Chapter 54

119 5 0
                                    

Vivoree's POV

"Good job guys! Pwede na kayo umuwi. Good luck! Dapat andito na kayo sa school before six o'clock dahil eight ang flight niyo pa bukas. Take enough rest." Sabi ng coach namin.

Ugh, ang sakit ng katawan ko.

"Guys, uwi na ako" sabi ko sa mga kasamahan ko at mabilis na tumakbo papunta sa gate.

Nakita ko siyang nakatayo at nagtatawanan sila ng guard. Himala, anong nakain nito?

"Marco!"

"Oh! Andito na pala siya sir. Hehehe. Sige po." Sabi nung guard.

Kumaway naman si Marco sa guard at lumapit sa akin.

"Hmm.. Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ah,, wala. Gusto ko lang kapag nakikita nila ako wag nila isipin na kami ang may ari ng school na ito. Isipin nila na ordinaryo lamang na estudyante kami. Para patas sa lahat."

"Wow! Gusto ko yan. Keep up the good work Mr. Stanley. Maganda na rin yun. So, uwi na tayo." Sabi ko sa kanya kaya agad siyang tumakbo sa kabilang side ng kotse at binuksan ang pintuan ng kotse niya.

Take note, siya pa ang nagseatbelt sa akin.

Agad rin siyang sumakay sa kotse at pinaandar na niya. Hayss. Pagod ako ngayon.

"So, aalis na pala kayo bukas. Gusto kong sumama." Tinignan ko lang siya ng seryoso.

"Aber, hindi ba ikaw ay may lakad?"

"Ito naman, dinaig mo pa yung matanda makapagsalita" sambit niya sa akin.

Napatingin ako sa isang paper bag na nasa tabi ng paa ko, ano kaya ito?

"Anong laman niyan?" Sabay turo ko sa paper bag na yun.

"Ah, para pala sayo yan. Tignan mo"

Pagkabukas ko, isang dress. Ang ganda, Isa siyang vintage dress na color aqua. Wow.

"Para saan ito?"

"Parating hindi natutuloy ang celebration ng birthday ko kaya ngayon natin i-cecelebrate. Sunduin kita mamayang 6 at iuuwi kita ng mga 8.  Mabilis lang. Kasi, alam ko maaga kayo bukas."

Tumango na lang ako. Magfafive pa lang. May time pa na magreretouch ako. Sakto, nasa bahay si tita.

......

"Oh ayan, finish!" Sabi ni tita at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko ngaaaaaa...

Lol.

Pagkababa ko, nakita ko agad si papa sa upuan, nakaupo. Naglalagas na ang mga buhok niya. Naawa ako sa kanya.

"Pa, aalis muna ako. Pupunta ako sa birthday party ng kaibigan ko. Mag-ingat ka dito ha?"

"Ikaw rin anak."

Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Kahit hindi ko siya tunay na ama, mahal ko pa rin siya.

May bumisina na kotse sa labas.

"Ako na ang maghatid sayo Vivoree sa labas." Sabi ni tito Andrew.

Siya na ang naghatid sa akin sa labas at dun naghihintay si Marco. Nakatuxedo pa siya.

Bakit ang gwapo niya?

"Ingatan mo itong si Vivoree. Kapag may problema Vivoree, tawagan mo lang ako. Ingat kayong dalawa." Sabi ni tito.

"Salamat po tito. Pangako po, babantayan at aalagaan ko siya." Sabi ni Marco.

Pinapasok na niya ako sa loob ng kotse. At ganun rin siya. Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Medyo maraming tao.

Crazy In Love With A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon