pisngi ko.

"Marco?" Tanong ko.

Medyo, malabo pa yung paningin ko pero nang luminae na ito, natauhan ako.

"Asan si Marco?" Bigla kong tanong kay Edward na hawak niya pa rin ang pisngi ko.

Ngumiti siya sa akin.

"Buti gising ka na, tatawag lang ako ng nurse." Sabi niya at iniwan.

Tumingin ako sa paligid at nakita ko sila Yong na nakangisi sa akin.

"Ang sakit nun. Si Edward ang andyan pero si Marco pa rin ang hinanap." Sabi ni James at nag-apir pa sila ni Yong.

Lumapit sa akin si Jake.

"Are you ok buddy?" Hinaplos ni Jake ang buhok ko. Tumango na lang ako .

Umiwas na si Jake dahil dumating naman si Tita Abby.

"Vivoree, buti gising ka na! Anong nararamdaman mo? Ayos ka na ba? May gusto ka ba? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang. " medyo nagpapanic siya. Hinawakan ko na lang ang kamay niya.

May nararamdaman na naman ako na hindi ko maexplain.

"Ok na po ako. Wag na po kayo mag-alala." Sabi ko at niyakap niya ako agad .

"Natakot lang ako." Sabi niya. Kahit hindi ko ngayon nakikita ang mukha niya, I know na umiiyak siya sa pagcrack pa lang ng boses niya, alam kong umiiyak siya. "Minsan nawalan na ako ng anak, hindi ko makakayang pati ikaw mawawala pa. " sabi niya. Bumitaw siya sa pagyakap at hinaplos ang aking pisngi. "Cr lang ako." Sabi niya at lumabas.

Dumating naman ang mga nurse para i-check ako pagkatapos ay umalis na rin sila.

"Edward, sorry. Akala ko ik--" hindi na niya ako tinapos magsalita.

"Ok lng. I understand." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Vivoree, magpaggaling ka agad ha.." Sabi ni Claire

"Oo nga bestiee. " sabi naman ni Erica

"Saan mo gustong mamasyal?" Tanong naman ni Tiffany

"Kahit saan. " sabi ko.

"Guys, laro tayo" sabi naman nitong Yong na ito.

Ano na naman kaya ang kalokohan na gagawin nito?

"Anong laro?" Tanong ni Edward

"Beauty Pageant" napatahimik kami lahat.

"Ugok! Anong laro? Laro ba ang beauty pageant?" Sabay pukpok sa batok ni Yong.

Lahat kami tumawa. Paano naging laro ang Beauty Pageant.

"Sorry na. Mistake is common to all. You know?" Mayabang niya pang sabi .

"Ang dami mo pang alam! Paano ba yang laro na yan?" Tanong ni James.

"Eh dii rarampa tayo tapos i-introduce mo ang sarili mo then bawat isa, sasagot sa Q&A" sagot ni Yong

"Sali ako!" Biglang singit ni bakla. Ay oo nga pala, malamang sasali siya. Dream niya yan..

Rumampa agad siya sa harapan tapos nagwave siya ng kamay ano yan? Pia Wurtzbach?

"Halika dito. Hindi pa nag-uumpisa" biglang hatak ni Claire kay Erica. Haha.

"Panira ka naman ng moment eh!" Sabi ni Erica.

Tinignan lang siya ni Claire, parang lumalabas na naman ang pagkaboyish ni Claire eh.

"Sali ako" biglang sabi ni Edward lumaki naman agad ang mata ko eh, seryoso siya?

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon